Akarie
Nagbibihis ako ng marinig ko ang pagtunog ng ringtone ng aking cellphone. Hindi ko muna tinuloy ang pagbibihis ko ng lumabas ako ng walk in closet para kunin ang cellphone ko.
At hindi ko naman napigilan ang mapaikot ng mga mata nang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin.
It's my mother. And for the nth time, she was calling me again.
Sinagot ko naman ang tawag niya. "Akarie, I want to remind you about the dinner meeting with your Tito Alfred and his son," wika sa akin ni Mama.
"Ma, pang sampung beses niyo nang sinabi sa akin iyan. At hindi ko nakakalimutan," wika ko sa kanya.
Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na buntong-hininga. "I'm just reminding you, Akarie," wika niya sa akin. "Vaughn is a busy person. His time is precious, and he doesn't want to waste it," paliwanag sa akin ni Mama.
Hindi ko naman napigilan ang mangunot ng noo sa sinabi niya. "I get it, Ma. You don't have to worry. This time, I won't waste Vaughn's precious time," pag-a-assure ko sa kanya.
"Thank you, Akarie," wika niya sa akin.
Ngumiti lang naman ako kahit na hindi niya ako nakikita. Nagpaalam na nga din ako sa kanya pagkatapos kong sinabi na naghahanda na ako para sa dinner meeting namin kina Tito Alfred.
Nang matapos kong makausap ang aking Mama ay nagpatuloy na ako mula sa aking pagbibihis.
I was wearing a beige halter-top dress that fell below my knees. I paired it with beige doll shoes that matched my dress.
Hinayaan ko lang din naman na nakalugay ang mahaba kong buhay. Hindi naman na ako nag-abalang mag-make up. Sunscreen at lipstick lang ang inilagay ko sa aking mukha.
Natural na mamula-mula naman na ang aking pisngi kaya hindi ko na kailangan na mag-blush on. Malalantik din ang aking pilik mata, at natural na makapal at naka-shape ang aking kilay. Para ngang nagpagawa ako ng kilay pero ganoon talaga. Maliit at matangos nga din ang aking ilong.
Nagsuot nga din ako ng stud earring and a necklace. Isinuot ko nga din ang aking relo. At kinuha ko ang berkin bags ko na napalunan ko sa pustahan naming dalawa ni Rachel. Napatitig ako doon. Dahil sa berkin bags na iyon ay naisuko ko tuloy ang aking bataan.
I just shook my head to get the thought out of my mind. Hindi naman na siguro kami magkikita ng Alaric na iyon dahil hindi na ako babalik sa bar na lagi naming pinupuntahan ni Rachel kung gusto naming mag-unwind. At pinagdasal ko na hindi na magku-krus ang landas namin ng lalaking naka-one night stand ko.
Dahil sa kanya ay tatlong araw akong hindi nakapaglakad. Tatlong araw akong nakahiga sa kama. Nilagnat pa ako. At kinakailangan ko pang tawagan si Rachel para tulungan niya ako. At wala tuloy akong choice kundi i-kwento sa kanya ang nangyari dahil tinatanong niya ako kung bakit halos hindi ako makabangon sa kama.
Pero hindi naman niya ako hinusgahan at sinabi niya sa akin na natural lang daw iyon sa first time. Dahil ganoon din daw ang na-experience niya pero ang pinagkaibahan lang daw namin na dalawa ay hindi siya iniwan ng lalaking naka-una sa kanya. Dahil naalagaan pa daw siya ng lalaki.
Tinama ko nga si Rachel sa sinabi niya sa akin. Sinabi ko sa kanya na hindi ako ang iniwan dahil ako ang nag-iwan kay Alaric. Pinagtawanan pa nga niya ako sa sinabi ko. At hindi daw siya makapaniwala na ginawa ko iyon sa isang Alaric Vaughn Madrigal.
Hindi nga din daw ma-imagine ni Rachel ang reaksiyon ni Alaric nang magising siyang wala na iyong babaeng ka-one night stand niya, na iniwan ko siya.
Sa pangalawang pagkakataon ay ipinilig ko na naman ang aking ulo para maalis iyon sa aking isipan. Hindi ko na dapat iniisip iyon dahil hindi naman na magko-krus ang landas namin ng lalaking iyon.
Itinuon ko nang muli ang aking atensiyon sa harap ng salamin. At nang makontento ako sa aking hitsura ay lumabas na ako sa walk in closet ko. Kinuha ko nga din ang aking cellphone na inilapag ko kanina sa bedside table. Inilagay ko iyon sa loob ng aking bag at lumabas na ng kwarto at lumabas na din ng aking condo.
And I was ready to meet my stepfather and my stepbrother.
***
"Good evening, Ma'am," bati sa akin ng staff ng makapasok ako sa restuarant kung saan kami magdi-dinner nina Mama.
Mula nga sa gilid ng aking mga mata ay napansin ko ang ilang kumakain sa mesa na napatingin sa aking dereksiyon. Kahit saan talaga ako magpunta, nakakakuha ako ng atensiyon.
"Good evening," bati ko din sa kanya.
"Ma'am, do you have reservation?" tanong niya sa akin.
Tumango naman ako. "Yes. It's Madrigal," sagot ko naman. Iyon kasi ang sinabi sa akin ni Mama na isagot ko kapag tinanong ako kapag nakarating na ako sa restaurant. Si Tito Alfred kasi ang nagpa-reserve sa restuarant.
"This way, Ma'am." Sinamahan niya ako kung saan ang reserved namin. Hanggang sa pumasok kami sa isang VIP room.
Maaga ako ng sampung minuto sa usapan namin. Talagang inagahan ko dahil gaya ng sinabi niya ko sa aking Mama ay babawi ako. At gusto kong maging mabango ang image ko kay Tito Alfred, medyo na-bad shot yata ako noong hindi ako nakapunta sa lunch meeting namin.
Matiyaga naman akong naghintay sa loob ng VIP room. Inabala ko ang aking sarili sa pagba-browse ng aking social media account.
Nasa ganoong posisyon ako ng bumukas ang pinto at nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang pagpasok ni Mama at ang pagpasok din ng isang matangkad na lalaki na kaparehong edad ng aking ina. It must be Tito Alfred.
Napatitig naman ako sa kanya. Bakit parang pamilyar ang mukha ng lalaki sa akin na para bang nakita ko na siya?
"Akarie," nakangiting wika ni Mama sa akin
"Ma," sambit ko naman na nakangiti.
Tumayo nga din ako para yakapin si Mama. "Kanina ka pa?" tanong niya sa akin.
"Hindi naman po," sagot ko naman sa kanya.
"Anyway, I want you to meet your Tito Alfred," mayamaya ay wika niya sa akin. Sumulyap naman ako sa may edad na lalaki at nakita ko na nakangiti siya habang nakatingin siya sa akin. "And Alfred, this is my daughter, Akarie Zahria," pagpapakilala ni Mama sa akin kay Tito Alfred.
Humakbang naman ako kay Tito Alfred para magbigay galang. Inabot ko ang kamay niya para magmano. "Hello po, Tito Alfred," nakangiting bati ko sa kanya. "Kamusta po kayo?"
"I'm good, Akarie," sagot niya sa akin. "What about you?"
"I'm good as well, Tito," sagot ko naman.
"Maupo muna tayo habang hindi pa dumadating si Vaughn," mayamaya ay wika ni Mama.
Naupo naman na ako sa aking silya. Nakita ko naman na pinaghila ni Tito Alfred si Mama ng silya bago siya naupo sa tabi ni Mama.
At habang wala pa ang anak ni Tito Alfred ay nag-kwentuhan muna kami. Ako naman ang topic nila, siyempre, ibinibida na naman ako ng aking ina. Kung gaano daw ako kabait, medyo nahihiya nga ako dahil sa pagbubuhat ni Mama sa akin.
Pasimple ko nga ding sinulyapan ang wristwatch na aking suot. At hindi ko napigilan ang mapakunot ng noo nang makita kong late na ng sampung minuto si Vaughn sa oras ng usapan.
Nagkibit-balikat lang naman ako. "Ma, Tito," mayamaya ay pagkuha ko ng atensiyon sa dalawa.
"Yes?"
"Restroom lang po ako saglit," paalam ko.
"Go ahead, Akarie," wika sa akin ni Tito Alfred.
"Thank you po," sagot ko. Iniwan ko naman na ang aking bag sa aking silya. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at saka humakbang palabas sa VIP room na kinaroroonan namin.
Dumiretso ako sa restroom para gawin ang kailangan kong gawin. Hindi naman ako masyado nagtagal dahil nang matapos ako at nang makapaghugas ako ng kamay ay lumabas na ako ng restroom. Akmang babalik ako sa loob ng VIP room kung nasaan sina Mama nang mapatigil ako nang mahagip ng aking mga mata kung sino ang lalaking pumasok sa loob ng restaurant.
Hindi ko napigilan ang manlaki ng mga mata nang makilala ko ang lalaki. Hindi ako pwedeng magkamali. At kahit isang linggo na ang nakakaraan ay hindi ko pa din makakalimutan ang mukha niya.
Dahil ang lalaking pumasok sa loob ng restaurant ay walang iba kundi ang lalaking naka-one night stand ko.
Si Alaric!
At ano ang ginagawa niya dito?
At mukhang napansin niya na may nakatingin sa kanya dahil nag-angat siya ng tingin sa aking dereksiyon.
At bago pa niya ako makita ay mabilis akong tumalikod at mabilis akong naglakad pabalik sa restroom. Para ngang tinatambol ang aking dibdib sa sobrang bilis niyon.
Shit! Anong ginagawa ni Alaric don? May ka-dinner din ba siya doon?
Ilang minuto nga akong nanatili sa restroom hanggang sa napagpasyahan ko na bumalik na baka kasi hinahanap na din ako.
Good thing is, nasa VIP room kami. Hindi kami magkikita ni Alaric kung sakaling kakain din siya doon.
Lumabas na ako ng banyo. Kunwari ay inaayos ko ang aking buhok habang naglalakad ako pabalik sa VIP room para takpan ang aking mukha.
At nakahinga ako ng maluwag nang makarating ako sa tapat ng VIP room.
I pushed the door open and stepped inside the room.
Sinuklay ko nga ang aking buhok gamit ang aking daliri. "I'm sorry for taking so long in the restroom," paghingi ko ng paunmanhin.
"It's okay, hija," wika naman ni Tito Alfred. "Kararating lang din ni Vaughn," dagdag pa na wika niya.
Sa pagkakataong iyon ay napatingin ako sa mesa. At kasabay ng paghinto ko sa paglalakad ay ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ko kung sino ang nakaupo sa tabi ng aking silya na titig na titig din sa akin.
His devilish eyes were on me.
The man looking at me was none other than...
Alaric Vaughn Madrigal!