Episode 7

1426 Words
-------- Napanganga si Haylee nang biglang umahon si Aki sa harapan nya. Nasa may swim pool sya at nakaupo lang sa may gilid, habang nilalaro ng paa nya ang tubig. Hindi nya ini- expect na makita itong nakahubad. Nahihiya sya, hindi naman kasi nya lubos akalain na nasa swimming pool pala ito. Kung alam lang nya, hindi na sana s'ya pumunta dito. Hindi sya makatingin dito dahil sa nakahubad ito. Nakakahiya talaga. “Maliligo kaba?” kunot- noo na tanong nito. “H-Ha?” napatingin ako sa kanya bigla. At nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa hubad nyang katawan. “Maliligo ka o pagmasdan ako?” parang galit pa ito. “Hindi ako marunong lumangoy.” Totoong sabi nya. Kaya nga hanggang sa paglalaro lang sa tubig ang nagawa nya kasi hindi sya marunong lumangoy. Gusto pa naman nyang maligo. Mahilig pa naman sya mag-swimming, pero sa kung saan kaya lang nya. 6 ft. to 8 ft. kasi ang swimming pool ng Villa, kaya hindi nya kaya. Napataas ang isang bahagi ng labi nito. Tuluyan itong umalis sa tubig, saka iniwan sya. Hindi nya ito magawang sundan ng tingin dahil sa kakarampot lang ang takip nito sa katawan, bumalik ito na may dalang isang salbabida. Saka ito lumapit sa kanya. “Use this one.” Tila nag-uutos ito. “H-Ha?” “I said use this one.” Hindi nya mawari kung galit ba ito o ano. “N-Natatakot ako baka hindi ako makabalik dito sa gilid.” Totoo iyon. Kumibot ang bibig nito, may sinasabi ito na hindi nya maintindihan. Saka pabigla itong tumalon sa tubig at umahon sa harapan nya, pabigla syang hinila nito, saka isinuot sa katawan nya ang salbabida. Nanlaki ang mga mata nya sa ginawa nito, gulat na gulat sya. Saka hinila sya nito sa gitnang bahagi ng swimming pool. “A-Aki, p-papatayin mo ba ako?” takot nyang tanong dito. Baka nga naman sa inis nito sa kanya ay totoong papatayin nga sya. “Mukha ba akong criminal?” walang emosyon na sabi nito. “Hindi kita papatayin sa lunod sa tubig, papatayin kita habang lunod na lunod sa halik ko.” Kunot- noo sya. Hindi nya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Nakakamatay pala ang halik nito? Bakit hindi sya namatay nung hinalikan sya nito? Sandali lang naman ang halik na yon kaya siguro-- buhay pa sya ngayon. “N-Natatakot nga ako, Aki.” ang lumabas sa labi ko. Natatakot ako dahil nasa gitnang bahagi na ako ng pool. “Diba, gusto mong maligo, at alam ko gusto mong makasama ako dito. Basang- basa ko sa mga mata mo." "Ha! Hindi naman ako-----" napasigaw ako dahil binitawan nya ako. "N-Natatakot nga ako baka-----“ tumulo na talaga ang mga luha nya. "Wait! Umiiyak ka na naman?” “I said natatakot ako.” “Damn it!” Can you stop crying.” Saka na naman kumibot- kibot ang bibig nito na hindi nya naintindihan kung ano ang sinasabi nito. “Wala ka bang tiwala sa akin.” Hindi ito nagtatanog, nanunumbat ito. “C’mon Haylee, hindi naman kita iiwan. Lagi naman akong nandito para sayo." Napatitig sya dito dahil sa sinabi nito. Hindi nya kayang basahin kung ano ang nasa isip nito habang nakatingin sya sa mga mata nito. Pero hindi nya maintindihan na sa kabila ng pagiging inosenti nya sa ilang bagay pero ang puso nya ay malakas na tumitibok para lang kay Aki. Aki, my Aki, I don’t know where I stand with you. And I don’t know what I mean to you. All I know is every time I think of you, I want to be you. Oo. Gustong-gusto talaga nya si Aki, kahit pa sa katotohanan na parang laging galit ito sa kanya. Pero lagi itong gumagawa ng kahit ano para sa kanya, lagi itong dumarating ‘pag may mangyaring masama sa kanya. Kahit sa pagiging salbahe nito minsan pero si Aki pa rin ang pinakagusto n'ya sa lahat. ------- “Gusto mong sumakay ng kabayo?” tanong sa kanya ni Aki. Nasa manggahan sya, isinama sya dito ng kanyang ninang Ysabelle. Nasa bahay Kubo sya habang nakatingin sa mga trabahante. Muntikan na syang napapitlag kanina nang may nagsalita bigla sa likuran nya at si Aki lang pala ito, nakasakay ito sa kabayo nito. Nandito na naman ito, ayaw nyang mag- assume pero pakiramdam talaga nya sinusundan sya nito. Umiling sya. Kahit ang totoo, gusto nyang masubukan iyon. Natatakot kasi sya baka mahulog sya. Hindi nya pinansin si Aki, nagpatuloy sya sa pagkain ng hilaw na mangga na may bagoong. “What was that?” tanong nito at pumasok sa kubo. Hindi nya namalayan na bumaba pala ito sa kabayo. “Mangga at Bagoong. Ang sarap pala.” Kumain pa sya. “Ewwww…you eat that one?" Nakanganga syang napatingin dito. “Why? Kumakain dito ang mama mo, si Yumi at ang Kuya Karl mo.” “But, I don’t eat that one.” “And so?” tinaasan nya ito ng kilay. “Wala naman nagpumilit sayo na kumain.” Tila nandidiri talaga ito sa ginagawa nyang pagkain ng mangga at bagoong. Kunot- noo pa ito. “Again, gusto mo bang sumakay ng kabayo?” tanong muli nito sa kanya. “Sabing ayaw ko.” naiirita sya bigla dito. "Mainit ang ulo mo. May regla ka pa rin?" Mas lalo syang napanganga. Paano nalaman nito na kakaregla lang nya. Siniguro naman nya na walang makakaalam maliban sa ninang. Pag may regla sya, hindi nya isinampay ang panty nya sa labas bahay. "Pero, seven days na ngayon simula nang magkaroon ka muli ng regla, ang tagal naman yata matapos ng regla mo. Baka maubusan ka na ng dugo yan." Gusto nyang maiyak sa hiya. Paano kaya nalaman nito kung kailan nagsimula ang regla nya? "Paano mo nalaman---" hindi nya kayang tapusin ang tanong nya. "Paano ko nalaman? Pag may regla ka kasi, yong panty mo, hindi mo inilabas. Diba, araw- araw ka naglalaba ng panty mo at may sampayan ka nito sa laundry area. Pag may regla ka, walang nakasampay doon." "I hate you, Aki. Bakit mo yan alam? Tinignan mo ba yong panty ko?" nakakahiya na talaga. Gusto na n'yang lamunin ng lupa. "Nakita kong nakasampay. Kasalanan ko ba? Tinignan ko lang naman, hindi ko naman inamoy. Anong maaamoy ko don? Bagong laba yon." kainis na Aki, mabango kaya yong panty nya, nilagyan nya yong ng downy, yong garden bloom, kasi bulaklak naman ang printa ng mga panty nya. "Ibang bulaklak ang gusto kong makita, hindi yong nakaguhit sa mga panty mo." "Ang bastos mo talaga Aki." naiinis n'yang sabi. "So, naintindihan mo ang ibig kong sabihin?" "Oo. Naintindihan ko na tinignan mo ang panty ko. Paano mo yan nagawa Aki? Babae ako. Hindi ka dapat tumitingin sa panty ko. Kaya nga sa pinakagilid ko yon inilagay para walang makakita. Napakabastos mo Aki. Walang hiya ka!" naiinis kong sambit. "Yan lang ang naintindihan mo sa sinabi ko? Hindi pa nga yan bastos. Kung naintindihan mo--- well, hindi naman bastos ang sinasabi ko. Anong bastos dun? Marami naman handang maghubad ng panty para sa akin. Balang araw, gusto kong gagawin mo din yan para sa akin. At sa akin lang. Dahil pag gagawin mo yan sa iba, talagang papatay ako ng tao." Kinilabutan sya sa sinabi nito. Hindi nya lubos akalain na kaya nitong pumatay ng isang tao dahil lang sa panty. Dahil sa tila tumatayo ang mga balahibo nya kaya napalakas ang pagkain nya ng mangga na may bagoong. Wala syang pakialam, sunod- sunod ang kain nya sa mga ito para mabaling ang atensyon nya sa asim ng mangga. Mayamaya, nanlaki ang mga mata niya nang biglang inilapit nito ang mukha sa mukha nya. Hanggang sa isang dangkal nalang yata ang pagitan ng mga labi nilang dalawa. "A- Anong ginagawa mo?" kinakabahan nyang tanong dito. Ang lakas ng t*bok ng puso n'ya. "Parang gusto kong tikman yang bagoong. Masarap ba yan?" "Oo. T- Tikman mo na. M- Madami naman ito." napalunok sya. "Okay." Mas lalong nanlaki ang mga mata nya nang mas lalong inilapit nito ang mukha sa kanya, at dinilaan nito ang labi nya. Naninigas sya sa ginawa nito. "Masarap pala ang bagoong sa labi mo." Hindi n'ya alam kung ano ang gagawin. Nakanganga lang sya habang naninigas hanggang sa biglang bumaliktad ang sikmura nya. Napalabas sya mula sa kubo at sumusuka sya sa gilid. Nakakasuka ang ginawa ni Aki sa kanya. "Hoy Haylee, ano bang nangyari sayo?" tanong ni Aki sa kanya, sinundan kasi sya dito. "Pambihira, hindi naman nakakabuntis yong ginawa ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD