Chapter 46

1257 Words

Akarie Pansin ko agad ang pagtataka sa ekspresyon ng mukha ni Mama nang makita niya kami na sabay na dumating ni Alaric. Nang makita ko nga iyon ay biglang kumabog ang aking dibdib dahil sa kaba. Ito na iyong sinasabi ko, kaya ayokong sumabay kay Alaric dahil magtataka si Mama. Alam naman kasi niyang hindi kami close ni Alaric. At alam ko na kahit wala akong sinasabi ay napansin niya ang pagiging ilag ko sa kanya. “Good… evening, Ma,” bati ko nang makalapit ako, niyakap ko nga din siya. At pagkatapos ay sumulyap din ako kay Tito Alfred na katabi ni Mama, nagmano ako sa kanya bilang paggalang. “Good evening, Tito,” bati ko din sa kanya. Ngumiti naman si Tito Alfred sa akin. “Good evening din, Akarie,” bati din niya sa akin. “Magkasabay kayo ni Vaughn?” mayamaya ay tanong ni Mama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD