Prologue

405 Words
Ayumi Reyes “Heto ang light stick, heto ang banner, heto ang flyers at siguraduhin mo na pagdating nila malakas kang sisigaw.” Nakabagsak na lamang ang aking labi sa kaniyang mga sinasabi. Anong gagawin ko sa mga ito? Hanggang sa narinig ko ang sigawan ng buong estudyante sa harapan ng entrada ng campus at iniluwa nito ang apat na naggagandahang babae. Ops! ‘Kala nyo Boys Over Flowers, noh? ‘Kala nyo Hana Yori Dango? Ako lang ‘to, si Ayumi Reyes, isang disiotso anyos na ordinaryong estudyante ng Carlson University. Mabait, matalino at higit sa lahat, maganda. Sa ngayon, naglalakad sa aming harapan ang apat na magkakapatid na Fortalejo at huwag mo nang pangaraping makasalubong sila kung ayaw mong ma-bully sa school. Ewan ko ba kay mama, sa dinami-rami ng school na p’wede kong pasukan dito pa sa weird s***h baduy na school na ito. **** Nang matapos ang mahabang araw sa eskwela, dumiretso na ako nang uwi sa aming bahay. Ganito naman madalas ang aking ginagawa. Magbihis, kumain, at umakyat sa aking kwarto. Syempre, hindi mawawala ang humarap sa computer. Habang nakatitig ako sa aking social media account, nakita ko na naman ang page ng babaeng iyon. Ang leader ng mga Fortalejo, si Ms. Andy. Hindi ako naka-like sa page nya ngunit papansin nang papansin ito, kaya minabuti kong magbasa na lang ng mga comments. At tulad ng aking hinala, puro papuri lamang ang laman. Nagsimula akong mag-type sa comment box nya. "Maputi lang, hindi naman maganda. Matangkad lang hindi naman sexy. Maganda pa ang hubog at mukha ko d’yan." At syempre joke lang ‘yon. Balak ko na sana burahin ang mga na-type ko. Kaso lang imbes na delete, enter ang napindot ng daliri ko. “Oh, sh*t!” Ide-delete ko na sana pero bigla na lang dumilim ang paligid, wala akong Makita. “Hala ka! brown out pa.” Ilang saglit no’ng magsimulang bumalik ang kuryente, agad kong binuksan ang aking account. Tadtad na ng basher at komento ang aking sinulat. Agad ko itong binura subalit nagkalat na ang screen shots ng ginawa ko. Patay! Ano na ang mukhang maihaharap ko sa school? Makalipas ang ilang sandal, sunod-sunod ang mensaheng natatanggap ko. Dalidali akong nag-deactivate ng aking account. Ngunit bago pa man bumalik sa home-screen ang aking social media account. Nag-pop-up sa message ko ang pangalan ni Jacob Suarez, ang ultimate crush at first love ko way back elementary days.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD