PART 1
Nagpapaypay ng inihaw si Sandy pero nasa malayo ang tingin niya. Kanina pa nagkakandahaba-haba ang leeg niya sa pagtanaw sa grupo ng mga nakaunipormeng pulis.
“Sino bang sinisilip mo diyan?” Muntik nang matabig ni Sandy ang isa sa iniihaw nang hindi niya mamalayang lumapit ang kaibigang si Mina.
“Wala naman. Kanina pa kasi iyang grupo ng mga pulis diyan.”
“Napansin ko nga rin. Bakit kaya?”
“Hindi ko alam.” Nagkibit-balikat na lang siya at ibinalik na ang tingin sa mga iniihaw kahit na ang totoo ay may lihim siyang tinatanaw.
Matalik na kaibigan ni Sandy si Mina pero may mga hindi pa rin siya masabi dito. Nagkakilala sila noong nasa unang taon pa ng kolehiyo. Mabilis silang nagkahulihan ng loob at dahil parehas na ring ulila, nagdesisyon silang kumuha ng maliit na apartment at magkasamang manirahan. Ang ipinagkaiba lang may kinamulatan pa siyang lola noon. Natulungan pa siya ng lola niyang makapag-aral sa kolehiyo bago ito mawala habang si Mina ay talagang sariling sikap lahat. Kaga-graduate niya lang last month habang si Mina ay papasok pa ng isang sem dahil nagpatigil-tigil ito sa pagpasok.
“Hi, Sandy at Mina, anong atin diyan?”
Naagaw ang atensiyon nina Sandy at Mina nang magsilapitan ang dalawang pulis na lalaki at isang babaing pulis. May mga dala silang bag.
“Hi, mga ma’am at sir,” bati nila ni Mina.
“Mukhang masasarap ito, ah,” komento ng isang pulis.
“Try ninyo lahat, masarap ang ihaw-ihaw nila,” ani Leah. “Dalawang adidas at dalawang isaw ang akin.”
Mabilis niyang ani at inilagay ang sinabi nito. Suki na nila ang babaing pulis kaya bukod sa kilala na sila ay subok na ang paninda nila.
“Ano ba ito? Binubong?” Itinaas ng matandang pulis na lalaki ang bituka ng baboy.
“Opo. Masarap din po iyan, ‘wag lang po sosobra para iwas sakit batok!” masigla niyang tugon na ikinatawa ng pulis.
“Sige. Dalawa din niyan tsaka ito pa.” Binalingan nito ang isang kasamahan. “Kuha na din ikaw. Nasaan ba si Macoy? Tawagin ninyo nga.”
Kagyat na bumilis ang t***k ng puso ni Sandy nang marinig ang pamilyar na pangalan.
“Naroon at busy makipag-usap sa cellphone. Hindi ‘yun titigil hanggang nakabinbin pa sa opisina ang trabaho,” tugon ng mas batang pulis.
Halos pamilyar naman sa kaniya ang mga ito dahil madalas silang nagroronda sa loob ng barangay nila. Pero ang madalas nilang nakakausap ay ang babaing pulis. Abala na ang mga ito sa pag-uusap tungkol sa trabaho. Nakikinig siya pero mas lumalakas ang pandinig niya kapag nababanggit na ang pangalang Macoy.
Inabutan ni Mina ang mga ito ng ng kaniya-kaniyang maliliit na lalagyan na may lamang suka. Inilagay niya sa isang plato ang mga order na tapos na niyang ihawin.
“Luto na it—Ayan pala si Macoy.” Napatigil sa pagpapaypay si Sandy nang lingunin niya ang direksyon kung saan nakatingin ang pulis. Palapit sa kanila ang lalaking kanina lang ay pinagmamasdan niya sa malayo. Gwapo na talaga siya sa malayo pero parang mas lalo kapag palapit na.
Hay, puso kapit ka lang diyan sa loob.
“Halika na, Macoy. Kain ka muna bago tayo lumarga. Try mo ang barbeque nila,” pag-aalok ni Leah.
“Sige lang,” tipid na ani Macoy nang makalapit sa kanila.
Dumaan ito sa gilid niya at kahit puno ang paligid niya nang aroma ng iniihaw, amoy na amoy niya pa rin ang panglalaking pabango nito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi makadama ng hiya dahil pakiramdam niya ay nanlilimahid na siya dala ng usok at pawis.
Inabutan ni Leah ng platong may mga inihaw. Hindi na nakatanggi si Macoy. Kumuha na ito ng barbeque. Hindi niya tuloy mapigilang pagmasdan ito nang dahan-dahang isubo ang pagkain.
Parang gusto niya na lang maging barbeque.
‘Pwede ba? Kahit saglit lang.’ bulong ng isip niya habang nakatitig sa barbeque na palapit sa labi nito.
Magsasalita pa sana siya pero naagaw iyon ng tahimik pero buong-buong tinig ni Macoy. “Padagdag ako nitong pakpak. Tatlo ha. Take-out.”
Habang nagbubuklat-buklat ito sa mga tupperware ay hindi niya mapigilan ang sariling pagmasdan ito. Halos tumingala siya mapagmasdan ang mala-Adonis nitong mukha. Mula sa makakapal na kilay na madalas salubong, may kasingkitan na mga mata na para bang sisilain ka na lang anumang oras, matangos na ilong, at maninipis na labing napakadalang ngumiti.
Nang bumaba ang tingin niya sa malalapad na dibdib ng binata ay hindi niya mapigilang mapalunok. Parang ang sarap sumubsob doon at magpayakap sa matitipunong braso nito.
“Miss… Miss!” Daig pa ni Sandy ang binuhusan ng malamig na tubig nang masalubong ang nakakunot-noo na si Macoy. “Baka naman ay mamaya uling na ang kakainin namin,” sarkastikong saad ni Macoy habang nakatingin sa kaniya.
“Ay, sorry.” Binaligtad niya ang mga iniihaw at sinunod na inilagay ang pinaiihaw ni Macoy. Hindi niya mapigilang mapahiya lalo pa’t napapatingin sa kaniya ang mga kasamahan nito. Sinulyapan niya si Mina na napapailing na lang sa kaniya.
“May kakainin pa ba ako dito?”
Napakagat-labi si Sandy nang itaas at titigan ni Macoy ang pork barbeque na nasobrahan nang pagka-toasted.
“Pagtiyagaan mo na lang,” ani Leah sabay tapik sa balikat nito.
“Tss,” sibangot na wika ni Macoy bago kumuha ng ibang pork barbeque.
Nagbaba na lang si Sandy ng tingin at todo ingat na iniihaw ang mga pakpak ng manok. Ultimo paglalahid ng mantika ay malumanay. Natatakot tuloy siyang magkamali. Kanina pa naman ay nagbabalak siyang iwan si Mina at pumasok ng bahay para kumuha ng butter. May tinimpla silang melted butter na pang-glaze for special purposes kaso mukhang hindi lang gwapo itong si Macoy may kasungitan ding taglay.
“Tumatanggap ba kayo ng maramihang order?” tanong ni Miss Leah. May hawak pa itong isaw at halatang siyang-siya sa pagkain. “’Yung pwede sa mga okasyon.”
“Opo. Natanggap po kami ng special order,” si Mina na ang sumagot.
“Anong kadalasang mabenta sa inyo?” usisa ni Lopez.
“Grilled chicken wings at legs, tsaka pork barbeque po para sa mga okasyon,” ganadong tugon ni Mina. Sa isang tingin pa lang niya ay excited na ito. Mas malaki kasi ang kita nila kapag ganoong order. Itinuon niya na lang doon ang atensiyon kesa isipin ang nangyari kanina.
“Tamang-tama iyon para sa lakad natin next week,” pahayag ni Lopez.
