Akarie Napansin ko ang bahagyang pag-angat ng labi ni Alaric nang makita niya ang reaksiyon ng aking mukha nang i-alis niya ang tingin sa akin pagkatapos niyang sagutin ang Papa niya. At mas lalo yatang namula ang aking pisngi ng sandaling iyon. “That's why I took a bath and changed," dagdag pa na sagot niya. At dahil nakatingin ako sa kanya ay pansin ko ang pag-angat ng dulo ng labi niya, alam ko na ako ang pinapataaman niya sa sinabi niya. Hindi na nga din niya hinintay na magsalita ang Papa niya dahil nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa umupo siya sa pang-isahang sofa sa aking harap. At sa pwesto niya ay malaya tuloy niya akong nakikita. Pasimple ko na lang naman na inalis ang tingin sa kanya. “So, Vaughn, how’s your company?” mayamaya ay narinig kong tanong ni Mama, mu

