Episode 5

1752 Words
-------- Hindi nya napigilan at napaiyak s'ya. Sadyang sensitive pa naman s'ya lalo na pagdating sa pamilya n'ya. "Wait-- bakit ka umiiyak? Wala akong ginawang masama sayo." “I said, give it back to me.” Padabog nyang kinuha mula dito ang papel. Nakuha naman nya mula ang papel dito, dahil tila napaurong ito nang nakita ang luha n'ya. Tatalikuran na sana nya ito para iwanan ito pero nagsalita ito na nagpaurong sa kanya. “It’s for your family, right?” Ramdam naman n'ya ang simpatiya sa boses nito. May puso pala ito? Marunong pala itong maawa sa kanya kahit pa kung hindi s'ya niloloko nito, inaaway naman s'ya nito. Naisip n'ya na baka bahagi ito ng panloloko nito sa kanya, at pagtatawanan lang s'ya nito kalaunan kaya mas pinili n'yang wag nang sagutin ang tanong nito. Inirapan n'ya ito at aalis na sana s'ya--- pero nahawakan nito ang pulsuhan n'ya. “What happened to them, Haylee?” "Hindi ba nasabi nina ninong at ninang sa inyo? Akala ko ba nasabi na sa inyong magkakapatid ang nangyari sa buong pamilya ko at kung bakit ako nandito.” Masakit at nangungulila pa rin sya sa buong pamilya n'ya lalo na kung pag- uusapan ang tungkol sa mga ito. “Sinabi naman nina mommy at daddy. Pero, anong ikinamatay nila? Nung nagkwento kasi si mommy, hindi ako nakikinig kasi hindi ako interesado, at busy din ako sa pakikipaglandian sa text ng isa sa mga babaeng may crush sa akin. Alam mo na ang ibig kong sabihin." walang pang-alinlangan nitong sabi. Napanganga s'ya. Kahit kailan talaga, walang bukambibig si Aki kundi ang tungkol sa mga babae nito. “So, interesado ka na ngayon?” aniya, sa mapait na tono “You could say that. Ang pangit mo kasing umiyak." Ayaw sana n'yang magkwento dito kasi mukhang niloloko lang s'ya nito pero natagpuan nalang n'ya ang sarili na nagsimulang magkwento dito, nakikinig naman ito. Mukhang interesado talaga. “It’s my father birthday, sobrang saya namin noon, buong pamilya kaming namamasyal. My parents and my two older brothers, una kaming pumunta sa Ocean Park then pumunta kami sa Star City, kumain pa kami sa isang mamahaling restaurant. That’s one of my best memories with them, never thought would be the most painful one.” Tuluyan tumulo ang mga luha nya. “Habang papauwi na kami, we are so happy laughing at teasing with each other inside the car, the last thing I remember is the flash of the light na papalapit na sa amin. I thought it was just a dream, when I woke up after 2 weeks in a coma, wala na sila. It wasn’t a dream after all.”pinunasan nya agad ang luha nya. Saka pa lang n'ya napagtanto ang pagkakamaling nagawa n'ya. Bakit ba sya nag- kwento dito? “I don’t know why I say this to you. But goodbye!” akmang tatalikuran na nya ito ng bigla syang kinabig nito, saka ikinulog sa mga bisig nito. His hug is so calm, it feels like home. ------------ After being embraced by Aki in the stream, everything went back to normal for them. Aki would always follow her around and get into arguments with her, and she would respond in kind, often snapping back at him. But what sets Aki apart is his sentiment; it’s as if he wants to share in her sadness. So, despite the harsh words he often directs at her, her affection for him remains unshaken. “Magbihis ka, may pupuntahan tayo!” Tila pautos na sabi ni Aki sa kanya. Kalalabas lang n'ya sa kwarto, marami pa nga s'yang muta sa mga mata n'ya dahil sa hindi pa s'ya nakapanghilamos. Paglabas n'ya sa kwarto, gulat na gulat s'ya na nakasandal ito sa dingding sa labas ng kwarto n'ya. “S-Saan?”kunot- noo na tanong nya dito. “Basta. Just do what I say.” Saka ito umalis. Nainis sya kaya hindi nya sinunud ang sinabi nito. Magkaharap silang kumakain ng breakfast, kasama ang ninong at ninang nya, si Yumi at si Aki. Matalim ang titig ni Aki sa kanya, hindi kasi nya sinunod ang sinabi nito. Wala s'yang pakialam dito. Anong akala nito sa kanya? Na sumusunod nalang sa kung ano ang gusto nito. “Twin brother, lagi mo pa rin bang inaaway si Haylee?” puna ni Yumi sa tila inisan na tinginan nila ni Aki. “Now, I hate the intruder more than I hate cats.” Tila makahulugan sabi ni Aki na sa kanya nakatingin. He grinned his teeth. Inirapan nya lang ito. Hindi nalang sila pinapansin ng mga kasama nila. Nasanay na siguro ang mga ito sa kanilang dalawa ni Aki. --------- “Magbibihis ka ba o bibihisan kita?” tila pananakot ni Aki sa kanya. Nasa labas ito ng kwarto nya at hinihintay syang lumabas. Pagkatapos ng breakfast nila kanina, napagpasyahan nya na magtago sandali sa kwarto n'ya. Mukhang mainit na naman ang ulo ni Aki at s'ya na naman ang pagbuntungan ng inis nito. Kaya sya nagtago. Kainis talaga si Aki, parang may regla ito minsan sa pagiging mainitin ang ulo. “Wag mo akong utos-utusan.” Sinalubong nya ang galit na titig nito. Walang sabi- sabi na pumasok ito sa kwarto nya, saka sya hinila papasok. Saka nito isinara ang pinto. “A-Anong gagawin mo?” kinakabahan na tanong nya dito. “Bibihisan ka.” ngumisi ito. Natakot sya sa sinabi nito. Bibihisan s'ya nito? Hindi na nga s'ya nagpabihis sa mama nya nung buhay na ito kasi medyo lumalaki na ang dibdib n'ya at naging buo na ang n*pple n'ya. Kung bibihisan s'ya nito--- ibig sabihin, makikita nito ang---- napayakap s'ya sa dibdib na bahagi n'ya. Nag- init ang pisngi nya bigla. Napaangat naman ang isang sulok ng labi ni Aki. "Don't worry, hindi pa ako interesado dyan, wala pa yang umbok eh! Pero ilang taon mula ngayon, magkakaroon na yan. Kaya ko naman maghintay." Kunot- noo sya. Hindi nya maintindihan ang sinabi nito. Ewan nya dito. “Fine. Magbibihis na ako.” mas mabuti nang pagbigyan ito. Para tigil- tigilan na s'ya nito. Hindi siguro nito gusto ang kulay ng damit n'ya kasi kulay pink. Ayaw siguro nito sa mga kulay pink. “Good. I give you 10 minutes. Hihintayin kita sa kotse ko, may lakad tayo.” Saka ito lumabas mula sa kwarto nya. Abot kilay si Aki nang nadatnan ito ni Haylee na nakasandal sa kotse nito, na tila hinihintay nga sya. “I said 10 minutes. You make me wait for almost 30 minutes.” Reklamo agad nito na madilim ang tingin sa kanya. “Babae ako Aki. 10 minutes is not enough.” She said calmly. Totoo talagang natagalan syang pumili ng maisusuot. Yong bagay naman sa kaguapuhan ng kasama nya. Ang guapo pa naman nito sa simpleng suot nito ngayon. Hindi kasi ito mahilig pumorma pero angat pa rin sa iba ang taglay na kaguapuhan nito. Padabog itong pumasok sa kotse nito, akala nya pagbubuksan sya ng pinto nito pero talagang hindi ito gentleman. Ano pa ba ang aasahan nya sa tulad nitong tinagurian bad boy? “Saan ba tayo pupunta?” hindi nya napigilan itanong dito ng medyo malayo na ang byahe nila. “To your family.” matipid na sagot nito. “W-What?” hindi makapaniwalang sambit nya. Nakanganga s'ya. HIndi n'ya alam kung ano ang mararamdaman n'ya. "Bakit?” “You missed them. Diba, gusto mo silang bisitahin.” "Oo. Pero pwede ka bang magmaneho hanggang doon. Diba, 17 ka pa lang. Baka-----" "Mukha ba akong tanga, Haylee? Wag kang mag- alala. Isa akong Del Fuengo, kaya kong lusutan halos lahat. Maliban pa dito, matalino din ako. Wag kang mag- alala. Ang alahanin mo ay kung paano mo ako pasiyahin pagkatapos." "Okay." ngumiti s'ya. Ibibili na lang n'ya ito ng pangontra sa malas para sumaya naman ito sa kanya. Pero--- napaisip s'ya, wala nga pala s'yang pera para ibili ito ng naisip n'ya. Hihiram nalang s'ya dito mamaya. May pera naman siguro ito, babayaran din naman n'ya, may pera naman s'ya dahil binibigyan naman s'ya ng mommy nito, naiwan lang talaga n'ya. Pero napunto nito ang totoo, talagang namiss na n'ya ang pamilya n'ya lalo na ngayon na birthday pa ng mama nya. Napatitig sya dito, he is busy driving. There is something in him na hindi nya maintindihan. Bakit sa kabila ng malamig na pakikitungo nito sa kanya ay ang nakatago na parang gusto syang alagaan at pasayahin nito? “Alam mo ba kung nasaan sila?” Tumango ito. “Paano mo nalaman?” kunot-noo na tanong nya. “I have ways.” Maikling sagot nito na busy sa pagmamaneho. ------- “Sayang hindi ko nadala yong ginawa kong poem para sa kanila.” may halong paghihinayang ang boses nya. Kaharap na nya ngayon ang puntod ng pamilya n'ya. Hindi naman kasi sinabi ni Aki sa kanya na dito pala sila pupunta. Kasalanan talaga ito ni Aki. Hindi na nya isinang-tinig ang paninisi n'ya kay Aki. Baka mainis pa ito sa kanya at iwanan s'ya nito. “Here.” ani nito, sabay abot sa kanya ng papel na sinulatan nya ng tula. May pagtataka sa mga mata nya habang nakatingin dito. “Sabi ko sayo matalino ako. Hindi lang ako matalino, maabilidad din ako.” anito, na may halong pagmamayabang. Hindi na nya ito pinansin, saka binasa nya ang tula na ginawa nya para sa mga magulang at kapatid nya. Namamasa ang mga mata n'ya habang binabasa n'ya ang ginawa n'ya para sa mga ito. Isip lang n'ya ang ginagamit n'ya sa pagbabasa. You’re probably looking down from heaven up above, sending out smiles with days of sunshine and showers of LOVE. Happy birthday, mama. I miss you very much. All of you. sa isip n'ya na tuluyang nagpatulo ng luha n'ya. Bakit ba kay agang nawala ng pamilya n'ya at naiwan s'yang mag- isa ng mga ito. Gusto n'yang magpakatatag pero may mga pagkakataon talaga na hindi n'ya mapigilan ang mapatanong sa panginoon kung bakit kay agang kinuha nito ang buong pamilya n'ya. Iniabot naman ni Aki ang panyo nito, tinanggap naman n'ya ito, at ginamit n'ya para pamunas sa luha n'ya. Umaagos na rin ang sipon sa ilong n'ya kaya pinunasan din n'ya ito gamit ang panyo ni Aki. Kaya hindi lang luha n'ya ang nasa panyo ni Aki pati na sipon n'ya. Pagkatapos ay iniabot naman n'ya ito muli kay Aki. "No. Thanks. Sayo na yan. Overused mo na." tanggi agad nito. Napakaarte talaga nitong si Aki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD