Akarie Napatingin ako sa gawi ni Troy nang makita ko ng bumaba siya ng kotse nang ma-i-park niya ang minamaneho sa parking lot ng building kung saan matatagpuan ang condo namin ni Mama. Sinundan ko naman siya ng tingin nang humakbang siya palapit sa gawi ko para pagbuksan niya ako ng pinto. Tuluyan ko naman na tinanggal ang seatbelt na aking suot bago ako bumaba ng kotse. "Thank you sa paghatid, Troy," nakangiting wika ko ng makababa ako ng kotse. Troy insisted on taking me to my condo because it was already late. Napasarap kasi ang kwentuhan namin na dalawa at hindi namin namalayan ang oras. Ngumiti nga din siya pabalik sa akin. "You're welcome," sagot naman niya sa akin. “I hope you enjoyed the dinner.” "Nag-enjoy ako," sagot ko. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Troy sa narin

