Episode 10

1501 Words
---------- Dahil isang oras pa ang hihintayin, kaya napagpasyahan muna ni Haylee ang maglakad- lakad muna. Nag- enjoy naman s’ya pero meron talaga s’yang ugali na minsan gusto n’yang mapag- isa habang ini- enjoy ang paligid. Introvert kasi s’ya. She loves being in silence. Mayamaya, bigla s’yang napahinto sa paglalakad nang humawak sa kanyang kamay. Sisigaw na sana s’ya nang hindi man lamang napalingon dito sa pag- aakalang masamang tao ito kung hindi lang ito nagsalita. “Wag kang sumigaw, Haylee. Si Aki ito.” Inis s’yang napalingon kay Aki. Buong akala nya kung sino na. Kung may sakit lang s’ya sa puso baka kanina pa s’ya inaatake nito. Alam naman n’yang safe s’ya kasi nasa loob s’ya ng Villa. “Ano ba Aki? Ano bang problema mo? Alam mo bang takot na takot ako sa ginawa mo. Bakit ba kasi nanggugulat ka dyan?” hindi nya napigilan at nahaluan na nya ng irritasyon ang boses n’ya. “Sino ba kasi ang nagsabi sayo na maglakad- lakad ka dito sa dilim? Alam mo bang this villa is almost 100 years. At laging binibisita ng mga multo ang mga lugar na kasing tanda na nito.” Agad na nagsitayuan ang mga balahibo n’ya. Wala pa naman syang naramdaman kakaiba sa villa Del Fuengo pero dahil sa sinabi ni Aki sa kanya, bigla tuloy syang nakaramdam ng takot. “Nung isang araw dito ako natutulog sa tree house ko. Gusto ko lang matulog, nabo- bored ako sa loob ng kwarto ko at alam mo ba kung ano ang nakita ko?” “Ano?” awang labi n’yang tanong. Kinilabutan na s’ya. Matatakutin pa naman s’ya. “Wag mo nang itanong, matatakutin ka pa naman.” “Sabihin mo nalang sa akin Aki.” Kahit natatakot sya pero kuryoso pa rin sya sa kung ano ang nakita nito. “Masyadong nakakatakot ang nakita ko.” Inilapit pa nito sandali ang mukha sa mukha nya at parang bumulong lang. Mas lalo s’yang natakot sa ginawa nito, para kasing galing sa hukay ang boses nito. “Ano nga Aki?” “Ang nakita ako ay si--- Karl, naliligo sa swimming pool ng kalahating gabi. Nakakatakot, ewan ko kung anong pumapasok sa isip, ang lamig ng panahon tapos naligo sa pool.” Natatawang sabi nito. “Kainis ka Aki! Bitawan mo nga ako!” naiirita nyang sabi. Akala nya kung ano na ang nakita nito. “Akala ko kung ano nang nakakatakot ang nakita mo.” “Haylee, alam mo bang mas nakakatakot ang mga taong may problema sa pag- iisip kaysa sa mga multo? At saka alam mo ba kung bakit naliligo ang lalaki sa malamig na tubig kahit napakalamig naman ng panahon? Dahil sa naiinitan sila at alam mo ba kung bakit naiinitan ang isang lalaki kahit malamig ang pahanon?” nakanganga lang syang nakatingin dito. Hindi naman nya ito maintindihan. “Hindi mo alam, diba? Isa lang ang dahilan at alam na alam ko dahil lalaki ako. Naiinitan talaga ako lalo na pag ikaw ang iniisip ko. Mapaligo din ako kung alam mo lang.” Napakunot- noo s’ya dito. Ang dami talagang sinasabi nito na hindi nya maintindihan, tapos nadamay pa sya. “Ewan ko sayo, Aki. Hindi kita maintindihan. Bitawan mo nga ako." “Paano kung ayaw ko?” nakangisi ito. “Ano? Bakit ayaw mo akong bitawan ha?” napalakas na ang boses nya. “Mangako ka muna sa akin.” “Ano naman ang ipapangako ko sayo, Aki.” “Mangako ka na hindi ka na lalapit kay Karl. Nagkaintindihan ba tayong dalawa?” “Ano? At bakit naman? Kuya ko si Karl?” “Hindi mo s’ya kuya, Haylee.” Nasaktan na naman sya sa sinabi nito. Naalala kasi nya na ayaw pala nito na maging membro sya ng pamilya nito. Ayaw nito na ampunin sya ng parents nito. At kahit wala itong magawa sa kagustuhan ng parents nito pero masakit pa rin ang katotohanan na ayaw nitong maging kapatid s’ya. Agad na napatulo ang luha nya sa isipin ito. “What the! Bakit ka ba umiiyak, Haylee?” tanong nito, halata sa boses nito ang inis. “Kung ayaw mo akong maging kapatid dahil sa hindi mo ako gusto, wag mong idamay si kuya Karl, gustong- gusto nya akong maging kapatid. Tanggap nya ako sa pamilya nyo. Hindi katulad mo na hindi ako tanggap. Ayaw mo akong maging membro ng pamilya mo.” Naiiyak nyang sabi. Nasasaktan naman talaga s’ya sa laging pang- re- reject nito sa kanya. Ang gusto lang naman nya ay magkaroon ng pamilya at nung sinabi ng ninong at ninang nya na gusto syang ampunin ng mga ito---- napagtanto nyang ayaw na nyang maging asawa si Aki, ang gusto na nya ay maging kapatid ito dahil gusto nyang maging magulang ang mga parents nito at maging kapatid ang mga kapatid nito. Na- excite sya sa idea na maging bahagi na sya sa pamilya nila. “Sino ba kasing nagsabi sayo na ayaw kitang maging membro ng pamilya ko. In fact, gustong- gusto kong maging membro ka ng pamilya ko.” “Really? Pero bakit ayaw mong ampunin ako ng parents mo? Sabi mo ayaw mo akong maging kapatid.” Pinunasan nya ang luha nya. “Kasi--- hindi tayo pwedeng maging magkapatid, Haylee. Naintindihan mo naman siguro ang nais kong sabihin, diba?” “Ewan ko sayo, Aki. Pinaikot- ikot mo lang ako. Sabi mo gusto mo akong maging membro ng pamilya mo, pero ayaw mo akong maging kapatid.” Napatulo na naman ang kanyang luha. Nasasaktan talaga sya. Parang may libo- libong asperin na itinusok sa puso nya. “God!” binitawan sya nito. Tila frustrated ito. Ramdam na ramdam nya. “God Haylee, bakit ba hindi mo ako maintindihan? Bakit ba hindi nyo ako maintindihan?” “Paano kita maintindihan kung hindi mo naman ipaliwanag sa akin. Kung gusto mong maintindihan kita, ipaintindi mo sa akin, Aki.” Tulong luha nyang sabi dito. Sobrang namimigat ang kanyang dibdib. Birthday nya ngayon, hindi na nga ito bumati sa kanya, pinaiiyak pa s’ya nito. Sandali itong tumitig sa kanya, pero mayamaya lang, hindi nya napaghandaan ang gagawin nito sa kanya. Biglang kinabig nito ang batok nya at segundo lang ng naramdaman na nya ang paglapat ng labi nito sa labi nya. Sobrang lakas ng t*bok ng puso nya. May naramdaman syang kakaiba na hindi nya naramdaman sa unang beses na naglapat ang labi nila. Mahirap ipaliwanag kaya itinulak nya bigla si Aki. Nakawala naman sya agad dito. Hindi na sya nag- alinlangan pa, tumakbo sya para iwanan si Aki. Hindi nya kayang ipaliwanag ang naramdaman nya, bago sa kanya ang ganitong damdamin na hindi nya kayang bigyan ng kahulugan. Alam naman nyang crush nya si Aki pero kakaiba ang naramdaman nya ngayon. ------ Pagkatapos mag countdown ang buong pamilya kasama ang mga katulong, ay kinakantahan pa sya ng mga ito ng happy birthday song. Masayang- masaya ang mga ito habang ibinibigay ang mga regalo sa kanya, pati ang mga katulong ay may regalo sa kanya. Isang tao lang naman ang walang regalo sa kanya, at hindi din sumasali sa kasiyahan, nasa bungad lang ito ng pinto, nakasandal sa hamba habang nakatingin na naman sa kanya na tila sinusundan lahat ng galaw nya. Naiilang na sya dito lalo pa’t hindi mawala- wala sa isip nya ang ginawang paghalik nito sa kanya kanina. At mas makakabuti sa kanya na ang ginawa nitong paglayo pero naiinis naman sya, alam kasi nya na nasa kanya lang ang mga mata nito. “Alam kong magugustuhan mo ang gift ko sayo, Haylee.” Ani sa kanya ni Yumi, nakangiti ito sabay bigay sa kanya ng isang wrapped box. “Sigurado ako na mas magugustuhan mo itong gift ko sayo, Haylee.” Sabay din na bigay ni Karl sa kanya ng wrapped box. Nagtawanan ang lahat. Nakisabay na rin sya sa mga ito kahit pa laman ng isip nya si Aki at ang nangyari kanina. “Kung ano man ang gift nyo kay Haylee, walang- wala yan sa announcement namin.” Ani ni ninong Daniel. Napatingin sila sa mag- asawang Daniel at Ysabelle. “Naayos na namin ang adoption paper ni Haylee, ang hinihintay lang namin ay matapos ang six months trial period, at since almost six months na si Haylee dito sa atin, soon—magiging ganap nyo na rin syang kapatid.” Ang masayang balita ng ninang Ysabelle nya. Ramdam na ramdan nya ang kasiyahan nina Yumi at Karl dahil sa ibinalita ng mga magulang ng mga ito. “Haylee, since you are already 13 years old today, we need your consent para sa adoption. If the child is 10 years old or above, the child’s consent is required for the adoption. Gusto mo naman maging parents kaming dalawa ni ninong Daniel mo, diba?” Napaawang ang labi nya sa tanong ng ninang nya. Gusto nya itong sagutin pero ewan nya kung bakit tila naumid ang dila nya, napatingin pa sya kay Aki, na parang hinihintay din ang maging sagot nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD