Akarie Nasa mansion ako ng mga Madrigal nang sandaling iyon. I'm with my mother, pinasundo kasi ako ni Mama sa driver ni Tito Alfred. Gusto kasi akong makita ni Mama. At dahil wala naman akong masyadong ginagawa ay sumama ako dahil alam ko din namang wala doon si Alaric dahil nasa trabaho siya. Gusto ko na din kasing makasama si Mama. Mabibilang na lang din kasi sa aking daliri ang pagkakataong na nakakasama ko siya dahil lagi niyang kasama si Tito Alfred. At nang sandaling iyon ay nasa kusina kami ng mansion. Abala kaming dalawa ni Mama na magluto nang lunch. Balak kasi ni Mama na hatidan si Tito Alfred ng lunch niya sa opisina. Gustong-gusto daw kasi ni Tito Alfred ang luto ni Mama. At tinutulngan ko siyang lutuin ang paborito ni Tito Alfred. Paksiw na bangus at may adobong baboy

