“What are you doing?” Nakangiting nilingon ni Theia si Rome. “Good morning,” masayang bati niya. Kinabig siya ni Rome, nakayapos ang mga bisig nito sa kanyang beywang. “Good morning, cara mia,” sambit nito sa kanya. “Nagluto ako ng almusal natin,” aniya. “Hmm, kaya pala amoy bawang ka,” natatawang sabi nito. “Hindi ko sigurado kung gusto mo ng fried rice, kaya nagluto rin ako ng pancake at omelet,” aniya. “Hindi naman ako pihikan sa pagkain,” saad nito. “Rome, baka may makakita sa atin,” saway niya. Panay ang halik nito sa kanyang batok, gumagapang na rin ang palad nito sa loob ng t-shirt na suot niya. “You’re my wife, cara mia. I don’t mind if they will see us. But if it bothers you, I will fire whoever enters that door,” saad nito. Lumawak ang ngiti niya nang makita kung sin

