EPISODE2

1156 Words
Eto na nga! Para pa akong nauupos na kandila kung pakatitigan nila ako,alam nyo ba kung bakit?Alam ng lahat ang ugaling meron ang mag ina na sya naman kabaliktaran ng hindi ko pagkilala ng lubusan sa kanya. Sa una daton or dating ko sa kanila malugod naman akong tinanggap ng mama ni Jay, opo mabait,masipag at maalalahanin sya talaga. Nakita ng mama ni Jay kung paano ako pakatitigan ng mga tao o kapit bahay nila,habang nakikiisyoso ang mama nya ay dya namang pasok at tuloy na kaming nagpahinga sa loob ng bahay nila,nagtungo ako sa loob ng banyo upang maglinis muna ng katawan dahil mainit at malagkit na pawis ang nararamdaman kong pumepekat sa aking katawan kung baga sobrang lagkit ko.. Yung mama ni Jay na tawagin nating Loulou,ang kanyang pinagkakaabalahan ay ang pagtitinda at paglalakolako ng turon,lumpiang gulay at ang special tea nya ay ang lumpiang shanghai. Kinahapunan mga after lunch siguro yon....lumabas kami ni Jay upang tumulong sa nanay nya,bale naisipan kong tumulong muna habang hindi muna ako nakakahanap ng factories na pwede ko pasukan. Habang naglalakad kami ni Jay patungong pwesto kung saan sya nagtitinda,nagbulungan ang mga magkakapit bahay,yung isa hindi siguro nakatiis bigla nalang nagtanong na ako raw ba yung mapapangasawa ni jv,napayuko ako at hindi umimik,hinayaan ko lang si Jay na magsabi kung ano ang napag-usapan naming dalawa. Hindi daw sila naniniwala kay Jay dahil ang sabi daw ng mama nya ay''dumating na ang mapapangasawa ng anak ko''.WHAT? Para akong tanga lang na nakikinig at nagugulat bakit ganon nalang ang pagkakasabi nya na yon. Hindi ko mawari kung tama ba ang aking desisyon ko,agad agad akong nabalisa at parang nagsisisi sa pagpunta ko sa kanila. Sa unang linggo ng pagtira ko kila Jay,ok naman ang lahat,wala pa naman pinagbabago ang lahat,mabait pa rin naman at maalaga ang ina ni Jay sa amin. Sa tuwing gigising kami ng umaga si Jay halos hindi na namin nadadatnan na nasa loob ng bahay ang nanay nya dahil maaga palang umaalis na ito upang maglako lako ng mga paninda nya,sa umaga kase naglalako lako sya dahil sa umaga ang kalakasan ng tinda nya,mabili kase ang paninda nya nagpapatulong pa nga sya sa mga batang nakakasalubong nya minsan,minsan dahil kaming dalawa lang ang naiiwan sa bahay dahil din wala ako kakilala napag isip isip ko ma sa loob nalang muna ako at hayaang i tour man lang sana ako ni jay sa lugar nila para naman at least kahit papano mawala man lang ang hiya ko dahil unang salta ko palang,sa hapon mga bandang ales tresna ganyan tumulong muna kami sa pagtitinda ng mga paninda ng nanay nya. Hanggang sa nangailangan na ng pang tuition fee ang kapatid kong nag aaral pa,nagraduate na kase yung isa at yung pangatlo namin yun nalang ang iniintindi ko kase 3rd year palang sya. Hindi ko natiis ang lahat na halos mamroblema na ako dahil almost mag two two weeks na ako sakanila pero hindi pa ako nakapasok sa factories na pinangako nya sakin although hindi ko kase alam ang pasikot sikot kaya hindi alam kung saan ako mag uumpisa,halos ubos na lahat ng pera kong sinahod sa huli kong trabaho bilang maid. Sabi ng ng iba hindi daw ako basta basta makakapasok ng work hangga't wala pa ako experience. Nawalan ako ng pag asa dahil yun nalang ang pinaka alas ko kaya ako pumayag na umalis sa trabaho at sumama nalang kay Jay,naging aligaga ako at di mapakali dahil ang meron nalang ako ay ang cp kong bili ko pa sa dati kong amo,naiisip kong ibenta naang ito upang meron akong maipadala sa kaaptid ko sa probinsya. Nang hindi ako makatiis ako na mismo nagpasya na maghanap ng pansamantalang trabaho habang naghihintay ako ng signal upang makapasok ako ng mga factories,sa maghapong paghahanap ko ng trabaho ay nakahanap ako ng maappasukan bilang sales lady ng mga jewelry. Nagtyaga ako kahit sa kalagitnaan na ng init sige pa rin ako kahit alam ko sa sarili ko na wala akong kaalam alam saapgtitinda. Almost 2weeks na ako sa work,arawan ang sahuran pero pinakiusap ko nlaang sa boss ko na pag nangailangan ako dun ko nalang kukunin at the same time medyo malaki laki rin ang maiipon ko if ever. Minsan isang araw masama ang pakiramdam ko pero di ko ito pinansin dahil gusto kong pumasok sayang ang araw. Sa trabaho ko,siguro mga manananghalian nalang kami bigla nalang ako nahilo at biglang nagdilim ang paningin ko,sabi ko sa sarili ko na baka pagod lang ako at mainit lang ang pnahon. Pinagpahinga muna nila ako dahil namumutla ako ng hindi ko nga alam ang kadahilanan,wala naman ako lagnat,wala din ako sipon kaya naisip ko na baka sa init lang. Pinauwi muna ako ng aking amo sabi nya na bayad ang araw ko basta pahinga lang ako kaya naman pumayag na ako. Ibinigay na rin ang sahod kong naipon baka daw mangailangan ako. Nagpasundo ako kay jay,dumating sya kaagad at nakabike siya,so bale umangkas ako pauwi mula bayan hanggang sa bahay nila na aking tinutuluyan. Kinuwento ko ang lahat ng nangyari sakin sa kanila,nag alala aila sa akin na baka raw bumalik uli ang sakit ko (anyway di ko pa pala nababanggit sa inyo na may sakit kase ako sa puso,aince bata pa ako nun,13 yrs old ganyan,RHD ang sakit ko raumatic heart desease.). Baka daw na over patig ako sa pagtatrabaho kase minsan nakakalimutan kong kumain. Sa sobrang pag alala nila nagpasya silang dalhin na ako sa clinic. Hindi ko malaman kung ano ang nangyayari sakin,halos di na ako makahinga at medyo naduduwal pa ako at nahihilo. Para akong napag iwanan sa ere nung malaman ko ang result ng test sakin,pinabili kase nila ako ng pt(pregnacy test). Halos nawala ako sa sarili ko at di malaman ang gagawin nung sabihan ako ng doktor na ''congratulation your 3 weeks pregnant.'' Ang bilis naman ng pangyayari halos di ko na mapigilan nag sarili ko na maiyak samantalang ang mag ina ay tuwang tuwa,sa wakas daw magkaka apo na sya. Hindi ko tanggap ang nangyari sakin, buntis ako?isang araw lang naman nung time na may nangyari sa amin ni Jay,agadagad? Yan nalang lagi kong bukang bibig, ang bilis naman,paano na ang kapatid ko paano na sya? Walang araw na hindi ako umiyak,walang gabi na hindi mugto ang mata ko dahil simula nung time na yun tumigil na ako sa pagtatrabaho. Lagi nalang ako nakakulong ng bahay,nag iisip kung paano na ako,paano na ang kapatid kong umaasa sa akin. Nakitawag ako at sabihin sana kung ano ang nangyayari sakin peron hindi ko nasabi ang lahat,ang huling sabi ko nalang sa kanila ay ''sorry sa lahat,hindi ko sinsadya,patawarin nyo ako,patawarin nyo ako''. Yan nalang ang mga katagang nasabi ko at simula noon hindi na ako nagparamdam sa pamilya ko,na yun naman ang hinding hindi ko makakalimutan.Sa sobrang hiya at takot. ......TO BE CONTINUE..... WALANG UNANG SISI Marami ang mga bagay na pinagsisisihan Dahil nakapagdesisyon ng ura-urada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD