Wala na akong magawa,nakuha ko nang isiping inuman ito ng mga herbal na pampalaglag,inuman ko na rin ito ng cortal. Marami ang nagalit sa akin dahil sa pinagnagagawa ko sa sarili ko,nakalimutan ko na ang lahat kahit pagkatao ko hindi ko na kilala noon,nandyan ng lagi na kaming nag aaway ni Jay.
Sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin kahit na natatakot man dahil sa bandang huli mga kapatid ko pa rin iniisip ko.''nasira na lahat ng pangarap ko!nasira na ang mga pangako ko sa mga kapatid ko!''hindi ko lubos maisip bakit ganon nalang kabilis,dito ko na lang naisip na nasa huli pala ang sisi.
Marami akong natutunan sa totoo lang..sa bilis ng pagsasama namin ni Jay ay dun ko lamang napagtanto ang lahat, na kaya ako nabubuhay,na kaya ako ngayon nandito pa ako sa mundo,kaya ko nararanasan ang lahat dahil may dahilan ang lahat.
Nagawa ko ng tanggapin ang lahat ng nangyari sakin na kahit ang kapalit ng lahat ng ito ay kutob kong pagdurusa. Paano ko sasabihing pagdurusa ang aking nasabi dahil kami ni jay ay napakabata pa upang sumuong sa pagpapmilya. Ilan taon palang sya 15 yrs old,ako naman is 17 yrs old. Diba mga bata pa kami. Wala akong pamilyang matakbuhay in case of emergency,dahil wala ako kamag anak dito NI ISA. Samantalang si Jay kilalang kilala sya at may ina na magtatanggol sa kanya at may mag aantabay sa kanya kung mahihirapan sya. Ako wala as in wala.
Kahit masakit tinanggap ko nalang ang lahat,''pipilitin kong kakalimutan muna ang pamilya ko sa probinsya namin,dahil alam ko naman na hindi naman mapapabayaan ang kapatid ko sa piling ng mga magulang ng mama ko''. Hindi na nga ako nagpaparamdam sa kanila kahit hindi ko sila makalimutan at hinanakit parin para sa sarili ko ang nararamdaman ko ngunit pinilit kong magpakatatag para sa baby namin ni jay. Sumama ang loob ko sa mag ina dahil ni hindi man lang nila ako madamayan sa oras na lumuluha ako,ngayon ko na nalalaman unti unti ang tunay nilang kulay.
Sa araw ng aking paglaba ng mga damit namin,nung ako ay magsasampay na,may isang lalaki na lumapit sa akin,at nagtanong kung may trabaho daw ba ako,sabi ko tumigil ma po ako dahil buntis ako at hirap ako sa init. Nabanggit nya sakin na gusto daw nya ako tulungan kahit sa maliit na bagay lang,magtatrabaho daw muna ako sa kanila pansamantala habang marami silang order,ang pinapasukan kong trabaho ay aeroplane display.'' Magaganda at pang exporting talaga ang lahat ng ginagawa namin''. Natuto ako ng natuto,pinagpursigihan ko pang makuha lahat ng technique upang mapadali ang trabaho at makakuha uli ng iba pang orders para tuloy tuloy ang trabaho namin. 180/day noon ang sahod ko hanggang sa tinaasan ako ng 250/day na. Lumalaki ng lumalaki na ang pinagbubuntis ko,hindi ko namalayan na 6 months na pala ang nakakalipas,3 months nalang manganganak na ako. Kinakabahan ako pero pinarerelax ko parin kahit papano ang sarili ko dahil kung hindi ko gagawin ako ang kawawa. Ang tiyan ko ay hindi halatado,pantay s**o nga ei,parang hindi man nga daw ako buntis. Wow ibig sabihin sexy pa rin ako,hehehe. Pinapatawag na ako ng mama ni Jay ng mama na rin,kase nga daw magkakababy na kami.... Kaya pinapakilala na nya akong manugang nya at ako naman biyanan ko na raw,galing!kahit di pa pala kayo kasal noh?.
Pagkalipas pa ng ilang linggo pa,heto na at pinakita na nila ang tunay nilang ugali sa akin,akala ko istrikto lang talaga sakin dahin buntis nga ako,peron hindi ko talaga lubos maisip na bakit ganyan na ang ugali nila. Si Jay ay parati ng wala sa bahay,lagi ng nasa barkada nya at ang nanay naman nya ay halos di na kami magkita...hapon nalang siguro. Napag alaman ko na habang nasa trabaho ako ay sya namang pagwawaldas ni Jay at hindi pa nahiya.
Sa pagtatrabaho ko ay halos mangiyak ngiyak ako sa galit kapag naaalala ko tuwing sahod ko winawaldas lang ni Jay ang perang pinaghirapan ko na para sana sa baby na dinadala ko,kahit hindi ko ipahalata ang lahat,halatado pa rin naman na nagpipigil ako ng luha,dahil sa namumula ang ilong at gilid ng mata ko,sino ba naman ang hindi makahalata na mangingiyak ngiyak na ako kase naman para akong tanga. Sabi ng amo ko sa akin.''hindi pa yan ang tunay nilang ugali Jena,marami ka pang di nalalaman tungkol sa kanila. Hayaan ko nalang na ikaw mismo ang makatuklas para maintindihan mo anak,kami dito naaawa sa kalagayan mo,wala naman kami magagawa nandyan ka na,pilitin mo man ibalik anak ang nakaraan hindi mo na ito maibabalik''sabi sakin ng amo ko.''nawa'y matagalan mo ang ugaling meron sila,hangad ko ang kaligayahan mo Jena,bata pa ang asawa mo. Spoiled ang asawa mo sa nanay nya kahit anong sabihin nya sya ang nasusunod at hindi ang nanay.''Kaya pa ganon nalang...ganon nalang minsan kakitid ang utak ni jay,hindi nya ako naiintindihan,hindi nya ako nauunawaan dahil ganon pala sya talaga.
Dumating na ang araw na ipapanganak ko na ang baby. Naging excited silang mag ina,sa panganganak ko ilang araw pa kami sa hospital dahil pinalaki pa ng pinalaki ang tiyan ko dahil maliit daw,sakto naman ang bilang ko. Hirap ako sa lahat lalo na sa labor,mugto ang mata,wala ako makapitan,wala ako karamay,''oo andito nga sila sa tabi ko pero parang wala lang ako dahil wala naman sila magagawa. Halos isang linggo na kami at sa wakas may nakapansin na doctor sa akin at sinabing kailangan na ko na raw ilabas ang bata dahil malalason na raw sa loob ng tiyan ko,dalidali akong dinala sa emergency kung saan ang panganakan. Doon ay nakita kong parang baboy lahat ng nanganganak syempre kasama ako dun dahil manganganak rin ako. Sa wakas ako na ang nasalang,para akong lumulutang sa ere di ko alam kung anong gagawin sa akin,syempre first time ko,di ko mawari kung tama ba ginagawa ko dahil ang sabi buka ka na at iri ka ng hangga't kaya mo,yung parang umiiri ka sa banyo. OMG! Natigilan lang ako ng marinig ko ang komadrona na sabi''parang baby naman ang p*p* mo...'',nagawa pa nilang magbiro,masama na nga pakiramdam mo tapos ganon pa maririnig mo,haist! ''Isang iri nalang,nakalabas na ulo ng baby mo,yung mahaba! ''.Oh s**t! Halos di na ako makahinga pero thank God successful ang lahat,lumabas na ang baby at lalaki ito,para akong nabunutan ng tinik,ang gaan ng pakiramdam ko. Nakita ko ang baby ko,ang lusog lusog,ang puti puti,kamukhang kamukha ko. Tulo ang luha ko ng pagkakita ko sa baby ko sa wakas meron na akong paghuhugutang ng lakas.Pagkatapos ang lahat hindi ko na alam ang nangyari,inilabas na ako at naramdaman ko nalang na binuhat nila ako at inilagay sa kama na aking matutulugan at pagpapahingaan. Kitang kita ko si Jay at ang nanay nya na abot tainga ang ngiti na akala mo'y nakakita sila ng angel na bumaba sa lupa.AFTER 2days umuwi na kami sa bahay at dito na uli mag uumpisa ng aking kalbaryo sa buhay....
.....TO BE CONTINUE.....
Hindi lahat ng pagkakataon ay lungkot ang madarama
May pagkakataon na bigla ka nalang sasaya.