bc

In just one click (Filipino)

book_age16+
2.6K
FOLLOW
11.1K
READ
friends to lovers
goodgirl
brave
drama
comedy
sweet
bxg
campus
city
school
like
intro-logo
Blurb

Aksidente kong napindot ang enter imbes na delete matapos akong mag comment sa social media page ng sikat na babae sa aming school, at simula ng araw na yun, hindi na natahimik ang aking buhay...

Disclaimer:

 

Ito ay isang gawa ng kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, kaganapan at insidente ay produkto ng imahinasyon ng may akda. Ang anumang pagkakahawig sa aktwal na mga tao, buhay o patay, o tunay na mga kaganapan ay pulos nagkataon lamang.

Ako si Ayumi Reyes and in just one click, everything changed.....

chap-preview
Free preview
Prologue
Ayumi Reyes “Heto ang light stick, heto ang banner, heto ang flyers at siguraduhin mo na pagdating nila malakas kang sisigaw.” Nakabagsak na lamang ang aking labi sa kaniyang mga sinasabi. Anong gagawin ko sa mga ito? Hanggang sa narinig ko ang sigawan ng buong estudyante sa harapan ng entrada ng campus at iniluwa nito ang apat na naggagandahang babae. Ops! ‘Kala nyo Boys Over Flowers, noh? ‘Kala nyo Hana Yori Dango? Ako lang ‘to, si Ayumi Reyes, isang disiotso anyos na ordinaryong estudyante ng Carlson University. Mabait, matalino at higit sa lahat, maganda. Sa ngayon, naglalakad sa aming harapan ang apat na magkakapatid na Fortalejo at huwag mo nang pangaraping makasalubong sila kung ayaw mong ma-bully sa school. Ewan ko ba kay mama, sa dinami-rami ng school na p’wede kong pasukan dito pa sa weird s***h baduy na school na ito. **** Nang matapos ang mahabang araw sa eskwela, dumiretso na ako nang uwi sa aming bahay. Ganito naman madalas ang aking ginagawa. Magbihis, kumain, at umakyat sa aking kwarto. Syempre, hindi mawawala ang humarap sa computer. Habang nakatitig ako sa aking social media account, nakita ko na naman ang page ng babaeng iyon. Ang leader ng mga Fortalejo, si Ms. Andy. Hindi ako naka-like sa page nya ngunit papansin nang papansin ito, kaya minabuti kong magbasa na lang ng mga comments. At tulad ng aking hinala, puro papuri lamang ang laman. Nagsimula akong mag-type sa comment box nya. "Maputi lang, hindi naman maganda. Matangkad lang hindi naman sexy. Maganda pa ang hubog at mukha ko d’yan." At syempre joke lang ‘yon. Balak ko na sana burahin ang mga na-type ko. Kaso lang imbes na delete, enter ang napindot ng daliri ko. “Oh, sh*t!” Ide-delete ko na sana pero bigla na lang dumilim ang paligid, wala akong Makita. “Hala ka! brown out pa.” Ilang saglit no’ng magsimulang bumalik ang kuryente, agad kong binuksan ang aking account. Tadtad na ng basher at komento ang aking sinulat. Agad ko itong binura subalit nagkalat na ang screen shots ng ginawa ko. Patay! Ano na ang mukhang maihaharap ko sa school? Makalipas ang ilang sandal, sunod-sunod ang mensaheng natatanggap ko. Dalidali akong nag-deactivate ng aking account. Ngunit bago pa man bumalik sa home-screen ang aking social media account. Nag-pop-up sa message ko ang pangalan ni Jacob Suarez, ang ultimate crush at first love ko way back elementary days.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.8K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
287.0K
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
760.5K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.0K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.9K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook