Episode 6

2117 Words
-------- Naging masaya naman si Haylee sa dalawang buwan na pananatili nya sa Villa. Kahapon lang nya nakilala ang isa pang anak ng ninong at ninang nya, nasa Manila kasi ito at doon nag- aaral. Graduating ito at masyadong busy sa pag-aaral kaya ngayon lang ito nakauwi. Mabait si Karl at laging nakangiti. Hindi katulad ni Aki na parang laging galit. Kung ngingiti si Aki, parang hindi totoo, parang biro lang. Kasalukuyan silang nasa sala, inihanda nila ang mga gagamitin para sa gagawing malaking Christmas tree. Isang buwan mula ngayon ay pasko na. Bawat taon daw ay magkasama ang buong pamilya ng ninong at ninang nya para gawin ang malaking Christmas tree. Medyo late ngayon taon na ‘to, kasi hindi nakasingit sa oras ng ninong at ninang nya, masyadong busy ang mga ito sa mga nakalipas na araw at hindi din nakauwi si Kuya Karl dahil sa busy din ito sa Manila. Magkatabi na naupo sa sofa ang kanyang ninong at ninang habang inihanda ang Christmas lights, si Yumi naman ay katabi nyang cross na naupo sa sahig, habang inihanda naman nila ang Christmas balls, habang si Karl ay tinulungan ang mga katulong na itayo ang malaking Christmas Tree, si Aki naman ay---Well. “Aki, hindi ka ba tutulong?” tanong ng ninang nya dito. Nakahiga lang kasi ito sa isang sofa, nakatingin sa cellphone nito dahil naglalaro ito ng mobile legend. "Tutulong din ako mamaya.Ako ang magsasabi kung maganda ang ginagawa nyo.” Ani nito na ang mga mata ay nakapokus sa cellphone nito. “At bakit ikaw?” tanong ni Yumi. “Kasi, ako ang pinakamatalino dito.”nasa cellphone pa rin ang pokus nito. Talagang tamad si Aki at mayabang. May ipagmamayabang naman ito. “Hayaan mo na yang kambal mo Yumi, hindi mo yan maaasahan sa gawaing bahay. Alam mo naman sagad yan sa pagiging tamad.” si ninong Hinampas ni Yumi ang tiyan ng kambal nito. Napatawa ito pero talagang nasa cellphone pa rin ang pokus. “Twin sister, alam mo bang may nakita ako nung isang araw.” makahulugan sabi nito, at sa paglalaro pa rin ang pokus. “At sino?” kunot- noo na tanong ni Yumi kay Aki. “Isang multo.” Sa paglalaro pa rin ang pokus. Lihim syang nakikinig sa usapan ng dalawa. Sweet sina Yumi at Aki sa isa't- isa. “Hindi ko alam na naniniwala ka pala sa multo my twin brother.” Nakatawang sabi ni Yumi. “Oo naman. Lalo na kung multo ng nakaraan.” Makahulugan sabi nito na ikinakunot- noo ni Yumi. “Yes—Yes---ang galing ko talaga, wala talagang makakatalo sa akin.” Malakas na sabi ni Aki, ang paglalaro nito ang tinutukoy. Masyado itong nag- enjoy sa paglalaro nito. “Umayos ka dyan Aki. Kung ayaw mong tumulong, tumahimik ka."Ani ng ninong nya. Tumahimik naman ito at ipinagpatuloy ang paglalaro. “Pwede bang aalis muna ako sandali.” Ani ni Karl, tapos na ito sa pagtulong sa mga katulong. “Oo naman. ” Ani ng ninang nya. “Saan ka ba pupunta?” “Kina Ninong, bibisitahin ko si Ty----“ “Si babe.” Nakatawang sabi ni Aki. Sa paglalaro pa rin ang pokus. “Oh, kaya pala ang dami mong dalang chocolate kuya.” Ani ni Yumi. Nakikinig lang sya, hindi naman sya madaldal. Natutuwa kasi sya sa lambingan ng magkapatid. “Oo nga, bakit ba hindi na kayo nagpapansinan ni Shay? Nag- away ba kayong dalawa, Karl?” Tanong ng ninang nya. Hindi nakasagot si Karl, umupo lang ito sa sofa at inayos ang mga Christmas star. “Nagsisinunggaling kasi si Kuya.Sinabi kasi nya kay Shay na-----” Si Aki na naman na nakangisi. Talagang ang pokus lang nito ay nasa laro. “Aki---“ putol ni Karl sa ibang sasabihin ni Aki. Natatawa naman tumahimik si Aki. At nasa paglalaro ang pokus. “Tumahimik ka dyan, Aki. Sumasakit ulo ko sayo." ani ng ninang nya. Mayamaya, may dumating na isang sopistikadang bading. “Yumi my bestfriend, I have something for you.” Ani ng baklang kaibigan ni Yumi, may dala itong bouquet of flowers, mixed roses. Bumati naman muna ito sa lahat bago nagpokus kay Yumi. “May nagpapabigay sayo, may card pa nga.” bigay nito kay Yumi sa mga bulaklak, nakangiti naman tinanggap ni Yumi ang dala nito. “May manliligaw kana my princess?” tanong ng ninong nya. Sa hitsura nito at parang hindi nagugustuhan ang katotohanan na may manliligaw ang anak na babae. “Kung alam mo lang, dad.” Si Aki, sa laro pa rin ang pokus. “Aki---“ saway ni Yumi sa kapatid. “ Saan galing ito?” baling naman ni Yumi sa bakla sa pagkaalala nya, Jorge ang pangalan nito. “Sa secret admirer mo.” nakangiting sabi ng bakla. Napatawa ng malakas si Aki, kahit ang pokus ay nasa paglalaro pa rin. Napatingin sila halos lahat kay Aki. “Sinong secret admirer?” tanong ni Karl, kuryoso ito. “Secret nga fafa Karl…” ani ni Jorge, napatawa si Karl, hindi ito madaling mapikon, cool lang ito. “Hi—fafa Aki.”puna nito kay Aki, at tila nagpa- cute pa ito. May crush daw kasi ito kay Aki. “Wag mo akong mapa-fafa, pumapatol ako sa mga bading.” Naiiritang sabi ni Aki pero sa paglalaro pa rin ang pokus. “Okay lang naman na patulan mo ako.” malambing pa ang boses nito. "Binubogbog ko ang mga bading.” Sa laro pa rin ang pokus. "Ouch ka naman Aki. Yong ibang patol naman!" Hinablot bigla ni Karl ang card na nasa bulaklak na bigay ni Jorge “Tignan nga natin kung anong nakasulat dito.” nakatawang sabi ni Karl. “Kuya-----“si Yumi If the stars would fall everytime I think of you. Then the sky would be empty by now. You become more beautiful each and everyday, Yumi. Napatawa sina Karl at Aki sa nabasa ni Karl. Inis naman binawi ni Yumi ang card. “Ang baduy naman ng secret admirer mo twin sister.” Ani ni Aki na hindi pa rin tumigil sa paglalaro. “Siguro kaya hindi nagpakilala kasi baduy din ang hitsura.” si Karl naman. Napailing- iling lang ang ninong at ninang n'ya sa biruan ng magkakapatid. At hindi na sumabat ang mga ito. “Excuse me everybody, mestizo kaya ito, sobrang guapo.” Ani ni Jorge. “I hate mestizo, Jorge.” Ani ni Yumi na mukhang malapit ng mainis sa mga kapatid. “Oo. Lalo na yon mga singkit.” Ani ni Aki, sa paglalaro pa rin ng pokus. “Aki---“ inis na tinignan ni Yumi si Aki. “Tigilan nyo na si Yumi, Karl and Aki.” Saway ng ninang niya. “By the way Haylee, kanina ka pa tahimik dyan. May dinaramdam ka ba?” Puna sa kanya ng ninang nya. Napatingin sya dito. Napansin nya na bahagyang natigil si Aki sa paglalaro at napatingin sa kanya ng ilang seconds, pero itinuon muli ang pokus sa paglalaro. “Wala po.” Maikling tugon nya sabay iling, saka ipinagpatuloy ang ginagawa. “By the way Haylee, diba malapit na ang birthday mo?” ani ng ninong nya. “Oo nga. Christmas Eve ka nga pala isinilang. Kailan kayo madalas mag celebrate Haylee, dec.24 or dec.25?" tanong ng ninang nya. Napatingin na naman sa gawi nya si Aki at sandaling natigil sa paglalaro. Tila hinihintay ang sagot nya. “Dec.25 po.” Totoo ito, kaya naiinis sya sa isipin na pag magdiwang sila ng birthday nya, para lang silang nagdiwang ng pasko. Isinilang kasi sya ay 11:59 ng Dec.24. Pero ginawa nalang na Dec.25. “Then, double celebration ang gagawin natin. Ang birthday mo at ang pasko.” masayang bulalas ng ninang n'ya. Napuna nya na nakatitig pa rin sa kanya si Aki, saka ibinalik din nito kalaunan ang pokus sa cellphone pero---- “s**t! Hindi ko napaghandaan…. s**t!natalo ako.” sabay pa mura nito, saka tila galit na napatingin sa kanya, na para bang sinasabi nito na sya ang dahilan kaya natalo ito. Napataas ang kilay n'ya dito. “Hi Haylee..” bati sa kanya ni Jorge. “Ang ganda mo naman, ako si Jorge. Gusto mo turuan kitang gumamit ng make-up.” biro nito sa kanya. Napanganga sya dito. Sinasabihan syang maganda nito tapos tuturuan daw syang gumamit ng make- up . Hindi tuloy nya mapagtanto kung nagagandahan ba talaga ito sa kanya o napapangitan. Napatawa naman si Jorge. Napabangon si Aki at inis na napatingin kay Jorge. “There's no need for her to know how to use that. Subukan mo lang turuan si Haylee at malilintikan ka sa akin. Tigilan mo si Haylee.” ani ni Aki na tila galit. “Oh. Sobrang higpit naman ng kuya Aki mo, Haylee” nakatawang sabi ni Jorge na ikinainis lalo ng mukha ni Aki. “She’s not my sister.” Galit nitong tumayo. Parang nawala ito bigla sa mood. Saka ito tila bad- trip na umalis. “Anong nangyari kay Aki?” ani ni Yumi. “Napikon bigla.” Ani Karl. Gusto nyang maiyak. Ayaw ni Aki sa kanya kahit bilang kapatid lang. Mabuti pa si Karl, gusto sya nito. ------ Mula nang dumating si Karl ay hindi na masyadong nakaramdam ng bored si Haylee. Madalas kasi s'yang isinasama nito at natutuwa s'ya dito dahil parang isang tunay na nakakabatang kapatid ang turing nito sa kanya. Naalala nya ang dalawang kuya n'ya dito. Mahal na mahal s'ya ng dalawa n'yang kuya. Dahil sa kuya Karl n'ya kaya parang naibsan ang pangungulila na naramdaman n'ya. Mabait din naman si Yumi sa kanya kaya lang madalas itong busy. Pag wala itong ginagawa, pumupunta ito sa San Bartolome Parish Church, active kasi ito sa simbahan. Si Aki naman, kung nasa bahay ito, ay nagtatago s'ya dahil kung bored ito ay wala itong maisip na pag- tripan kundi s'ya lang. S'ya lang kasi ang nakikita nito. Kaya ipinagpasalamat talaga n'ya ng sobra na nandito si Karl kahit pa aalis din ito, pagkatapos ng sembreak nito. Naglalaro silang dalawa ni Karl ng badminton sa malaking bakuran ng villa. Alam n'ya kung paano laruin ito pero malayo pa rin ang kakayahan n'ya sa kung gaano kagaling ang kuya Karl n'ya, kaya tinuruan muna s'ya nito. Pagkatapos ng halos isang oras nilang paglalaro ay nagpaalam muna s'ya sandali kay Karl para uminom ng tubig kasi nauuhaw s'ya. Pero bago pa man s'ya nakarating sa kusina ay humarang bigla si Aki sa kanya. "Mag- usap nga tayo, Haylee." anito na para pang galit. "H- Ha! Bakit?" kunot- noo s'ya. "Alam kong hindi mo ako maintindihan, Haylee, pero mula ngayon, ipinagbawal kong lumapit ka sa ibang lalaki. Hindi ka pwedeng makipaglapit sa kahit sinong lalaki at sumasama sa mga ito kasi kahit bata pa yang pag- iisip mo ay dalaga ka na. May mga lalaki na hindi mo lang alam----" hinagod sya ng tingin nito, kinilabutan s'ya bigla dito. "---pinagnanasaan ka na pala." Napanganga s'ya. Hindi n'ya maintindihan ito. "Hindi naman ako sumasama sa ibang lalaki, kay Kuya Karl lang ako sumasama." "He's not your brother, kaya hindi ka dapat makipaglapit sa kanya. Dalaga ka na at hindi ka dapat sumasama sa kapatid ko, dahil lalaki ito." Nainis s'ya bigla dito. Bakit ba s'ya pinagbabawalan nito? Masaya nga s'ya dahil nandito ang kuya Karl n'ya. "Bakit ka ba ganyan? Sumasama nga ako sayo kahit lalaki ka." naiirita n'yang sabi. "Except me. Ako lang ang tanging lalaki na mapagkakatiwalaan mo. Okay?" Nag- isip s'ya kung bakit nagkaganito si Aki. At may naisip na s'ya na rason. "Ewan ko sayo Aki. Alam ko naman kung bakit ka nagkaganito." "You do? Bakit?" "Dahil sa nagseselos ka." walang pang- alinlangang na sabi n'ya dito. Napaawang ang labi nito, hindi ito makapaniwala na alam n'ya ang dahilan kung bakit ganito ito makaasta. "Nagseselos ka dahil gusto mo ikaw lang ang kuya ko. Ayaw mong maging kuya ko si Kuya Karl. Okay lang naman sa akin kung dalawa kayo na kuya ko. Sige mula ngayon, kuya Aki na rin ang itatawag ko sayo." ani nya dito para naman hindi na ito magselos. "Ano? What did you say?" "Sabi ko kuya na rin ang itatawag ko sayo. You are my Kuya Aki now." "Stop that, damn it!" nanlaki ang mga mata nya dahil parang mas lalo itong nagalit sa kanya. "I am not your f*cking brother, and I don't wanna be. Stop thinking that I can be your brother Haylee. Dahil baka hindi na ako makapagtimpi at---- ewan ko kung ano ang magagawa ko sayo." Tumatayo bigla ang mga balahibo n'ya, bigla s'yang natakot ng sobra kay Aki. Ayaw nitong maging kapatid s'ya. Ayaw nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD