---------
It’s already Christmas vacation, kaya hindi na masyadong nababagot si Haylee, lagi na kasing nasa bahay si Yumi at talagang madalas itong nakikipagkwentuhan sa kanya, lagi din syang isinama nito sa kombento kung saan doon namalagi ang mama nya noon nung pangarap pa nitong maging madre, pero hindi natuloy dahil nakilala ng mama nya ang papa nya.
Maraming nagsabi na nakakilala sa mama nya, na magkamukha daw sila ng mama nya. May mapuputi at makinis na balat ang mama nya, isa ito sa nakuha nya mula dito. Maraming nagsabi na mas lalo pa daw syang gaganda ilang taon mula ngayon at tama lang din daw ang kanyang tindig. Hindi sya matangkad, pero hindi din naman sya kaliitan. Tama lang naman ang tangkad n'ya para masabing hindi s'ya pandak.
Mas naging malapit din sya kay Karl, nasa San Bartolome kasi ito ngayon dahil Christmas Vacation. Kaya hindi na talaga sya nabo-bored dahil sa kuya Karl n'ya. Ang pinagtataka lang nya, mula nang bumalik si Karl, lagi nalang mainit ang ulo ni Aki. At pag wala ito sa mood, lagi syang ang inaaway nito. Hindi talaga nya kayang ipaliwanag ang ugali ni Aki. Laging mainit nalang ang ulo nito na parang babae laging may regla.
Kasalukuyan silang naghahapunan, magkatabi sila ni Yumi sa upuan, habang kaharap naman nila sina Aki at Karl sa kabila, nasa magkabilang gilid naman ang ninong at ninang nya.
“Guys, meron kaming magandang balita ng mommy nyo.” Ani ng ninong nya na kay lapad ng ngiti.
“At ano naman yan dad?" Tanong ni Yumi.
Magkaharap sila ni Aki, napansin nya na habang umiinom ito ng tubig ay sa kanya ito nakatitig. Ano na naman ang kasalanan nya dito at sa kanya na naman ito nakatingin?
“Haylee, you have----“ hindi na naituloy ni Karl ang sasabihin, mabilis nitong pinunasan ang labi nya, meron palang ketchup sa gilid ng labi nya. Kahit medyo malayo ito, tumayo ito ng kunti para mapunasan ang labi nya. Tumalim bigla ang titig ni Aki sa kanya. Galit na naman ito sa kanya.
“Thank you kuya Karl.” nagawa pa rin nyang sabihin kay Karl kahit kinakabahan na s'ya kay Aki.
“Basta ikaw.” Nakangiting sabi ni Karl.
"Pwede ba, Mom and Dad, sabihin nyo na ang announcement nyo." si Aki na tila sa naiiritang tinig.
"Pasensya na. Natutuwa lang kaming makita na parang tunay na talagang magkapatid sina Karl at Haylee. Na parang bunso nyo na talagang kapatid si Haylee." si ninang.
Napangiti ako pero nabura ito nang napangiwi si Aki sa sinabi ng ina nito.
"Sweetheart, ikaw ba ang magsasabi o ako?" tanong ni ninong kay ninang.
“Ako nalang.” nakangiting sabi ni ninang, parang hindi ito nagkaedad. “Haylee ija, I talked to your lola, payag na sya sa kahilingan namin sa kanya. We can now adopt you legally. Okay na sa lola at lolo mo.” Nakangiti sa kanya ang ninang nya.
“H-Ha?” awang labi sya. Pinapasok pa nya sa isip ang sinabi ng ninang nya.
“Well, that’s good.” Ani ni Karl.
“Wow may baby sister na rin ako. I am so excited.” Ani naman ni Yumi na sa kanya nakatingin, at nakangiti ito.
Isa lang yata ang hindi natuwa sa narinig, padabog na inilagay nito sa mesa ang baso na hawak-hawak nito. At nakagawa yon ng sobrang ingay.
“Aki, what’s that manner?” tanong ng ninang nya.
“No. I don’t want any sister. Yumi is fine with me.” Diretsong sabi nito na sa kanya nakatingin at may nabasa syang galit sa mga mata nito. Sinalubong nya ang galit na titig nito. Kung ayaw nito na maging kapatid sya, ayaw din nya dito.
“What’s with you, Aki. Hindi naman ikaw ang mag-aalaga kay Haylee at magbigay sa kanya ng mga pangangailangan nya. Kami naman ng mommy mo.” kunot- noo na tanong ng ninong nya, galit na ito.
“I just don’t like her.” Sa kanya parin ito nakatingin. Matalim at madilim, na tila may pagbabanta.
“Don’t listen to him Haylee, I like you to be my sister.” Ani ni Karl.
“Me too. What’s with you twin brother? Alam mong gusto kong magkaroon ng nakakabatang kapatid. Matagal ko na kayang pangarap magkaroon ng kapatid na babae.” si Yumi, bumaling sa kanya. “Don’t listen to her Haylee, wag mo na syang pansinin, ganyan talaga yan pag malapit na ang period ko. Mainit ang ulo, kambal kasi kami. Naramdaman nya yong naramdaman ko.” Nakatawang sabi ni Yumi. Napangiti sya na mas lalong ikinagalit ni Aki.
“Aki, nangako ako bago tuluyan mawalan ng buhay ang tita Camella nyo na aalagaan ko, namin ng daddy mo si Haylee kung magising lang si Haylee mula sa pagka- coma nito na tulad ng pag-alaga nya sa akin noon nung magkasama pa kami sa kombento.”
“Taking care of someone doesn’t mean adopting that someone legally.” si Aki.
“Aki, talaga yang ugali mo.” alam nyang pinigilan lang ng ninong nya ang magalit ng sobra.
“Honey, hayaan mo na ang matigas natin anak. Anyway, our decision is final.” Ani ng ninang nya. “What do you think, Haylee?” hindi nya alam kung paano sagutin ang ninang nya, ngiti lang ang isinagot nya dito.
“Well then, if you legally adopting her, then itakwil nyo muna ako bilang anak at gusto kong legal din ang dekumento ko na nagsasaad na hindi nyo na ako anak." si Aki na ikinalaki ng mga mata ng mga magulang nito, saka padabog itong tumayo. “I’m done.” Galit na bumaling ito sa kanya. “No one in this family understand of how and what I feel.” Huling sinabi nito saka tuluyang umalis.
Kunot- noo ang halos lahat na nasundan ito ng tingin.
“That little man….” Mapakuyom kamao ang ninong nya.
“Anong nangyari nung?” ani naman ni Karl.
“Lately, lagi ko lang napapansin na laging mainit ang ulo at pikon." Ani naman ni Yumi, saka nakangiting bumaling sa kanya. "Welcome to the family, Haylee!"