Episode 4

1603 Words
------- “Pinapahanap ka ng mama mo.” wala sa loob na sabi nya kay Aki, talagang hinahanap ito ng mama nito. Alam nyang nasa tree house ito kay pinuntahan nya ito dito para sabihin dito na hinahanap ito ng mama nito. “Nandito ka na naman sa tree house ko.” Ani nito, nakaupo ito sa isang upuan na gawa sa kawayan. “Aalis din naman ako, okay. Nandito lang naman ako para sabihin sayo na hinahanap ka ng mommy mo.” akmang tatalikuran na nya ito. Pero bigla syang hinila nito. Kinakabahan sya ng sobra. Isinandal kasi sya nito sa bubong ng tree house at iniharang na naman nito ang kamay sa magkabilang gilid nya. “Alam mo ba ang ginagawa ko sa mga babaeng pumupunta dito?” nakangising sabi nito. Napalunok sya. Inilapit kasi nito ang mukha nito sa kanya. “Bakit? Ano bang ginagawa mo?” napatanong pa rin sya. Ang lakas ng t*bok ng puso nya. “Gusto mo bang matikman ang halik ko? O higit pa dun ang gusto mo?” “H-Ha?” Gusto nyang magsalita pero parang may bumara sa lalamunan nya na syang pumipigil sa kanya na magsalita. Ninerbiyos na naman kasi sya dahil kay Aki. “Mahilig talaga ako sa mga mapuputi na makinis.” Hinagod sya ng tingin. Maikling short pa naman ang suot nya. “ Makinis pala ang legs mo.” nakatingin ito sa legs nya. “A-Anong gagawin mo sa akin?” “Ano sa tingin mo?” ngumisi ito. “N-Nakakalimutan mo na ba ang sinabi ng mommy mo. I’m off li-----“ “And so? Wala dito ang mommy ko.”mas inilapit pa nito ang mukha sa mukha nya. “Alam mo bang napakaganda mo. At mahilig din ako sa mga magaganda.” Tila bulong na sabi nito. “H-Hindi ka mahilig sa mga bata, Aki.” Paalala nya dito na bata pa sya. Hindi man nya maintindihan ang sinasabi nito pero natatakot talaga sya dito. Ngumisi ito. “Paano kung sasabihin ko sayo na pumapatol din ako paminsan- minsan. Lalo na yong laging pumapasok sa tree house ko na walang permiso galing sa akin.” “A-Aalis na ako, hindi na ako pupunta dito.” kinakabahan sya. Parang mabibingi na sya sa kabog ng dibdib nya. “Now, tell me, inaakit mo ba ako kaya lagi kang pumupunta dito.” marahang hinaplos ng mga palad nito ang maamo nyang mukha. “Gusto mo bang maranasan kung paano ako humalik?” napatitig ito sa labi nya. Hindi sya nakakilos, na-estatuwa sya, tila may naghahabulan na mga daga sa loob ng dibdib nya. “Gusto mo bang malaman kung ano sana ang ginagawa namin ni Carrie kung hindi ka lang dumating. Siguro, sinusundan mo ako dahil patay na patay ka sa akin.”hinaplos ng daliri nito ang punong labi nya. Nakatitig lang sya sa mga mata nito. Hindi talaga sya makakilos. “What if, pagbibigyan kita na malasahan ang masarap kong labi, magiging masaya kaba?” “Aki, hi-----“ Hindi na nya natigil ang akmang sasabihin ng biglang nalapat ang labi nito sa labi nya. Hindi sya makakilos, naninigas sya sa ginawa nito. Sobrang nanlalaki ang mga mata nya sa ginawa nito. Pero tumigil dito ito agad at napatitig sa kanya. Kunot- noo ito na nakatingin sa kanya. Naninigas pa rin sya. Hindi pa rin sya naka- recover mula sa ginawa nito sa kanya. “I give you 5 seconds para tuluyan ng umalis sa tree house ko, bago mo pa pagsisihan ang gagawin ko sayo.” Para may sariling isip ang mga paa nya. Kusa itong humakbang para umalis sa lugar kahit hindi pa sya naka- recover sa ginawa ni Ake sa kanya. ----------- Masarap ang hangin, kaya napagpasyahan nya na dito muna mamalagi sa may batis. Plano din kasi nya na magsulat ng poem para mga pinakamamahal nya sa buhay na nawala na sa kanya. Walang iba kundi ang buong pamilya nya. Miss na miss na nya ang mga ito. Miss na miss na nya ang mama at papa nya, pati na ang dalawang mababait nyang kuya. Hindi nya lubos akalain na kay ikli lang ng buhay ng mga ito. Iniwan syang mag- isa ng mga ito. Mabuti nalang may mga tao pang nagmamalasakit sa kanya na katulad sa ninong at ninang nya. Para kahit gaano pa sya kamahal ng ninong at ninang nya, hindi pa rin mababawasan ang pangungulila nya sa tunay nyang mga magulang, sa tunay nyang pamilya. Wala pa rin kahit anong gamot ang maaaring magpahilom agad sa sugatan nyang puso dahil sa pagkawala bigla ng pamilya nya. Busy sya sa pagsusulat ng tula nang maramdaman nya na parang may nakatingin sa kanya kaya napalingon sya. At tulad ng inaasahan nya, si Aki na naman ang sumalubong sa paningin nya. Hindi na sya nagtataka kasi lagi naman itong nakasunod kahit saan sya magpunta, pakiramdam nya binabantayan sya nito. Sa tuwing muntikan syang madidisgrasya, lagi sya iniligtas nito pero lagi naman syang sisihin nito pagkatapos. "Anong ginagawa mo dito?" hindi nya mapigilan tanong. Nandito nga sya dahil gusto nyang mapag- isa pero nandito naman ito. "Maliligo. Hindi mo ba nakikita na batis ito. At sa amin ang batis na ito." sagot nito at akmang huhubarin nito ang suot nitong T- shirt. "Pwede ba wag ka ngang maghubad dito. Mahiya ka naman sa akin. Babae ako tapos maghuhubad ka sa harapan ko." "Anong masama kung maghuhubad ako? Maliligo nga ako. At saka, alam ko naman na lagi mo akong sinisilipan habang naliligo ako sa swimming pool ng villa habang swimming trunks lang ang suot ko." "Ano?" laking mata nyang sambit. "Hindi ko yan ginagawa. Hindi kita sinisilipan.Malaking kasalanan yan sa panginoon. Sagradong bahagi ng tao ang katawan nya at hindi ito dapat basta't- basta ipinapakita sa kahit sino lang." Napanganga ito. "Haylee, okay lang maghubad lalo na't naliligo lang naman ako. Anong gusto mo, nakapajama akong maligo?" Hindi na nya ito sinagot. Hindi magkapareho ang opinyon nilang dalawa. "At saka, okay lang naman sa akin ang maghubad ako. Hindi kasi ako madamot, maraming babae ang gustong makita na nakahubad ako." anito saka ito ngumisi. "Gusto mong makita? Sabihin mo lang. Handang- handa naman akong ipakita sayo ang katawan ko." "Ayaw ko. Malaking kasalanan yang sinasabi mo. Sa asawa mo lang dapat ipinapakita ang katawan mo." Saka na kung pinakasalan mo na ako. dagdag pa ng isip nya. Tumawa ito ng napakalakas. Mukhang pinagtatawanan lang sya nito. "It's okay Haylee, palalakihin muna kita ng kunti. Saka ko ituturo sayo ang gusto kong malaman mo na sa akin mo lang dapat malaman at matutunan. Sa akin lang, okay?" Napaawang ang labi nya. Hindi nya maintindihan ang pinagsasabi ni Aki. “Teka, ano yang isinusulat mo?” puna nito sa ginawa nya. “Sekreto ko ito, wag mo itong pakialaman.” Inirapan nya ito, saka nya ipinagpatuloy ang pagsusulat. Mayamaya, natapos na nya ang isinusulat nya. Napangiti sya, kapag magkaroon sya ng pagkakataon na makadalaw sa mga magulang at kapatid nya, babasahin nya ang tula nya para sa mga ito. Miss na miss na talaga nya ang mga ito. Napasimangot na naman sya at napatingin sa kawalan. Hanggang sa biglang humangin ng malakas at nailipad nito ang papel na sinulatan nya ng tula pero hindi nya namalayan ang nangyari dahil sa malalim ang iniisip nya. - If Tears Could Build a Stairway - Saka lang nya napansin na wala na sa kanya ang papel nang narinig ang boses ni Aki. At nanlaki ang mga mata nya nang nakitang hawak na nito ang papel na sinulatan nya ng tula. “Give that to me!” Pero kaysa ibalik nito sa kanya ang papel, mas lalong binasa nito iyon. - If tears could build a stairway, And love could pave the road, I'd climb to where you rest now, And carry home the load. - Your voice still echoes softly, In the corners of my mind, But reaching out for nothing, Is all I'm left to find. - Tumayo sya at lumapit kay Aki, para agawin sana ang papel mula dito pero sadyang hindi nya makuha iyon, maliban na mas malakas ito, ubod pa ito ng tangkad kumpara sa kanya. “I said, ibalik mo yan sa akin.” Gusto na nyang umiyak sa ginawa nito. Pero hindi talaga sya pinapansin nito at ipinagpatuloy lang nito ang pagbabasa. - No more the shared tomorrows, No more the plans we made, The sun still rises daily, Yet my world is cast in shade. - I miss the laughter in your eyes, The warmth your presence gave, Yet now my love remains with you, Beside your quiet grave. - "Ibalik mo yan sa akin, Aki." sinubukan nyang kunin ito muli pero hindi pa rin ibinigay nito sa kanya ang papel nya. - But if I could, I'd build that stair, With each tear I’ve let fall, And climb up to the heavens, To bring you back through it all. - Though you're gone, you're never far, In my heart you'll always stay— If tears could build a stairway, I’d walk it home today. - "Wow, magaling ka pala------Haylee?" "I hate you Aki." napatulo na ang luha nya. "Galit ako sayo. Hindi ka na nakakatuwa." Paano nito nagawang basahin ang tula na ginawa nya para sa pamilya nya. Mahalaga ito para sa kanya. Hindi kasi naintindihan nito ang pangungulilang naramdaman nya na idinaan lang nya sa isang tula. -------- -------- (P.S.) The poem is originally written by me. Mahilig akong magsulat ng poem noon at para ito sa papa ko. Mag- comment naman kayo para ma- inspired akong mag- update.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD