EPISODE1
Ang kwentong aking ilalahad ay patungkol ito sa totoong buhay na ako mismo sa sarili ko ay mapapatunayan ko ito,in short my LIFE.Tawagin nyo nalang po akong Jena Castillo,tubong probinya ng kaifugawan sa bayan ng Bayombong sa NV(nueva vizcaya).Hindi ko magawang aminin sa sarili ko na bawat pagkakamali ng isang tao ay may kapalit na pagdurusa.Umpisahan ko ang kwento ko nung dalaga pa ako.
Nagtatrabaho pa ako noon bilang kasambahay dito sa SF(Pampanga),masaya ang buhay ko dahil sa tingin ko parang buo uli ang pamilya ko.Kung di nyo natatanong panganay kase ako,wala na akong mga magulang, I mean is ang mama ko is sumakabilang buhay na sya at Papa ko naman ay may kinakasama na syang iba since buhay pa ang mama ko,kaya nung nag graduate ako ng high school eto ako ngayon nagtrabaho na ako agad,hindi na ako nag-aral pa ng kolehiyo,saka kahit gustuhin ko man pang mag aral wala naman akong magagawa kase ever since hindi naman hila ako pinag-aral pa ng mga magulang ko.Anim kami magkakapatid,panganay ako. Kaya ako nagtrabaho dahil gusto kpng ipagpatuloy ang pag aaral pa ng mga kapatid ko,yung pangalawa kase magtatapos na rin,yung pangatlo 2nd year na sya.hindi namin kapiling ang dalawa ko pang kapatid dahil naiwan sila sa lola namin sa Samar,bale yung bunso ang naiuwi namin.
Habang nagtatrabaho ako bilang katulong o kasambahay,halos all around yata ang trabaho ko kase may bata pa akong inaalagaan,baby pa sya mga 2 months palang pinagkakatiwala na nila sakin ang bata,na sya namang gustong gusto ko.Mahigit 1 year na ang kakakalipas nung magpasya akong magtrabaho sa mga factories bilang factory worker,noong time na yun nagapsya akong pumasok sa mga CLAN clan na yan,uso pa kase yun noon tapos may geb geb pa nga eh,Doon ko nakilala ang taong magpapabago sa aking buhay.
Nung nagmeet kami,itago nalang natin ang pangalan nya bilang Jay. First time meet namin sa Bus ,pauwi na ako noon sa probinsya namin sa NV(nueva vizcaya)ay sya naman ang meet namin,hindi naman pwedeng magtambay kami sa kung saan saan nalang kaya nagpasya nalang akong iuwi nalang o isama nalang sa pag uwi ko. Nag-usap kami na hindi namin sasabihing kami na....kundi anak sya ng titirhan ko pagbalik ko ng Pampanga para magwork sa mga factories.Sumang ayon naman ito at hindi na nag alinlangan pa.
Nung nakauwi na kami sa aking probinsya wala kaming nadatnan sa bahay na aming tutuluyan kaya nagpasya muna kaming magpahinga.Sa pag-uwi kong iyong sa bahay parang nanunbalik ang lahat ng sakit na nararamdaman ko kase naaalala ko na naman ang mama ko,ang mga ginawa nila sa mama ko,sa nangyari sa amin ng bf ko non,naging magulo ang isip ko noon nong kasama ko si Jay sa Nueva Vizcaya,kaya naman nagpasya kaming magpasyal pasyal o lakad lakad na muna hanggang sa makarating kami sa isang tindahan,bumili ako ng sigarilyo at alak,redhorse pa nga yun inilagay namin yun sa plastic para di halata na alak yun at umuwi na kami kung saan kami tumutuloy.
Nagkwentuhan kami ni Jay about sa gagawin ko sa pagbalik namin sa pampanga,ang sabi nya sa akin na pansamantala daw sa bahay na muna sila ako tutuloy habang hindi pa ako nun makahanap ng trabaho,Usapan namin boyfriend girlfriend muna kami pero kinain ko ang sinabi ko dahil sa bahay palang na aming tinutuluyan ay may nangyari na sa aming dalawa dala ng lasing na ako noon.Tinanggap ko o tinanggap namin ang lahat ng ginawa namin,ni halos nga hindi pa nga pala kami nagkakakilala ng lubusan,first meeting pa nga lang kami tapos naibigay ko o naisuko ko na si Bataan,WHAT THE HELL! sobra akong nagpadala sa tukso!
Ang ginawa ko pinakilala ko siya sa aking Lolo na kaibigan ko lang sya,anak sya ng tutuluyan ko sa Pampanga kako,pero parang hindi naman sila naniwala at natanong pa sa akin na sya ba ang manliligaw ko....hahaha galing naman nila hindi sila naniwala na totoo naman kase.Hindi nalang ako kumibo pa at nagsalita, at least alam ko na alam nila kung saan man ako magpunta na magiging ok ako at hindi sila mag aalala pa sa akin.
Pagkalipas ng dalawang araw,umuwi na kami uli sa Pampanga sa bahay nila mismo.Nameet ko ang magulang nya, I mean yung mama nya,wala syang tatay,nanay lang ang nagtataguyod sa kanya. Sa kabilang banda dahil hindi ko gaano naiintindihan ang mga salita nila. Nagbubulong bulungan ang mga kapit bahay nila at nagtitinginan na umiiling iling pa sila. Hindi ko mawari kung ano at bakit ganon nalang ang istilo ng mga kapit bahay nila....TO BE CONTINUE....
Sana supportahan nyo ang aking kwento.God Bless to all readers.