Episode 9

1271 Words
---------- Masayang nagtatawanan ang mga tao sa malaking bahay, sa araw na ‘to hindi lang Christmas Eve ang ipinagdiwang sa malaking bahay ng mga Del Fuengo, pati narin ang kaarawan ni Haylee. She’s turning 13 years old today. Palakad- lakad lang si Haylee sa bakuran ng malaking bahay, she is reminiscing, naalaala kasi nya ang mga panahon na kasama pa nya ang mga magulang at mga kapatid. Ang mga masasayang alaala na kasama nya ang mga ito ay syang nagbibigay lakas sa kanya para magpatuloy kahit wala na ang mga ito. Napaupo sya sa isang gilid, habang pinagmamasdan ang napakaliwanag na malaking bahay ng pamilya ng ninong at ninang nya. At ang liwanag ay dahil sa mga Christmas light na parang mga bituin tignan. Madalas silang nagtatawanan ng kanyang mga kuya noon, nagkukwentuhan sila ng kahit habang nakatingin sa mga Christmas Lights. Mas lalo nya tuloy na- miss ang mga kapatid nya. “How is my little sister? Bakit nandito ka sa dilim at malalim ang iniisip?” nakangiti na tanong sa kanya ni Karl. Nakita kasi sya nito, saka ito lumapit sa kanya. Tumabi ito sa kanya. “Naalala ko lang ang pamilya ko.” Totoong sabi nya dito. “Nasabi nga sa akin ni mama--- ang nangyari sa pamilya mo.” malumanay ang boses ni Kuya Karl. “ You will be now facing a new chapter in your life, Haylee. We know that hindi namin pwedeng palitan ang pamilya mo sa buhay mo. They are your family, they will be forever with you. But I hope that you will be happy habang kasama mo kami.” puno ng damdamin nitong sambit na nagdulot ng kakaibang saya sa puso nya. Nakangiti pero napatulo ang luha nya na napatingin dito. “Thank you kuya Karl. Thank you sa pagtanggap mo sa akin ng buo, ng buong pamilya mo------ kahit ayaw sa akin ni Aki. Sa isip lang nya ang huling katagan. “No problem. Inaalagaan ng tita Camella ang mommy noon. Kaya dapat na alagaan din kita ngayon. Lagi kung inaalagaan ang mga anak ng taong nag-aalaga kay mommy.” may kung ano sa boses nito na hindi ko maintindihan. Napatingin ito sa kanya. “You know what, you remind me of someone. Hindi kayo magkamukha, ha! Magkaiba nga kayo. But, she is sweet to me. At saka naalala ko pa when she is still 12, that’s the last time na kinukulit nya ako. Lagi nga syang humihingi sa akin ng basketball cap at nagpapadala ng chocolate. In times like this, Christmas, I can’t stop myself of thinking of her. We always spent Christmas together, she’s not my bestfriend, I saw her as a little sister, I promise to protect and make her happy until someone will take that promise from me, she is so dear to me. And I miss her everyday.” kwento nito sa kanya. “Where is she now?” na-curious sya. “Nasa bahay lang nila, malapit lang dito. Pero talagang hindi na nya ako kinakausap at hinaharap. I made a mistake before of telling her a lie. I thought kasi na yon lang ang pwede kong gawin para hindi sya lumayo sa akin, but she still distance herself from me.” Ramdam nya ang pagdaramdam nito. Mukhang kilala nya ang sinasabi nito. Si Shay. Naekwento na sa kanya ni Yumi ang tungkol sa babaeng pinahahalagahan ng sobra ng kuya nila. Anak ito ng ninong ni Karl na bestfriend ng ina nito. Nakilala na nya si tito Leo at lagi syang pinatatawa nito. Nakita na rin nya si Shay. Maganda si Shay, parang isang manika. “Kung ano man ang pinagdaanan ng relasyon ninyo ngayon, maging maayos din yan pagdating ng tamang panahon." totoong sabi nya dito. “Hindi naman mapapalitan ng isang pagkakamali ang mga masasayang alaala nyong dalawa." Nakangiti itong napatingin sa kanya. “Alam mo kuya Karl, naalala ko sayo ang mga kuya ko. We will love sitting sa isang gilid while watching the Christmas lights. At madalas namin napag-usapan ang tungkol sa mga crush nila. Yong mga nililigawan nila, at yong mga bumabasted sa kanila. Mabiro rin sila at palangiti. Lagi din nila akong pinipikon, tulad ng ginagawa ninyo dalawa ni Aki kay Yumi, at talagang madali akong mapikon. Iyakin nga ako at pag nagsisimula ng tumulo ang luha ko, titigilan na nila ako, aamuhin, then I will lend my head to the shoulder of any one of them.” Hindi nya napigilan ang pagtulo ng luha nya nang maalala ang mga mahal na kapatid. “You can lend your head on my shoulder, Haylee.” Nakangiting sabi nito at ito na ang kusang kumabig ng kanyang ulo patungo sa balikat nito. At nakaramdam sya ng ginhawa. “After waking from 2 weeks in coma, I been living in hell pero tinatatagan ko ang sarili ko, nalaman ko kasi na niyakap pala ako ng dalawa kong kuya kaya ako naka-survive.” mangiyak- ngiyak nyang sabi. “Ibig sabihin lang dun, they want me to survive and to live. I believe I will be happy soon even with just the memory of them. Hindi ko sasayangin ang buhay ko dahil pinahalagahan ito ng dalawa kong kuya kahit sa huling sandali ng buhay nila." “Umiyak ka lang, Haylee. Ilabas mo lahat ng gusto mong ilabas.” umakbay pa ito sa kanya. “Gusto mong sumama sa akin, may pupuntahan tayo. Don’t worry, sandali lang tayo, babalik din tayo dito before the countdown." Tumango sya. Sabay silang napatayo. -------- “Kung nasaan man kayo ngayon, mahal na mahal ko kayo.” Malakas na sigaw ni Haylee, dinala sya ni Karl sa mataas na bahagi ng San Bartolome, at halos tanaw ang buong San Bartolome. “I miss you but I will live, magiging masaya din ako. Salamat sa mga alaala na iniwan ninyo sa akin. Hindi ko kayo makakalimutan kahit kailan. Papa, wag kanang iinom ng beer dyan sa langit. Mama, wag mo nang laging aawayin si papa kasi hindi na sya maglalasing dyan. Kuya Nilo, yon crush mo na si Betchy, may crush din sya sayo. Kuya Sandi, patawad, ako talaga ang nagsabi kay Lorna na may crush ka sa kanya.” Pagkatapos nyang isigaw ito, medyo gumaan ang pakiramdam nya. Pero napahagulhol naman s'ya sa pag- iiyak. “I hope ako ang unang bumati sayo ngayon nang HAPPY BIRTHDAY, Haylee. Hindi na kita kakantahan, dahil hindi kasing ganda ang boses ko sa mga kapatid ko” nakatawang sabi nito nang bumitaw sa kanya. “Let’s go home now, Haylee. Make memories with us.” Sabay lahad ng kamay nito sa kanya, tinanggap nya yon at nakangiti silang dalawa na humakbang papunta sa kotse nito. Pero pagdating nila sa Villa, agad nagkasalubong ang mga mata nila ni Aki, ubod ng talim ng titig nito sa kanya. At kinakabahan sya ng sobra dahil parang nagbabanta ang titig nito sa kanya. "Tayo na Haylee! Malapit nang magsimula ang countdown, 1hour from now." si Karl, sabay hawak sa kamay nya. Humakbang sila pero humarang si Aki sa kanila. Madilim ang anyo nito at sobrang talim ng titig. "Bitawan mo sya." mariing na sabi ni Aki kay Karl. "H- Ha?" si Karl litong- lito. Takot na takot naman ako. "Sabi ko bitawan mo si Haylee." "Bakit? May problema ba?" "Oo. Ayaw kong hinahawakan mo sya. Naiirita ako." "Masyado ka naman yatang protective sa little sister natin. Relaks, ako lang ito, kapa---" "She's not our sister kaya bitawan mo sya bago ko makalimutan na magkapatid tayo at pasko ngayon?" galit na galit na sabi ni Aki na nagpanganga kay Karl. Litong- lito ito sa inasta ng kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD