EPISODE4

1420 Words
Naging excited lahat sa pag-uwi ko lalong lalo na ang mag-ina ko,syempre ako rin. Sa unang araw ko sa bahay na kasama na ang baby namin,naging maayos naman ang apkikitungo ng Jay (asawa ko na kase may anak na kami,hindi man kami kasal peroito na rin kase ang turingan ng magkasintahan na may anak). Tuwang tuwa ang asawa ko na tinitigan ang baby ang ipinangalan namin sa kanya ay Euj. Maputi ang baby,mataba. Kaya naman hindi mo mapigilan na pang gigigilan tuwing makikita mo ito. Hindi rin sya iyakin. Sa paglipas ng panahon almost one week na ako,kaya ko na ang lahat kahit sabihin nilang hindi pa ako pwedeng maggagagalaw galaw dahil mabibinat ako.''kaya ko na bhey wag nyo na ako alalahanin,malakas na ako. Kailangan ko ng magtrabaho uli dahil kailangan ng anak mo ng gatas,hindi naman ako pwedeng magpa breastfeed'' bhey kase tawagan namin,tuloy tuloy kong saad sa asawa ko.'' Alam mong wala ka pang isang buwan Jena gusto mo bang mabaliw ka o kaya mabinat ka sa pinaggagagawa mo? Hay naku! Akala mo naman kase ganoon lang kadali...'' paniningit ng byanan ko (biyanan na rin turing ko kase asawa na turing ko sa anak nya) na kararating lang galing sa pagtitinda. Back to work na naman sya,''hindi mo muna kailangang magtrabaho,ang baba ng sahod mo kulang pang panggamot mo pag nagkasakit ka!''pagsisimangot nyang tugon sabay baling sa ginagawa ng asawa ko. ''Jay... akin na nga ang bata,dalhin mo sakin.'' Dinala naman ng asawa ko si Euj at hinalik halikan,''kapogi naman ng apo ko!bait bait...dalian mo lumaki apong ha para pasyal pasyal tayo no apong'' habang wiling wili sa apo nyang kausap ay sya naman ang higa uli ng asawa ko.''Anong gagawin mo mahihiga ka na naman bhey? Tulungan mo kaya si mama magtinda para naman di tayo pabigat. ''Sita ko sa kanya ''Anong pabigat sinasabi mo? Humiga lang ako uli ganyan agad sinasabi mo?''pangangatwiran nya sa sinabi ko. ''Eh ano naman gagawin mo? Tingnan mo ni magluto man lang di ka nga marunong,ni maghugas ng pinggan sya pa gumagawa,ano nalang ginagawa mo? Kaya nga gusto ko ng bumalik sa trabaho ko para man lang pang gatas ng anak mo hindi na natin ipaubliga kay mama'' Ani kong galit na at naiinis na sa kanya na parang wala lang sa kanya ang mga sinabi ko't sya pa ang galit. ''Ang dami mong alam,p**a ka!'' at yun ay umalis na sya't lumabas ng bahay. Sa dami dami namang sabihin yung pang mura ang narinig ko sa kanya,ayaw na ayaw kong minumura ako,at pinagsasabihan ako ng di maganda kaya naman lumuluha nalang ako,''bakit naman ganito,bakit naman ganon nalang kadaling magbitaw ng mga salitang di kanaisnais? Eto na ba kapalaran ko? Dios ko tulungan mo naman ako at huwag mo ako pababayaan''yan at tuluyan ng bumuhos ang luha ko. Tulog ang bata kaya naman bumangon ako at lumabas papuntang kusina upang maglinis ng feeding bottle ng bata,nagpakulo ako ng tubig habang nililinis ko ito. Nang matapos ay dumeretso ako sa may lamesa at may nakatakip, doon ay kumain ako upang lumakas ako ng mabilis at makabawi man lang. Dumating uli ang asawa ko.'' San ka galing?'' yan ang una kong naitanong sa kanya. ''Doon sa kaibigan ko,bakit?''sagot nya sa tanong ko.'' Kumain ka na ba? Lika kain na tayo bhey,sakto ssabayan mo na ako?'' pagyayaya ko sa kanya upang kumain. Hindi na nagdalawang isip at kumain na rin sumabay sya sa akin,wala kaming imik na kumakain hanggang sa matapos na kami. Dumeretso sya sa higaan at kinausap usap ang baby. Hindi ko na pinakinggan ang lahat pero natutuwa ako kase at least alam ko na mahal nya ang bata,laking pasalamat ko nalang dahil walang nangyari sa baby ng pinapalaglag ko sya. Naging makapit ang baby,''siguro ito ang daan upang subukin ang kakayahan ko,sana nalang MAMA ko antabayanan mo ako'' tumulo na naman ang luha ko dahil mnamiss ko bigla ang mama kong sumakabilang buhay na. *** Pumasok na ako sa kuwarto at nahiga,wala naman akong ginagawa kundi kain tulog lang hanggang minsang gabi hindi ko alam at ito ang aking nasabi ''Bhey may itatanong ako?''tanong ko sa asawako. ''Ano yun?''sagot naman nya sa akin. ''Bhey wag ka magagalit ah,tanong ko sana kung bakit hanggang ngayon di ka pa nagtatrabaho,wala ka bang alam na trabaho? Wala ka bang balak magtrabaho?''kinakabahan kong tanong na sya naman kinabigla kong pagkarinig nung sumagot sakin.'' Alam mo namang wala pa ako sa edad para magtrabaho,16 yrs old palang ako bhey,hindi ako tinuruan ni mama magtrabaho,sa kanya ako umaasa sa lahat. Hindi ko alam san ako mag uumpisa,hindi ko alam kung papano? Oo na realize ko mga sinabi mo sakin,pero ano naman magagawa ko? Ang alam ko lang barkada,uwi,kain,tulog. Nasanay ako sa ganyang pamumuhay. Lahat ng sinabi ko sinusunod ni mama,ayaw lang nya ako mahirapan. Kaya ngayon alam mo na naawa lang ako sayo,alam ko hindi ito yung pinag-usapan natin noon pero napunta ka sa ganitong walang kaalam alam.''yun ang mahaba nyang paliwanag na halos gulat at hindi malaman ang mangyayari dahil habang nagkukuwento sya at nai imagine ko ang sarili ko sa kinabusan ko at ang pamilya ko.Sakit at awa ang naramdaman ko para sa asawa ko. Inintindi ko ng maigi ang sitwasyon namin,nagmasid masid ako kung ano na ang nangyayari sa paligid ko. Lalabas lang kase ako ng bahay tuwing umaga pinapaarawan ko ito,vit. ikanga. Halos isang buwan na akong nasa loob ng bahay at walang trabaho,inshort umaasa sa biyanan ko.''Jena gusto mo bang bumalik uli sa trabaho?'' tanong ng amo ko. ''Opo gustong gusto ko na nga pong bumalik uli para naman po kahit papano may pambili ako ng gatas ng bata kuya,kaya pwede pa po ba ako?'' yun ang katagang tanong na lumabas sa bibig ko sa sobrang saya ko.''sige bukas Jena pasok ka na ha? Kapag kaya mo na sarili mo saka nalang tayo over time over time,marami rami na rin kase tayong gawa.''yun lang at umalis na. Abot tenga ang ngiti ko at tuwang tuwa ako. Nagtataka ang mga kasama ko sa bahay bakit sobrang saya ko daw....''kasi ma pasok na ako uli sa trabaho ko,sayang naman ma kung hindi ko papasukan yan pang makabawas sa gastusin mo,ipapambili ko nalang ng gatas masasahod ko ma,ok lang ba?'' yun ang nasabi ko sa biyanan ko. ''Ikaw nag bahala,medyo mahina rin kase ang kita ngayon,kailangan ko rin ng makakatulong'' walang buhay nyang sagot sa akin. Hindi ko alam kung natutuwa sya....o sadyang pagod lang sya. **** ''Bhey papasok ako uli sa trabaho kila kuya,pwede bang iwan ko muna ang anak mo sayo?''tanong ko sa asawa ko.''tutal bhey ko wala ka naman gagawin pa at trabaho,di ba?''tuloy tuloy kong pagpapaalam sa kanya. Tumingin sya sakin at''alam ba ni mama yan? Baka mamaya may masabi'' pag irap nya sakin sabay hawak nya sa cp nya.''alam na nya bhey....saka hindi naman sya ang mag aalaga sa bata kundi ikaw,para naman hindi tayo maging pabigat kay mama. Kakaawa na sya maaga syang gumigising para gumawa ng paninda nya,tapos hapong na hapo na pagdating dito sa bahay dahil sa pagod at init ng panahon ngayon''paliwanag ko sa kanya,ewan ko kung may naintindihan sya sa mga sinabi ko.''bahala ka!''yan lang ang sagot na narinig ko sa kanya. Inayos ko na lahat ng mga gagamitin ng bata para bukas,alam ko kahit na mapuyat ako may mapapasukan ako kinabukasan,tutal naman alas otso pa naman ang pasok ko. ****kinabukasan..... Maaga akong nagising,inayos ko na ang mga feeding bottle na pinaggamitan ng baby kagabi,nag almusal na rin ako. As usual hindi ko na naman nadatnan ang byanan ko dahil maagap sya para sa mga costumer nya.'' Bhey,gising na. Mag almusal ka na,maya maya aalis na ako'' nagising naman sya at nag almusal na rin.'' bhey,mamaya mga 9 o'clock paki paliguan si baby noh?,alam mo naman siguro paano sya paliguan,kase lagi mo naman ako tinitingnan diba?''paliwanag ko habang sya ay nag aalmusal.''paano kaya yan,ako lang mag isa dito,baka hanapin ka,ah....sige parating naman na si mama maya maya,pwede bang kay mama ko nalang ipapaligo,baka magkamali ako.'' pag aalangan nyang sabi sa akin. ''Sige ikaw bahala,hala at aalis na ako bhey oras na ako ei,love you.''yun lang at humalik na ako sa kanya. Hindi ko na hinintay na sumagot pa. Sa aking pagtatrabaho ay tuwang tuwa naman ang mga kasama ko na nakabalik ako. Sa kalagitnaan ng aking trabaho ng biglang napasigaw ang byanan ko......TO BE CONTINUE.... Sa lahat ng pagkakataong binigay sayo ng PANGINOON Pangalagaan at huwag sayangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD