Akarie Hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi nang matapos ako sa sinusulat ko ngayon. Wala pang isang oras simula noong maupo ako sa aking working table pero natapos ko agad ang isang chapter na aking sinusulat. Hindi ko alam kung inspire ba ako o sinipag lang ako. Pero mukhang sinipag lang ako dahil saan naman ako inspire? Eh, wala naman akong boyfriend. Si Alaric, wika naman ng bahagi ng aking isipan. Hindi ko naman napigilan ang mapakunot ng noo sa sinabing iyon ng aking isipan. Bakit naman ako ma-i-inspire sa lalaking iyon? sagot ko naman pabalik sa aking isipan. Ipinilig ko na lang naman ang aking ulo para maalis siya sa aking isipan. At akmang tatayo ako sa swivel chair ko nang mapatigil ako nang may maisip. Nagdalawang isip pa ako noong una pero kalauna

