Chapter 1

1627 Words
Ayumi Reyes MAAGA akong umalis ng bahay at sinigurado kong walang makakakita sa ’kin sa school. Alas-kuwatro pa lang ng umaga, nasa school na ako para hindi ako maabutan ng mga mababangis na halimaw sa comment section, isipin ko palang ang mangyayari sa akin kinikilabutan na ko. Kaliwa, Kanan, Dahan-dahan ang aking mga hakbang papasok sa entrance gate. Nakahinga ako nang maluwag nang marating ko ang hallway at makalagpas sa flagpole. At bago pa ako dumating at makapasok sa room, "Ang aga mo naman pumasok, Ms. Nobody." Muntik na akong lumundag sa gulat nang marinig ko ang boses ng isang lalaki sa aking likuran. Hindi ko siya agad nilingon at inisip kung paano ako tatakbo. Lumingon ako sa kaliwa pero masiyadong madilim sa lugar na iyon, sa kanan naman ay masyadong makipot. Diretso, Ayumi. Diretso lang. No’ng akmang ihahakbang ko na ang aking paa, "At saan ka pupunta, binibining anonymous?" saad no’ng lalaking hindi ko kilala. "Bitiwan mo ako! Kailangan kong magtago. Bitiw-bitiw!" sigaw ko. Namalayan ko na lang na hawak-hawak niya ang aking kwelyo mula sa likuran. Pinipilit kong pumiglas ngunit hindi ko matanggal ‘yong pagkakapit niya. Kaya naisip kong biglang itaas ang aking ulo upang matamaan ko ang kaniyang mukha. "Aray!" sabay naming wika. Hawak-hawak ko ang aking ulo dahil sa sakit at bigla akong napaupo sa sahig nang ako ay mabitiwan niya. Dahil dito, hindi ko mapigilang hindi tumingin sa lalaking gumawa sa akin nito. Nakita ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa ilong at mukhang nasaktan sa aking nagawa. Nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking ito, nanlaki ang aking mata. "J-Jacob!" Napaturo pa ang isang daliri ko sa kinaroroonan niya. "Grabe! Ang tigas naman ng ulo mo! Halos matanggal mo na ‘yong ilong ko," wika niya. Sunod-sunod ang dagundong ng nagwawala kong puso habang tinititigan ang kanyang mukha, tila wala na akong naririnig sa mga sinasabi niya. Totoo ba ito? Nasa harapan ko si Jacob Suarez? "Ano bang ginagawa mo, Ms. Nobody? Ang aga-aga para kang multong nagtatago sa dilim." Nakanganga pa rin ang aking bibig habang tinititigan ang gwapo n’yang hitsura. Hindi ko akalain na makikita ko siya sa lugar na ‘to, napakaswerte ko naman. "Hoy! Kausap kita ‘di ba? Magsalita ka," saad niya upang makuha ang aking atensyon. "Ay, tipaklong! S-Sorry K-Kasi," pautal kong tugon. "Hay… naku! Siguro isa ka rin doon sa mga taong takot na takot sa presensya ko." Inilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa likod ng kaniyang ulo. At ang bawat kilos niyang iyon ay lubos na nakapagpapaguwapo sa kaniya. "Sige na nga, maiwan na kita d’yan." Bumalik sa reyalidad ang aking isip nang sabihin niya ang bagay na iyon at agad na lang bumukas ang aking labi. "Number!" sigaw ko. "Ha? Anong number?” nagtatakang tugon niya. "Anong number mo, Jacob?" Habang nakalahad sa aking kamay ang aking cell phone. Wala na ba talaga akong ibang maisip na sabihin kundi ang bagay na iyon? Anong number ang pinagsasasabi mo Ayumi? Isang malakas na halakhak ang kaniyang ginawa. Nanlaki ang aking mata sa lakas ng kaniyang pagtawa, saka niya hinawakan ang aking ulo at marahang ginulo ang aking buhok. "You're interesting. Kita tayo some other time." Saka siya kumindat. Nilagay niya ang kaniyang kamay sa bulsa at