Akarie Nang lumabas ako ng banyo ay narinig ko ang pagtunog ng message alert tone ng cellphone ko. Inayos ko naman ang pagkakabuhol ng suot kong roba bago ako humakbang palapit sa bedside table kung saan nakapatong ang aking cellphone. Kinuha ko naman iyon para tingnan kung sino ang nagpadala ng text message sa akin, nakita at nabasa ko ang pangalan ni Troy. Agad ko namang binasa ang text message niya sa akin. Hi, Zahria. I’ll pick you up at 6 p.m. Nang mabasa ko ang text message niya ay agad akong nag-reply. Okay. Nang maipadala ko ang aking reply ay hindi ko na ibinaba ang aking cellphone. Dinial ko ang numero ni Rachel. Naka-ilang ring bago naman niya sinagot ang tawag ko. Tatanungin ko kasi siya kung nasaan na siya. Si Rachel ang mag-aayos sa akin sa party na dadaluhan nam

