Chapter 2

1815 Words
Ayumi Reyes "Isang choco-chip frappe, isang doughnut, isang junk food, samahan mo na rin ng softdrinks at isa pa palang tinapay. Siguraduhin mo na madadala mo ‘yan dito bago mag-lunch-break." Kung ano-anong katanungan ang tumatakbo sa aking isip at bakit kung ano-anong gusto niyang ipabili sa akin, e wala naman siyang binibigay na pera. Nakanganga na lang ako sa harapan ni Jacob habang siya naman ay nakaupo. Nakasandal ang kanyang ulo sa headrest ng upuan saka niya ipinatong ang kanyang binti sa lamesa na nasa kaniyang harapan. "Anong tinatayo-tayo mo d’yan, hindi ka pa ba aalis?" saad nya. Dahil dito nagsimulang kumunot ang aking noo at umakyat ang aking dugo hanggang sa ulo. "Hoy, ikaw! Anong karapatan mong utos-utosan ako?" saad ko sa kaniya habang nakaduro ang aking daliri sa kanyang mukha. "Aba! Marunong ka nang sumagot?" "Oo, bakit naman hindi?" "A, gano’n." Nakita ko ang mala demonyo niyang pagngisi bago n’ya ipag-cross ang kanyang mga braso. "Baka nalilimutan mo kung sino ang tumulong sa ’yo?" Hindi ko mahanap ang aking isasagot sa kaniyang binitiwang salita, dahil alam ko sa sarili na tama siya. Napag-alaman ko rin na isa siyang notorious gangster dito sa aming campus, kaya pala ganoon na lang ang takot ng mga estudyante sa kaniya. Ngunit ang alam ko at ang pagkakakilala ko kay Jacob ay hindi ganoon, isa siyang mabait na lalaki, kaya nga gustong-gusto ko siya. Ngunit ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay ibang-iba sa lalaking nakilala ko noon. Anong nangyare sa kaniya? "O ano? Tatayo ka na lang ba d’yan?" muli niyang wika. "Letse!" sigaw ko bago ako padabog na lumabas sa kaniyang sariling club room. Nakakaasar, kailangan kong humanap ng paraan upang makalayo sa kaniya. Hindi nga ako na bubully, inaalipin naman niya ako. Mabilis akong pumunta sa department store at bumili ng mga bagay na gusto n’ya, saka mabilis na bumalik sa school. "Heto na!" Ibinato ko sa kanya ang mga bagay na binili ko sa inis ko. "Very good," saad niya saka mahinang tumawa. "Bwisit!" bulyaw ko. "Gusto mo ba?" pag-aalok nya sa akin. "No way! Isaksak mo lahat ‘yan sa baga mo." Isang malakas na tawa lamang ang tinugon n’ya sa ‘kin, sabay pasok ng pagkain sa kaniyang bibig. "Aalis na ko, magsisimula na ang klase ko," saad ko. "Okay, ingat!" Para siyang batang nang aasar sa akin habang ako ay palabas ng room nya. Malakas kong binagsak ang pinto at paglingon ko sa harapan. "Masuwerte kang babae at pinoprotektahan ka nya, dahil kung hindi, baka hindi lang itlog ang maibato namin sayo," saad ng isang babaeng nakatayo sa aking harapan. Tinitigan ko siya at binigyan ng matalas na tingin sa kaniyang mukha. "Kahit ilang itlog pa ang ibato n’yo sa ’kin, hinding-hindi n’yo ako maitutumba," saad ko. "Aba! Matapang ka, ha?" Nanlaki ang aking mata nang bigla niyang hablutin ang aking buhok at saka idinikit nang malapit sa kaniyang mukha. "Ano, lalaban ka?" saad niya. "Bitiwan mo ako, arghhh." Nagsisimula nang sumakit ang aking anit dahil sa kaniyang ginagawa hanggang sa maya-maya lang, "Anong kaguluhan ito?" Narinig ko ang matalas at malalim na boses ni Jacob. Mabilis na binitiwan ng babaeng iyon ang aking buhok at ibinato niya ako patungo sa kinaroroonan ni Jacob, dahilan upang masubsub ang aking mukha sa kaniyang dibdib. "Sinuwerte ka na naman," wika ng babae saka mabilis na lumakad palayo. Ako naman ay nanatili lamang na nakasubsob sa dibdib ni Jacob. "Oi, mabango ba?" At dahil sa sinabi niyang iyon, saka ko lang napagtanto ang aming hitsura dahil sa aking ulo na nakadikit sa kaniya. Mabilis ko iyong inalis at ramdam na ramdam ko ang