Akarie Inalis ko ang aking tingin sa harap ng laptop ng marinig ko ang pagtunog ng ringtone ng aking cellphone. Dinampot ko naman iyon para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin at nakita, nabasa ko na si Mama ang tumatawag. Napatitig naman ako sa aking cellphone. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi. Pero sa bandang huli ay sinagot ko na din ang tawag niya. "Hello?" "Akarie, hija. Kamusta?" tanong ni Mama sa akin. "Okay lang naman, Ma," sagot ko sa kanya. "Kayo po, kamusta?" tanong ko din. Noong nakaraang araw pa kasi kami huling nagkita ni Mama dahil sinama siya ni Tito Alfred sa dinaluhan niyang business conference sa ibang lugar. At alam ko ay bukas pa sila uuwi na dalawa. "Okay lang naman. Uuwi na kami bukas ng Tito Alfred mo," sagot niya sa