saka lumakad palayo sa kinaroroonan ko. Teka-Teka, Paano ‘yong number? nanghihinayang na wika ko pa sa sarili. *** Dahil sa wala na akong nagawa, pumasok na lang ako sa classroom namin at umupo sa aking silya malapit sa bintana. Madilim pa rin sa paligid ngunit bakit nandito na si Jacob? Ang aga naman niyang pumasok. May tinataguan din kaya siya? Niyuko ko ang aking ulo sa ibabaw ng lamesa at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Matapos ang ilang oras, unti-unti kong minulat ang aking mga mata at dahil sa nakita ko, bigla akong napatayo mula sa aking pagkakaupo. Tumingin ako sa paligid. Nasaan ang mga silya sa classroom namin? Walang tao sa loob ng classroom at wala rin ang mga upuan. Tumingin ako sa bintana at maliwanag na. Tumingin ako sa aking orasan at alas-otso na. Anong nangyayari? Nananaginip ba ako? Kinurot ko ang aking sarili. "Aray!" Masakit naman, so hindi ito panaginip. Mabilis akong lumabas ng classroom. Ngunit paghakbang pa lang ng aking paa sa pintuan, may kung anong bagay ang bumuhos sa aking katawan. Isang malamig na tubig ang bumalot sa aking ulo hanggang sa aking balikat. Mabaho ang tubig na ito, halatang galing sa kung saan. Malakas na halakhakan ang narinig ko. Hanggang sa napalingon ako sa paligid. Nanlaki ang aking mga mata at may halong pagtataka sa aking namasdan, naka-ikot ang mga estudyante sa aking kinatatayuan. "Nararapat lang ‘yan sa’yo! ‘lakas ng loob mong kalabanin si Queen Andy," rinig kong sabi ng isang lalaki sa ‘di kalayuan. "Oo, tama. Isa ka lang namang hampas lupang pinilit mag-aral dito sa Carlson." Ilan lang ang mga ito sa aking narinig, ang iba ay hindi ko na maintindihan. Ang alam ko lang, nakayuko ang aking ulo at nangingilid ang aking luha. Maya-maya lang, nakaramdam ako ng isang matigas na bagay na tumama sa aking likuran, harapan, at sa aking tiyan. Mariin akong napapikit at nagsimulang mamilipit sa sakit. Iniyakap ko ang aking kamay sa sarili at ginawa itong pananggalang, ngunit ang mga bagay na iyon ay lumulusot pa rin sa iba’t ibang parte ng aking katawan. Sunod-sunod ang pagbato nila ng matitigas na itlog sa aking katawan, dahilan upang tuluyang dumumi ang suot kong uniporme. Anong ginawa ko para maranasan ang bagay na ito? Gano’n na ba kalala ang bagay na ginawa ko? Pinilit kong ihakbang ang aking mga paa at mabilis na tumakbo. Lumayo ako sa kinaroroonan ng mga baliw na estudyanteng iyon. Buong akala ko ay sa pelikula lamang nangyayari ang mga ganitong bagay, ngunit nagkamali ako, hindi isang pelikula ang aking buhay ngunit nararanasan ko ito. Tumakbo ako, tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating sa flagpole field. Ngunit hindi ko alam na ito pala ang pinaka mali kong nagawa. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang maraming estudyante na papalapit sa aking kinaroroonan. Agad akong tumalikod sa pag-aakalang makatatakas ako. Ngunit paglingon ko sa aking likuran, nakapalibot ang mga baliw na estudyante sa aking kinatatayuan. "Ano, tatakbo ka pa?" "Ang tapang-tapang mo sa social media tapos dito, para kang duwag na tuta." "Ipakita mo ang tapang mo!" sunod-sunod nilang wika. Naramdaman ko na mayroon na naman silang binuhos sa aking katawan, isang puting harina na nakasira sa aking uniporme. Wala akong magawa kundi tumayo sa aking kinaroroonan. Ngunit kahit ganoon, hindi tumulo nang kahit isang patak ang aking luha, walang luha ang lumalabas sa aking mata. Hanggang sa simulan na naman nila ang pagbato ng mga itlog sa aking katawan. Isa, dalawa, at higit pa. Masakit ang bagay na iyon. At dahil sa hindi na kaya ng aking katawan na saluhin ang mga ito, bigla na lang akong napaluhod dahil sa sakit na nararamdaman. Kung ganito ang sasapitin ko araw-araw sa demonyong school na ito, mabuti nang tumigil na lang ako sa pag-aaral. Nasulyapan ng aking mata na may isa na namang itlog ang parating sa aking kinaroroonan. Pinilit kong igalaw ang aking kamay upang maprotektahan ang aking mukha at mariin akong pumikit. D’yos ko, Lord. Kayo na po ang bahala sa mga taong ito. Nanatili akong nakapikit, nanatiling nakasara ang aking mga mata, ngunit wala akong sakit na naramdaman, walang itlog ang tumama sa aking katawan. Nasaan na? Ano na? Hanggang sa naisipan kong imulat nang dahan-dahan ang aking mga mata. Laking gulat ko na may isang lalaki ang nakaluhod sa aking harapan na tila pinoprotekhan ako sa kamay ng mga demonyong estudyanteng ito. Nakayuko ang kaniyang ulo kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha. Ngunit nang dahan-dahan niyang i-angat ang kaniyang ulo. "J-Jacob, bakit?" Nanlaki ang aking mata nang makita ang lalaki kaninang umaga, si Jacob Suarez. "Ayos ka lang? Sorry na late ako," saad niya Anong sinasabi n’ya? bakit niya ako pinoprotektahan? "Siraulo ka ba? Baka madamay ka pa sa kahibangan ng mga tao dito!" bulyaw ko. "Ah, talaga?" Sabay smirk ng kaniyang labi. Hinawakan niya ang aking siko gamit ang kaniyang kamay at unti-unti akong inalalayang tumayo. Hindi sinasadyang namasdan ko ang mukha ng mga estudyante sa paligid namin. Ang dating punong-puno ng tapang nilang mukha, napalitan ng takot, nababakas ang takot sa mga ito. Pero, bakit? Anong mayro’n? Lihim kong sinulyapan ang mukha ni Jacob na ngayo'y nakatayo sa aking tabi. Ngunit nagulat ako nang makita ko ang kaniyang hitsura. Seryoso ito at nakatingin sa mga estudyante. Ito ay isang mukha na papatay ng tao. Teka, sino ba talaga ang lalaking ito? Kulang pa ba ang pagkakakilala ko sa kaniya? "Makinig kayo!" Bigla na lang lumundag ang aking balikat nang magsimula siyang magsalita. "Habang nakadikit ang pangalan ng babaeng ito sa aking pangalan," dugtong niya. Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking balikat. Bigla na lang akong nagulat nang mabilis niyang ilapit ang aking ulo sa kaniyang dibdib bago niya muling dugtongan ang kaniyang sasabihin. "Walang sino man ang maaring manakit sa kanya," saad niya. May kung ano sa aking dibdib ang sunod-sunod na tumibok. Halos hindi ko na nga naintindihan ‘yong sinabi nya dahil sa ingay nito. Naramdaman ko na nabalot ng katahimikan ang paligid. Hanggang sa ang mga estudyanteng naka-ikot sa aming dalawa kanina ay unti-unting nag-alisan. "0921*******" rinig kong saad niya. "Huh?" Napalingon ako sa kaniyang mukha nang bigla siyang magsalita. "Number ko," saad niya habang nakangiti sa akin. Ang kaniyang ngiti ay tila isang pagkain na nagpapagaan sa aking kalooban. Hindi ko na rin namalayan na hanggang ngayon, nakahawak pa rin ang kamay niya sa aking balikat. Ang alam ko lang, ang aming mga mata ay nanatiling nakatitig sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD