Alaric "Good afternoon, Sir," bati sa akin ng staff ng makapasok ako sa restuarant kung saan kami magkikita ng aking ama kasama ang pamilya ng bagong asawa niya. "Do you have a reservation, sir?" tanong niya sa akin. Pero sa halip na sagutin ko siya ay nag-angat ako ng tingin sa aking gilid ng maramdaman ko na parang may nakatingin sa akin. Hindi ko napigilan ang mapakunot ng noo nang makita ko ang isang nakatalikod na babaeng nagmamadaling humakbang patungo sa restroom, mukhang tinatawag ng kalikasan. Pero napansin ko naman na parang pamilyar ang bulto niya sa akin. Inalis ko naman ang tingin sa babae bago ko ibinalik ang aking tingin sa aking kausap para sagutin siya sa kanyang tanong. "Madrigal," sagot ko sa kanya. "This way, Sir," wika niya. Pagkatapos niyon ay sinamahan niya

