Chapter Thirty-one

1479 Words

Hindi na mabilang ni Anna kung ilang oras na siyang nakakulong sa kuwarto niya at iyak lang ng iyak. Kanina pa kumakatok ang kuya niya pero hindi niya ito pinagbubuksan. Gulong – gulo ang isip niya. Nagkita sila ni Carlos. Lahat ng masasakit na alaala ay bumabalik sa kanya. Kung paano niya ito hinabol. Kung paano siya halos magmakaawa na maalala siya nito. Kung paano siya ipagtabuyan noon. Lalo siyang napahagulgol ng maalala iyon. Awang – awa siya sa kanilang mag – ina. “Anna, buksan mo ‘tong pinto. Nag – aalala na ang anak mo.” narinig niyang sabi ng kapatid niya. Noon lang niya binuksan ang pinto. “Nasaan si Miggy?” tanong niya at pinilit na maging okay ang sarili. “Kasama si Beth sa baba,” sagot nito sa kanya at naupo sa kama. Katahimikan ang namagitan sa kanilang magkapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD