Susubukan ko na lang siguro na iwasan si Alaric o hindi kaya ay iiwasan ko na mapag-isa kami. Alam ko kasi na hindi ito ang huling pagkakataon na magkikita kaming dalawa ni Alaric. Lalo pa at kasal si Mama at Papa niya. May pagkakataon na magkakaroon ng salo-salo na ganito. At para maiwasan ang nangyari, I need to avoid him. Hindi na lang ako aalis sa tabi ni Mama kahit na ihing-ihi na ako. Ayoko din na lumalapit siya sa akin dahil nagiging marupok din ako sa kanya. Humugot naman ako ng malalim na buntong-hininga. Ipinilig ko nga din ang aking ulo para maalis iyon sa aking isip. Nang pakiramdam ko ay wala na ang panginginig ng aking tuhod ay umalis ako mula sa pagkakasandal ko sa pader. Inayos ko ang pantalon ko na hindi maayos ang pagkakasuot. I’m a mess. I need to change but I do

