Tinanong ako ng lalaki kung o-order na ako pero sinabi ko sa kanya na mamaya na at hihintayin ko ang pagdating ng aking kasama. Hinintay ko naman ang pagdating ni Troy. Hindi ko nga din napigilan na mapatingin sa wristwatch na suot nang makita kung limang minuto na akong naghihintay. Naisip ko naman na baka na-traffic lang siya. Hanggang sa nagdagdagan pa ng limang minuto ang aking paghihintay. Kinuha ko naman ang aking cellphone sa loob ng aking bag para tingnan kung may text ba si Troy sa akin. Pero nakita kung wala. Akmang magti-text ako sa kanya nang mapatigil ako ng marinig ko ang pamilyar na boses niya. "Zahria." Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Troy na naglalakad palapit sa gawi ko, nakita ko nga din ang bugkos na bulaklak na hawak niya nang sandaling iyon. Pero wala