“Ikaw, Macoy, may suggestion ka ba?” tanong ni Leah kay Macoy na tahimik ang kumakain sa isang tabi habang ang isang kamay ay abala sa pagtipa sa cellphone. Para bang may sarili itong mundo at wala sila roon.
“It’s up to you kung gusto ninyong dito pa mag-order,” simpleng tugon nito na hindi man lang nag-abalang sumulyap sa kanila.
Hindi niya mapigilang mapaangat ng kilay. Hinarap niya si Miss Leah. “Mas masarap po ang ginagawa namin kapag mga special order. Kapag may request ang customer, sinisikap naming i-accommodate,” ngiting-ngiting pahayag niya.
“So, pwedeng mag-request na hindi overcooked?”
Kingat ni Sandy ang pang-ibabang labi. Kung hindi lang gwapo ito ay nasapok niya ito ng pamaypay. “Don’t worry, Sir sa susunod ninyong order mas gagandahan ko ang pagkakaihaw. ‘Yung pang-especially for you lang po,” sarcastic talaga iyon pero pinalambing niya ang tinig.
Naramdaman niyang kinulbit siya ni Mina pero hindi niya ito pinansin. Taas-noo niyang ipinagpatuloy ang pag-iihaw dahilan para hindi niya mapansin ang makahulugan at nangingiting tinginan ng mga kasamahan ni Macoy.
“Dahil diyan dito na lang tayo mag-order,” natatawang deklara ni Leah. “Pahingi ng number ninyo ha or pangalan sa Messenger para chat ko na lang kayo.”
“Okay po,” halos duet na ani nila ni Mina.
Natapos kumain ang mga pulis pero hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon makausap ni Sandy si Macoy. Nagsasalita nga lang din ang huli kapag tinatanong ng mga kasamahan pero mas madalas ay tahimik ito at nakatungo sa kaniyang cellphone. Aware na si Sandy na masiyadong seryoso sa buhay ang binata pero hindi niya akalaing ganoon kailap ang puso nito.
HINDI magkaintindihan sina Sandy at Mina sa pag-aasikaso ng mga order na barbeque. Napasabay sa order ng kapitbahay nila ang napakarami ring order ni Miss Leah. Kahapon pa sila nagsimulang mag-marinade at magtuhog ng mga karne at kanina ay maaga ring gumising para makapag-ihaw na.
“Hoy, Mina at Sandy, kanina pa iyang pausok ninyo. Mamaya ay amoy barbeque na itong sinampay ko!” dinig nilang tawag ni Aling Bebang. Nakapamaywang ito sa labas ng gate. Nakatayo ang bahay nito sa tabi ng sari-sari store na katapatan ng apartment na tinitirahan nila. Sa kaso pa, una pa itong nagreklamo kesa sa katabi nilang apartment.
“Malala talaga iyang si Aling Bebang,” bulong ni Sandy kay Mina na kunwa’y hindi pinansin ang pagmamarakulyo ng babae. “Alangan namang pigilin natin ang hangin na pumunta doon.”
“Hayaan mo na nga. Atin ng tapusin ito,” sabi ni Mina at inihalayhay sa ihawan ang iba pang karne.
“Mabuti pa ay ikaw ang magpaypay nito at akin ng ihahanda ‘yung order ni Ate Mae.”
Kinuha ni Mina ang pamaypay sa kaniya. Pumasok naman siya para ihanda na ang mga pork barbeque na order nila. Two hundred pieces iyon na pinagtiyagaan nilang tuhugin. Nang mai-set up niya sa dalawang malaking aluminum foil tray ay binalutan niya ng cling wrap. Siya na ang nagprisinta na dalahin ang order. Dala ang dalawang tray habang sa may pulsuhan ay nakasabit ang bag na may lamang dalawang tupperware na pinaglalagyan ng suka.
Dalawang bahay lang naman ang layo ng bahay ni Ate Mae pero dala ng pagod ay pakiramdam ni Sandy na gegewang ang mga dala niya. Habang naglalakad sa pavement ay pilit niyang ibinabalanse ang dala. Tanaw niya na ang nakabukas na gate at ang mga dekorasyon. Bahagya na siyang nakahinga ng maluwag dahil maiibaba na ang mga dala. Narating na niya ang gate. Huminga siya ng malalim at nagpaskil ng masayang ngiti. Kahit pagod dapat smile lang.
Papasok na siya ng isang malakas na tawag ang pumailanlang.”Terry! Bumalik ka dito!”
Hindi na sana papansinin iyon ni Sandy pero nasundan iyon ng humahalakhak habang tumatakbo na maliit na bata. Sa likod ito nakatingin kaya hindi kaagad siya napansin. Akmang iiwas siya pero dahil alangan ang pwesto niya ay awtomatikong bumangga ang bata sa kaniya.
“Sorry!” tumatawang ani ng bata na dumiretso sa paglabas ng gate.
Hindi na niya nagawa pa itong lingunin dahil dama niya nang tutumba siya pero dahil may mabibigat na dala ay hindi magkaintindihan kung bibitawan ba iyon o ano. iñatas siyang tanggapin na matutumba siya kesa ang bitawan ang mga dala nang tumama sa matigas na bagay ang likod niya na sinundan naman ng mahigpit na paghawak sa ibabaw ng kamay niya. Dama niyang dumiin iyon na para bang pinipigilan nito ang kamay niyang bumitaw sa mga hawak na tray.
Ilang segundo siya sa ganoong posisyon. Pinakikiramdaman niya kung babagsak at masasaktan siya pero nang wala pa rin ay dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Ang unang bumulaga sa kaniya ay ang bungad ng gate, ang barbeque nila na hangang ngayon ay safe na safe sa loob ng aluminum tray.
“Hay, Diyos ko! Thank you at hindi natapon,” naibulong niya.
Tumuwid siya ng tayo habang dama pa din niya ang kung anong matigas sa likuran niya. Noon niya lang din na-realize na may tila nakapulupot sa kaniya. Bahagya siyang bumaling sa gilid. May mahabang braso na nakasuot ng itim na jacket ang nakapulupot sa kaniyang katawan at may malalapad na palad ang nakapatong sa ibabaw ng kamay niya.
“Hala!” Walang isip-isip na lumayo siya dito. “Sorry po. Hindi ko sinasadya,” saad niya sabay harap sa estrangherong tumulong sa kaniya. “Sala—“ Natigil sa ere ang lahat ng sasabihin ni Sandy nang makilala kung sino ang taong tumulong sa kaniya.
Bakit parang may mga nag-awitang mga anghel?
Bakit parang ang kumikinang ang paligid niya?
“Ayos ka na ba, Miss?”
At ang boses niya… Buong-buo na para bang sa isang salita nito ay susunod kahit sino.
“Miss!”
Napapitlag si Sandy nang bahagyang lumakas ang tinig ng lalaking nasa harap niya. “Naku, sorry. Ano nga iñatas?” tanong niya at pilit yumuwid ng tayo.
Heto na naman siya! Iba talaga ang epekto sa kaniya ni Macoy!
Hindi sumagot si Macoy sa tanong ni Sandy bagkus ay pinasadahan siya ng kakaibang tingin. Naalala marahil nito ang nangyari noong nakaraan. “Ikaw ‘yung nagtitinda ng barbeque sa labas ng apartment?”
Hindi kaagad nag-sink in kay Sandy kung anong ibig sabihin nito. “Bakit po?”
“Ako ang pi-pick up ng mga order ni Miss Leah.”
“Opo nga pala! Kukunin ninyo na po ba?” tanong niya kahit na obvious namang iyon nga dahilan kaya ito naroroon.
“Oo.”
“Hmm. Pakihintay po ako at dadalahin ko lang ito sa loob.”
Tumango lang ang lalaki. Nagmamadaling pumasok siya sa loob ng bahay. Nang maibigay ang order at makuha niya ang bayad ay binalikan kaagad niya ang lalaki. Nasalubong pa niya ang maliit na batang karga na ng yaya nito. Parang gusto niyang pupugin ito ng kiss dahil sa nangyari.
Ganoon pala ang pakiramdam ng makulong sa mga bisig ni Macoy.
Parang heaven lang.
Hindi tuloy mapigilan ni Sandy ang mapangiti ng malapad. “Tara na po,” pag-aaya niya nang makita ang binatang nasa labas pa rin ng gate.
Hindi naman niya mapigilang mapangiti nang sumabay ito sa kaniya sa paglalakad. Kulang na lang ay maging holding hands while walking.
Pero charrr lang. Masiyado na siyang feelingira.
“By the way, sorry about last time.”
“Po?” Medyo nagtataka niyang tanong habang nakatingala dito.
May munting ngiting sumilay sa labi nito bago nagsalita. “Actually, masarap talaga ang barbeque. I’m just tired that day kaya ganoon ang inasta ko.” Naging apologetic ang mukha nito dahilan para mabawasan ang kaseryoso ng mukha nito.
Prinoproseso pa ni Sandy ang mga sinabi nito bago tuluyang nagsalita. “Naku, wala na sa akin iyon. Tsaka medyo napasobra talaga ang luto ko.”
“Anyway, it tastes fine.”
“Thank you.”
Nang marating nila ang apartment ay niyaya niya itong pumasok ng gate. Sumunod ito sa kaniya. Wala na si Mina sa labas. Wala na ring iniihaw kaya tiyak niyang tapos na ito. Dumiretso siya sa maliit na iñata ng apartment. “Upo muna po kayo habang inihahanda namin. Sabi kasi sa amin ay by ten pa kukunin.”
“It’s 9:45,” he stated as if that’s enough explanation.
Napipilan naman siya. Nasanay kasi siya sa Filipino time. “Mabilis na lang ito,” nakangiwing aniya.
“Sure. I’m willing to wait.”
Pumasok siya sa loob at tinulungan na si Mina na naglalagay nang cling wrap sa mga tray.
“Sinong kasama mo?” bulong ni Mina sa kaniya nang makalapit.
“Si hubby k—“
“Ano?”
“Mali pala, si Sir Macoy. Akalain mong siya pala ang pi-pick up ng order nila,” bulong niya kahit na ang totoo ay pinipigilan niya ang pagtili.
“Ahh. Mabuti pa ay tulungan mo akong magbalot at nang madala niya na.”
“Alukin ko kaya muna siya ng juice tsaka—“
“Kukuha ng order iyon, Sandy, hindi tatambay.”
“Oo na. Heto na nga po magbabalot na.” Napilitan siyang kumilos. Nang maayos lahat ng anim na tray ay iñatas nila iyon sa isang malaking eco bag at magkatulong na dinala palabas. Nakatayo na ang lalaki nang madatnan nila. Maagap na kinuha nito sa kanila ang bag.
“Ilang tray po iyan kaya siguradong mabigat. Kakayanin ninyo po ba?” tanong niya na hindi man lang napapalis ang malapad na ngiti sa mukha.
“Yeah,” simpleng tugon nito. “Sabi ni Miss Leah ay nag-send na siya ng payment.”
“Opo. Natanggap ko na at nagpadala na din po ako ng receipt,” si Mina ang nagsalita.
“I gotta go.” Nagpaalam na si Macoy bago tumalikod. Nagbabalak pa siyang sumunod kaso baka makahalata si Mina. Wala siyang nagawa kundi pagmasdan palayo si Macoy. Ngunit sa loob-loob niya ay naroon ang pangarap na balang-araw, maglakad man ito palayo sa kaniya ay babalik pa rin ito sa kaniya.