Alaric
Seryoso ang ekspresyon ng aking mukha nang pumasok ako sa loob ng restaurant kung saan kami magkikita ng aming ama at nang bagong asawa niya.
Sa totoo lang ay wala sana akong balak na magpunta dahil wala akong balak na makilala ang bagong pamilya ng aking ama. Kilala naman ako ng aking ama, kahit na pilitin niya ako ay hindi pa din niya ako mapipilit. At hindi niya maipapanakot sa akin ang tungkol sa mamanahin ko sa kanya dahil may sarili akong kompanya. Wala akong pakialam sa pera niya. Nagpunta ako dahil gusto kong makilala kung sino ang bago niyang asawa, gusto kong makilala kung sino ang ipinalit niya sa Mama ko.
I knew that there was never any love between my parents. Their marriage was nothing more than an arrangement made to strengthen their empire. Ang alam ko, may mahal na iba ang ama ko pero dahil sa arrange marriage na iyon ay kinakailangan na hiwalayan ni Papa ang mahal niya para sa marriage alliance na iyon. My father never loved my mother. He never even tried to love her. Even my mother did everything she could to make their relationship work. Despite the circumstances of their arranged marriage, my mother still fulfilled her responsibilities as a wife to my father. But my father never truly saw her. He never showed her any affection or love.
Bata pa nga ako ay saksi na ako sa sakit na nararamdaman ng aking Mama. Magigising ako noon na laging naririnig na umiiyak siya. Dahil nga doon ay nawalan siya ng amor sa Papa niya. Lalo na noong nawala ang Mama niya dahil sa malubhang sakit, naging cold siya sa ama. At do'n na din niya napagpasyahan na mamuhay na mag-isa na hindi humihingi ng tulong sa ama.
"Good morning, Sir," bati ng staff sa akin nang salubungin niya ako. "Do you have a reservation po?"
"Madrigal," sagot ko naman sa kanya.
"This way, sir," wika niya sa akin. Sinamahan pa nga niya ako sa naka-reserved na table namin. At mukhang VIP room pa.
Binuksan niya ang pinto at pumasok ako sa loob. Agad naman na tumuon ang tingin ko sa babaeng nakangiti habang nakatingin sa akin.
Hindi ko naman magawang suklian ang ngiti niya. I don't smile at strangers, for f**k's sake.
"Alaric," wika ng aking ama sa aking pangalan. Hindi ko nga napigilan na taasan siya ng kilay nang makita ko ang ngiti sa labi niya. Just like me, my father barely smiles. Hindi ko pa nga siya nakikitang ngumiti kapag kasama niya ang Mama ko.
Hindi ko naman napigilan ang mapakuyom ng mga kamay dahil sa inis na nararamdaman ko.
"Alaric, I want you to meet your Tita Agnes," pagpapakilala ng aking ama sa babae.
"Hi, Alaric," nakangiting bati naman niya sa akin.
Sa halip naman na gumanti ako ng ngiti sa kanya ay humila ako ng silya at naupo na ako do'n. "Aren't we going to order yet?" tanong ko sa malamig na boses.
Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagsulyap ng aking ama sa bagong asawa. "Let's wait for your Tita Agnes's daughter," sagot naman ng aking ama.
Napatingin naman ako sa aking wristwatch na suot. Late na nga ako ng limang minuto, pero mas late pa ang anak ng bagong asawa ng Papa ko.
"I'm calling Akarie," wika naman ni Tita Agnes. Tumayo nga siya mula sa pagkakaupo niya nang matapos niyang mag-excuse sa amin. Nang makalayo si Tita Agnes ay binalingan ako ng aking ama.
"Respect her, Alaric," he warned me.
Pero sa halip na sagutin ko siya ay tinaasan ko lang siya ng isang kilay. Akmang bubuka ang bibig niya para magsalita nang mapatigil siya ng bumalik sa loob si Tita Agnes.
"I'm sorry. Pero hindi makakapunta ang anak ko. Nadulas siya sa banyo at na-sprain ang paa niya. Sinabi niyang babawi na lang siya sa susunod na araw," paghingi niya ng paunmanhin.
"Is she okay?" Narinig ko na tanong ng aking ama. Hindi ko nga ulit napigilan ang napakuyom ng kamao nang marinig ko ang pag-alala sa kanyang boses.
At kailan pa siya nagkaroon ng pag-alala sa ibang tao?
"She's--
Hindi na natapos ni Tita Agnes ang ibang sasabihin niya nang tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Napasulyap naman sa akin ang dalawa.
"Let's schedule this lunch meeting again when your daughter is already here," wika ko sa malamig na boses
Hindi ko na nga din hinintay na magsalita ang dalawa dahil humakbang na ako palabas ng kwarto.
"Alaric, come back here!" Narinig kong sigaw ng aking ama pero hindi ko siya pinasin, tuloy-tuloy ako sa paghakbang hanggang sa makalabas ako ng VIP room.
Dumiretso na din ako palabas ng restaurant. Sumakay na ako sa aking kotse. At akmang bubuhayin ko ang makina nang mapatigil ako ng marinig ko ang pagtunog ng ringtone ng aking cellphone.
Kinuha ko naman ang aking cellphone sa bulsa ng suot ko na pantalon. At hindi ko napigilan ang mapakunot ng noo nang makita ko kung sino ang tumatawag.
The private investigator I hired to investigate my father's new wife.
Sinagot ko naman ang tawag niya. "Hello, Sir Alaric?" wika niya sa akin ng sagutin ko ang tawag niya.
"Any news about them?"
"Yes, sir. I already sent the files to your email," wika niya sa akin.
"I want a summary of their background," wika ko naman.
"Agnes Saville, widowed for almost eight years. She has one daughter named Akarie Zahria Saville," wika niya sa akin. "And Agnes was your father's first love. She was his longtime girlfriend before he married your mother, Sir Alaric."
My knuckles turned white as I heard his words. So, Agnes was my father's first love, the reason why he never truly loved my mother.
At nang sandaling iyon ay nakaramdam ako ng galit sa babae. At nang sandaling iyon ay gusto kong maranasan niya ang naranasan ng aking ina ng nabubuhay pa siya.
Ipaparanas ko sa babaeng iyon ang sakit na naramdaman ng aking ina. I'll make her experience it tenfold.