pag-init ng aking mukha dahil sa hiya. Hindi na lang ako nagsalita at mabilis na tumakbo patungo sa aking classroom. Ano ba yung nagawa ko? Hay… naku! Nakakahiya. *** Matapos ang aming klase, lumabas ako ng classroom at kapansin-pansin na tahimik ang buong paligid. Sana laging ganto, walang bully, walang nananakit. Hanggang sa bigla na lang akong nakakita ng isang bag na lumilipad patungo sa aking kinaroroonan. Mabuti na lang nasalo ko ang bagay na iyon at hindi tumama sa aking mukha. "Dalahin mo ‘yan." "Ha?" Nakita ko ang mukha ni Jacob matapos nyang ibato sa akin ang kaniyang mabigat na bag. "At bakit ko naman dadalhin ito?" iritable kong saad. "Siyempre! Dahil kailangan mo ko at mula ngayon, alipin na kita." "Ano?" Labis na gulat ang aking naramdaman dahil sa kaniyang sinabi. Kailan pa niya ko naging alipin? Kailan pa ako pumayag sa kaniyang sinasabi? "Basta! Bilisan mo na." Mabilis siyang naglakad palayo sa aking kinaroroonan at hindi ko namalayan na sumusunod na pala ang aking paa sa kaniyang paglalakad. Nakalabas na kami sa school at hindi ko alam kung hanggang saan ko bubuhatin ang mabigat nyang bag. Ang impaktong to! Makahanap lang ako ng pagkakataon, ihahampas ko sa kanya ang bag na to. Ngunit bigla na lang siyang tumigil sa paglalakad dahilan upang mauntog ang aking ilong sa kaniyang likuran. "Ano ba!? Ba’t ka huminto agad?" saad ko sabay hawak sa aking ilong na masakit. "Sshh! ‘Wag tayo dito dumaan." ‘Yon lang ang sinabi n’ya, saka kami nag-iba ng ruta. Dahil sa curiosity ko, hndi ko mapigilang hindi sumilip sa bagay na tiningnan nya kanina. Nasulyapan ko na may tatlong lalaki ang nakaupo doon sa may kanto. Ano kayang problema nila? *** Tagaktak na ang aking pawis. Pati ang aking kilikili ay umiiyak na, ngunit ayaw pa rin tumigil ni Jacob sa kaniyang paglalakad at ang nakakainis, ayaw niyang kuhain yung mabigat niyang bag. Hanggang sa maya-maya lang, hindi na ako nakatiis. "Hoy! Hanggang saan ba tayo maglalakad?" sigaw ko. "Teka! Hindi ko makita ‘yong lugar, eh," tugon niya "Ano ba yan? Wala ka bang sense of direction?" "Mayro’n, shh ka lang, sumunod ka lang sa ’kin." Dahil sa sobrang inis ko, pinilit kong buhatin yung bag nyang sobrang bigat at ibinato sa kaniyang likuran. Nakita ko pang nasaktan siya sa aking ginawa. "Aray!" wika nya no’ng tumama ang bag na iyon. "Hoy, ikaw! Kung inaakala mo na kaya mo akong gawing alipin, nagkakamali ka!" "Ano bang-?" "Oo nga hindi ako na bubully sa school dahil sa ’yo, pero ano bang pagkakaiba ng ginagawa mong ito?" Sunod-sunod kong bulyaw sa kaniya. "Kung kailangan mo ng utusan, ‘wag mo na akong idamay! Kahit ‘wag mo na akong protektahan. Wala na akong pakialam sa 'yo!" pagpapatuloy ko sa aking sinasabi, saka ako tumalikod at padabog na naglakad. Hindi ko alam kung sinundan nya ba ako o ano. Basta ang alam ko, ayoko nang makita ang nakaiinis niyang pagmumukha. Ang lahat ng pagkagusto ko sa kaniya ay tila nawala nang parang bula, lahat ng masasayang alaala noong kami ay bata pa ay napalitan ng galit at poot ko sa kaniya. Sa aking paglalakad, hindi ko namalayan na napadaan ako doon sa mga lalaking tinitingnan kanina ni Jacob. Bigla na lang gumapang ang malamig na hangin sa aking buong katawan. Nabalutan ng takot ang aking puso nang aksidente kong masulyapan ang mata ng isa nilang kasama. Nangninisik ang mga ito at parang may halong pagnanasa. Iba ang kutob ko sa mga lalaking ito kaya mabilis akong lumakad palayo sa kanilang kinaroroonan. Ngunit hindi pa man ako nakalalayo, naramdaman ko na may biglang humatak ng aking kamay. "Bakit ka nagmamadali, miss? Mag-enjoy muna tayo," saad ng isang lalaki. Napatitig ako sa kaniyang mata noong hinarap niya ako sa kaniya. Pulang-pula ang mata n’ya, halatang balot ng droga ang kaniyang buong katawan. Naaamoy ko rin ang alak mula sa kaniyang hininga. Nagsimulang balutin ng kaba ang aking puso nang may humawak na naman sa kabila kong braso. "Oo nga, miss. Laro muna tayo." Mabilis kong inagaw ang aking isang kamay at malakas itong isinampal sa lalaking may hawak sa akin. "Bitiwan mo ako!" sigaw ko. Ngunit dahil sa aking ginawa, lalong nabalot ng puot ang kanyang mukha. Nanlaki ang aking mata nang maramdaman ko ang malakas niyang pagtulak. Bumagsak ang aking katawan sa sahig at hindi pa man ako nakatatayo, agad siyang pumatong sa aking ibabaw. Sinubukan kong lumaban. Sinubukan kong pumiglas, ngunit anong laban ko sa tatlong lalaki? Lubha silang malalakas. Nadarama ko ang p*******t ng aking likuran. Ramdam ko ang p*******t ng aking katawan. Hanggang sa bigla niyang hinawakan ang aking dibdib at hinila ang aking blouse. Kasabay ng pagpunit ng aking damit ay ang mabilis na pagluha ng aking mga mata. Anong nagawa ko at nararanasan ko ang ganitong kamalasan? Pinako niya ang aking kamay sa sahig na aking hinihigaan, mariin akong pumikit nang maramdaman ang kanyang hiningang papalapit sa aking mukha. "T-Tulong!" impit kong sigaw. Hindi ko alam kung bakit walang lumalabas na tunog sa aking bibig, ngunit ang aking luha ay patuloy na umaagos. Hanggang sa biglang gumaan ang aking pakiramdam. Ang kamay na nakakapit sa aking nakapakong kamay ay Nawala. Ang lalaking nakapatong sa aking ibabaw ay hindi ko na nararamdaman. Unti-unti kong binuksan ang aking mata at laking gulat ko nang makita ko si Jacob na nakatayo sa aking harapan. Hawak-hawak niya ang leeg no’ng lalaki kanina, saka niya mabilis na itinapon papalayo sa akin. Nasulyapan ko ang malakas na pagtama nito sa pader. Sumugod ang dalawang lalaking kasama no’ng isa at dahil sa takot at panghihina, unti-unti akong nawalan ng malay. *** Dumilat ang aking mata nang maramdaman ko ang braso na bumubuhat sa aking katawan, saka ko nakita ang mukha ni Jacob. "Gising ka na pala?" mahina niyang saad. Nasulyapan ko ang pasa-pasa niyang mukha, dahil dito, halohalong emosyon ang aking naramdaman. Ang mga masasakit na salitang binitiwan ko sa kaniya ay tila bumalik sa aking isipan. Matapos kong banggitin ang mga salitang ‘yon, nakuha nya pa rin akong tulungan. Marahan kong sinubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib, saka ako malakas na umiyak. "Tahan na." ‘Yon lang ang kaniyang sinabi habang siya ay naglalakad at buhat-buhat ang aking katawan sa kaniyang bisig. "Salamat," mahina kong saad. *** Dahil sa pangyayaring iyon, hindi ko magawang pumasok sa school dahil sa labis na takot. Ngunit sa kabutihang palad, nanumbalik din ang aking sigla at nakuha ko na rin bumalik. "Oh! Buhay ka pa pala?" Tumaas ang aking kilay nang marinig ang boses ni Jacob sa likuran habang papasok ako sa entrada ng campus. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko na nararamdaman ang inis na naramdaman ko noon sa kaniya. Tila may kung ano sa akin ang nagbago, dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. "Alam mo ikaw-" "Jake!" Magsasalita pa lang sana ako ngunit may isang boses ang sumingit sa aking sasabihin. Sabay kaming napalingon ni Jacob sa pinanggalingan ng tinig na iyon at nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan nang masulyapan ko ang lalaking nakatayo sa aming harapan. Tiningnan ko ang mukha si Jacob at saka ibinalik ang tingin sa isa pang lalaki. S-Sino siya? Bakit pareho sila ng mukha?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD