Akarie Sa halip na mag-reply ako sa message ni Alaric ay in-ignora ko iyon. Napatingin nga din ako sa pinto. Nagpakawala nga din ako ng malalim na buntong-hininga bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Sinunod ko naman ang sinabi ni Alaric sa akin. Hindi ko ni-lock ang pinto para hindi siya magalit sa akin. At kahit naman na i-lock ko ay alam kung mabubuksan niya iyon. Si Alaric pa, eh, mukhang sa past life niya ay isa siyang mahusay na akyat bahay gang dahil marunong siyang magbukas ng pinto kahit na naka-lock iyon. Inilapag ko naman ang hawak ko sa ibabaw ng kama. Pati na din ang cellphone ko. Pagkatapos ay inilabas ko ang laman ng paper bag para maghanap ng isusuot ko. May nakita akong pantulog kaya kinuha ko iyon, may mga undies din na kasama kaya kumuha ako ng isa. At pagkatapos

