Akarie "Am I late?” Ganoon na lang ang bilis ng t***k nang aking puso nang marinig ko ang pamilyar na malamig na boses na iyon na nagsalita. Dahan-dahan naman akong nag-angat ng tingin sa pinanggalingan ng boses. At nakita ko ang seryosong ekspresyon ng mukha ni Alaric na nakatayo sa hamba ng pinto. He was wearing a white long-sleeved shirt, the sleeves rolled up to his elbows. At halos pigil ko ang aking hininga nang sumulyap sa akin si Alaric. Wala naman akong mabasa na anumang emosyon sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. His expression remained emotionless. Iniwas ko na lang naman ang tingin sa kanya. At nang sandaling iyon ay ramdam ko ang pagdagundong ng t***k ng aking puso. Anong ginawa ni Alaric doon? Akala ko ba may business conference siya sa ibang bansa? At isan

