LAST PART

1734 Words
NASANAY si Sandy na lahat ng bagay na magustuhan niya ay pinaghihirapan niya pero hindi siya sanay na siya ang pinu-pursue. At iyon ang ipinararanas sa kaniya ni Macoy ngayon. Tuwing umaga pagkatapos nitong mag-jogging ay dumadaan sa kanila para magdala ng tinapay. Basta hindi maaga ang pasok nito ay kasabay nila itong mag-almusal. At kung minsan pa ay kasama rin nila sa pagtitinda. Mas lumakas ang ihawan nila dahil malakas mag-aya si Macoy sa mga kasamahan na sa kanila na mag-order. Last week ay nagsimula na siya sa trabaho. Medyo hassle dahil maghapon siyang wala habang si Mina ay tsaka lang nakakapaglabas ng paninda pagkalabas nito. Gayunman, habang kaya pa ay pinagtutulungan nila sa gabi ang gawain. Hatid-sundo rin siya ni Macoy. Kung hindi man siya masundo ay todo update ito sa kaniya kung nasaan na siya, kung sakay na ba, at kung kumusta siya. Hindi siya sanay noong una pero magiging choosy pa ba siya? Heller si Macoy lang kaya iyon. Si Macoy na hanggang sa huli ay hindi boyfriend niya kundi parang personal bodyguard niya. “Where are you?” bungad agad kay Sandy ni Macoy. “May binili lang ako. Wait lang.” “Saan?” “Sa gulayan.” Walang nakuhang sagot si Sandy kaya tiningnan niya kung buhay pa ba ang tawag. “Macoy?” “Turn around, Sandy.” Lumingon siya at awtomatikong napangiti nang makitang palapit si Macoy. Naka-shirt itong black V-neck, walking shorts, at white slippers. Para itong modelo habang naglalakad palapit sa kaniya. At kung makatingin ito ay para bang siya lang ang pinakamagandang babae sa gulayan. “Talagang sumunod ka.” “Alam mo namang palagi kitang susunduin.” “Ewan ba at hindi na ako nasanay sa mga ginagawa mo.” “Get used to it, honey,” he murmured as he bestowed a kiss on her forehead. “Love you.” “Love you, too.” Ang ending, hindi maiwasan ang PDA kapag magkasama sila. Walang pakialam si Macoy sa paligid nito at mas lalo siya kapag kasama ito. Sa gwapo ng boyfriend niya, mamatay sila sa inggit. Pero ang sarap din sa feeling na may gaya ni Macoy sa buhay niya. Maalaga ito at overprotective minsan. Hindi niya naman masisisi ito dahil nalaman nila na si Matet ang nagbayad kay Kuya Arning na takutin siya. Ayaw man ni Arning noong una pero bukod sa pinagbantaan ito ni Matet na gagawa ng kung ano-anong kwento at nasilaw din sa salapi. Ito din ang nag-utos sa kapatid na si Louie na takutin siya ng gabing iyon. Nagbabalak silang kasuhan ito pero sa huli pinatawad na nila lalo pa’t ipinasok muna si Louie sa rehab dahil sa pagkalulong sa alak. Nagsara na rin sina Aling Bebang ng ihawan at nag-focus sa sari-sari store ng ina nito. Hindi madali ang bawat araw pero kinakaya niya at palagi silang masaya. “KANINA ka pa hindi mapakali diyan,” puna ni Macoy sa kaniya. Sumulyap ito sa kaniya bago bumalik sa daan ang tingin. Kasalukuyan itong nagmamaneho. Gwapong-gwapo ito sa suot na white polo-shirt na pinatungan ng black jacket, denim pants at sneakers. “Kinakabahan ako,” bulong niya sabay ayos ng dress na suot. “Bakit ka ba naman kasi kinakabahan?” tanong nito habang patuloy sa pagmamaneho. “You look beautiful.” Nilingon niya ito. “Paano ako hindi kakabahan ay ime-meet ko ang mga magulang mo?” Ngumiti ito. “Na magiging magulang mo na din.” Hindi niya inaasahan ang sinabi nito kaya naman napipilan siya. “Hindi ko na lang sila magulang, Sandy. Ngayong tayo na, magiging magulang mo na din sila.” “Pero magugustuhan kaya nila ako?” Itinigil nito sa tabi ang kotse bago siya hinarap. Hinawakan nito ang pisngi niya. “Magugustuhan ka nila. Promise.” Tumango siya at ipinalagay ang loob. Hindi nga nagkamali si Macoy. Pagkapasok pa lang nila ng bahay ng mga ito ay sinalubong na sila ng ina nito. Napakaganda pa ng ina nito na palaging nakangiti. Ang ama nito ay parang si Macoy pero hindi naman kasisilungan. “Kumain ka lang nang kumain, iha. Hinanda ko talaga iyan para sa’yo,” magiliw na saad ng ina nito. Napangiwi siya nang makita kung gaano karami ang hinanda ng ina ni Macoy. “Salamat, Ti—“ “Mama na lang.” “At papa sa akin,” ani ng ama nito. Nang sulyapan niya si Macoy ay nakangiti ito na para bang sinasabi na ‘I told you so.’ “So, may date na ba ang kasal?” tanong ng ina nito dahilan para mapatigil sa ere ang kamay niyang akmang susubo. “Po?” “Maraming nakwento si Macoy sa amin tungkol sa’yo. So, bilang your new mom, kami na ang bahalang mag-asikaso ng lahat sa kasal ninyo?” dugtong pa ng ina nito. “Mama,” tawag ni Macoy dito. “Sasama ako sa inyo ng kaibigan mo sa paghahanap ng traje d—“ “Mam—“ “Mabuti pa, honey ay hayaan mo muna silang mag-usap tungkol sa bagay na iyan. Ginugulat mo masiyado si Sandy…” paalala dito ng ama ni Macoy. “Sorry, dear. Sige. Kumain ka muna.” Hindi pa rin nawawala ang excitement sa mga mata ng mama ni Macoy. Nakangiting tumango siya pagkaraang binigyan siya ng tingin ni Macoy na mag-uusap sila. “NABIBILISAN ka ba?” tanong ni Macoy nang mapag-isa sila. “Medyo o hindi lang ako sanay. Alam mo naman kung anong pinagmulan ko.” “Sandy, you deserve all of this…” Tiningala ni Sandy ang kasintahan. “Wala pang isang taon tayo, Macoy. Hindi mo pa ako lubusang kilala.” “May itinatago ka ba sa akin?” Umiling siya. “Malay mo may criminal record pala ako,” pagbibiro niya. Inikutan siya nito ng mata. “Try harder to make excuses, baby.” “Ang cute mo pala kapag nagro-roll ng eyes,” natatawa niyang wika. “Natutuwa ka naman,” pakli ni Macoy. “Slight lang na—Hey!” Napalitan ng irit ang pagbibiro niya nang buhatin siya nito. “Macoy, baka may magkita sa atin.” “I don’t care. It’s our house,” anito habang naglalakad patungo sa rocking chair. Nasa veranda sila at sumasagap ng sariwang hangin pero sa nangyayari ay iba ang ganap. Umupo ito sa rocking chair at kinandong siya. “Macoy…” bulong niya habang nakatingala dito. “Be at ease, baby. You took a lot of pressure before. Idinadaan mo lang sa tawa ang lahat noon. This time, let me take all the pressure. Kalma ka lang diyan.” Huminga siya nang malalim bago tumango. Humilig siya sa dibdib nito, ipinikit ang mga mata at inalis lahat ng isipin. Pinakinggan niya ang ritmo ng t***k ng puso nito. Ngayon lang siya nakadama ng ganitong security. Tumatawa man siya pero may pagkakataon na natatakot siya sa pagdating ng umaga. Kakayanin ba niya? But this time, naniniwala siyang kakayanin niya na. Hindi siya nag-iisa. She had Mina and now, she had Macoy. “I will always love you, Sandy…” bulong ni Macoy kasabay nang paggalaw nito sa kamay niya. Bago pa maproseso ni Sandy ang lahat ay naisuot na nito ang singsing sa palasingsingan niya. Akmang kakalas siya dito pero humigpit ang yakap nito sa kaniya. “I’ll wait even it takes years. Maghihintay ako. Basta ngayon alam ko at naniniwala akong ikaw lang ang babae para sa akin. Wala ng iba, Sandy. Mahal kita at mas mamahalin pa kita…” Hindi na siya nag-abalang kumalas pa. Sa halip hinayaan niya ang sariling magpakalunoy sa sandaling iyon. Hindi siya nag-aalangan na pakasalan si Macoy. Gusto niya lang pag-isipan nito ang lahat. Ngunit kung ganito ito kapursigido ay hindi na siya tatanggi pa. Iginalaw niya ang isang braso at iniyakap dito habang ang isang kamay ay hinuli ang kamay nito at pinaghugpong iyon. “I love you, too, Macoy. Handa akong magpakasal sa’yo kahit saan…” Dama niya ang paninigas nito ng katawan bago iyon muling na-relax. “Really?” Tumango siya. “Pero may isang request lang ako…” “Say it, baby…” “Hintayin nating maka-graduate si Mina. Nagdagdag lang siya ng ilang units pero after few months, okay na.” “Kahit hintayin pa natin siyang magkatrabaho, gagawin natin… Basta wala ng bawian.” Tiningala niya ito. “Wala na…” And they sealed it with a kiss. TINUPAD nina Sandy at Macoy ang pangako na hihintaying maka-graduate si Mina bago ianunsyo na magpapakasal sila. Sabay pa silang kumuha ni Mina ng Civil Service Examination at sa dagdag na blessings ay nakapasa silang dalawa. Habang naghihintay ay nakaipon si Sandy pero naging mapilit ang mga magulang ni Macoy na sila ang mag-asikaso ng kasal. Itinago na lang niya ang pera as savings nila ni Macoy. Three months after ng graduation ni Mina ay ikinasal sina Sandy at Macoy sa simbahan. Siyempre, maid of honor niya ang kaibigan. Lalaban ito ng digmaan kapag hindi ito ang kinuha niyang maid of honor at ninang ng future first baby nila. Tuwing sumasapit ang hapon ay magkatabing nakaupo sina Sandy at Macoy sa may porch. Nakadapa si Shannon, ang first baby nila sa tiyan ni Macoy. Nakapulupot ang braso nito sa may balikat niya. Tahimik sila habang pinapanood ang paglubog ng araw. “Iniisip ko, ano kaya ako kung hindi kita nakilala…” Tiningala ni Sandy ang asawa. “Suplado ka pa rin. Charrr lang.” “Hindi na ba ako suplado ngayon?” “Hmmm… Konti na lang. Pero mas okay kung sa ibang babae ay suplado ka pero sa akin ay hindi.” Ngumiti ito at hinalikan ang tungki ng ilong niya. “Ikaw talaga, ang dami mong alam.” “Hindi ba’t ganoon naman dapat talaga?” “Don’t know. All I know is you are the only woman I love. Kayo lang ni Shannon ang mahal ko.” Bumungisngis siya at niyakap ito kasama ang anak nila. Napakasaya ni Sandy. Natupad na ang pangarap niyang magkaroon ng pamilya at makuha ang puso ng lalaking dati ay sa malayo niya lang tinatanaw. “Ikaw lang din ang lalaking minahal ko at mamahalin ko. Maraming salamat sa lahat, Macoy.” Hindi niya na hinitay pa itong magsalita at hinalikan niya na sa labi. Wala pang ilang sandali at tinugon nito iyon ng buong puso. ~~~~ THE END ~~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD