KABANATA 24

1282 Words
"Hindi dito ang daan pauwi sa apartment." Ani Sarah matapos ang nakakailang na katahimikan sa loob ng sasakyan ni Erick. Hanggang sa mga sandaling iyon ay nag-iinit pa din ang mukha niya sa ginawa nito. "Alam ko." "Eh, saan tayo pupunta aber? Hating-gabi na, isa pa, naroon si Bianca sa apartment. Kailangan niya ng kasama." "Kasama niya si Joseph. Can you please, just please let them talk to each other too? Isa pa, hindi pa din tayo tapos mag-usap." "Sino naman ang may sabi sa iyong gusto ko'ng makipag-usap sa'yo huh?" Angil niya. Sa gulat niya ay biglang nag-preno si Erick. Mabuti na lamang at wala silang kasunod na sasakyan dahil tiyak na aksidente ang aabutin nila. "Sira ulo ka ba!?" Hindik na tanong niya sa labis na kaba. "You promised me!" Lingon nito sa kanya. Salubong na salubong ang kilay. "Naniwala ka naman? Promises are made to be broken, oy!" Irap niya dito. Mataman siyang tinitigan ni Erick kaya ibinaling niya sa iba ang tingin. Hindi niya matagalan ang titig nito, pakiramdam niya ay wala siyang magagawa kun'di ang sumunod sa nais nito sa tuwing mabibihag ng mga titig na iyon. "Galit ka pa din ba sa akin?" Walang anu-ano'y anas nito. Gulat siyang napalingon kay Erick, lalo na nang pagak itong tumawa at mariing inihilamos ang mga palad sa mukha na parang nais nitong burahin iyon sa diin. "Bakit ko pa nga ba itinatanong. Of course you do. How would you not right? After all I've done, heto ako at nangungulit sa'yo." Naiiling na anito. Muli nitong pinaandar ang sasakyan. Ibubuka na sana niya ang bibig upang magsalita pero naunahan siya nito. "Let's get you a room for the time being. At this moment, siguradong nag-uusap pa sila Joseph at Bianca." Anito kaya hindi siya nakakibo. Matapos ang ilang sandali ay gumarahe ito sa isang hotel. Binilinan siyang huwag nang bumaba at ito na lamang daw ang magtse-check in ng pangalan niya. Matapos pa ang ilang minuto ay bumalik din ito kaagad at may bitbit na isang paper bag. "That's a fresh clothes for you, nasa loob din niyan ang key-card mo. You can stay for as long as you like." Abot nito sa paper bag. "Give me your phone." "B-bakit?" Alanganing tanong niya. "Just give it to me." Tila nauubusan ng pasensya na anito kaya mabilis niyang binuksan ang pink niyang pouch at inilabas ang cellphone doon. Matapos mai-unlock ay iniabot niya iyon dito. Nagpipindot lang ito doon ng ilang saglit at saka muling ibinigay sa kanya. " I save manong Pol's number. Kapag gusto mo nang mag-check-out tawagan mo lang siya. He'll know where to get you." Nang buksan nito ang pintuan para sa kanya ay hindi pa niya nagawang kumilos kaagad. Kung hindi pa siya nito taasan ng kilay at senyasan na bumaba ay hindi pa kikilos ang mga binti niya. " I'm sorry it all happened. Believe it or not, hindi ko ito ginusto." Ani Erick bago umikot sa kabilang bahagi ng sasakyan. Lalong inalihan ng pagtataka at kalituhan ang dalaga. Gusto naman talaga niyang maka-usap si Erick, at taliwas sa sinabi nito, hindi naman talaga siya galit dito. Wala naman itong kinalaman sa nakaraan niya, siya ang responsable doon. Naiintindihan niya iyon. Pero paano niya iyon ipapaalam dito? Ang ugong nang makina ang naging hudyat upang magising ang diwa niya. Mabilis siyang humarang sa harapan ng sasakyan kaya halos mabunggo pa siya ng bumper niyon kung hindi lamang kaagad naka-preno ang binata. "What the hell is wrong with you?" Naipikit niya nang mariin ang mga mata. Galit na nga yatang talaga ito sa kanya. "Pinag-ti-tripan mo ba ako, Sarah? Because right now I'm so f*****g exhausted! Ayaw mo'ng makipag-usap, and yet, what the heck are you doing?" "S-sorry," Pikit matang usal niya. "Get inside. I'm going home." Tila nahahapong anito. Nang akmang tatalikod na itong muli papasok sa sasakyan nito ay pinigilan niya ito sa braso. Mahigpit at dalawang kamay siyang kumapit sa braso nito. "Sorry, Erick. Mag... Mag-usap na tayo, pero kase," Napapalunok niyang umpisa. Napapitlag siya nang marahan siya nitong kabigin. Nanigas ang buong katawan niya nang sumandal ang ulo niya sa dibdib nito. Abot-abot ang kalabog sa dibdib niya. "You're so tense." Anang binata. Wala na ang inis sa boses nito bagaman naroon pa din ang gatla sa noo. Gumapang ang kilabot sa balat niya nang manuot ang lamig mula sa ihip ng hangin. Dinig niya ang malalim na paghugot nito ng hangin at marahas iyong pawalan. Siguro nga labis-labis na pagtitimpi na ang ginagawa nito kaya gayun nalang ang pag-buntong hininga. Bumalot sa katawan niya ang suot nitong tux jacket nito. Napahinga siya nang maramdaman ang naiwang init ng katawan nito doon. Tinapik-tapik nito ang balikat niya at saka inginuso ang bungad ng hotel. "Pumasok ka na. Kung bakit kase nighties iyang isinuot mo." Tukoy nito sa slip-on dress niya. "Excuse me? Dress ito at hindi pantulog." Nakangiwing aniya. "Yeah, whatever." Walang ganang balik nito. Iniyakap niya ang damit nito sa katawan at saka tiningala ang binata na hayun na naman at mataman siyang minamasdan. Iingusan sana niya ito pero natigilan siya emosyong naro-roon at kitang-kita sa mukha nito. Hindi niya mawari kung lungkot o tuwa iyon o marahil ay pareho. Nanikip ang lalamunan niya, para siyang maiiyak dahil maging siya ay parang iyon lang din ang pagkakataon na tila ba namasdan niya ganoon ang binata. Parang walang maraming taon na lumipas... Inabot niya ang kamay nito at marahang inakay, pero hindi ito tuminag mula sa bahagyang pagkakasandal sa hood ng sasakyan nito. "Erick..." Ungot niya. Pumalatak pa muna ito bago tuluyang nagpahila. Wala sa loob na napangiti siya habang nakatingin sa magkahugpong nilang kamay. Walang salitang namagitan na naglakad sila patungong entrance ng hotel, hanggang sa makapasok sa elevator at pindutin nito ang floor kung saan naroroon ang hotel room na kinuha nito. Kakatwa na walang naramdamang pagkabalisa si Sarah nang i-slide ni Erick ang key-card at mabuksan ang pinto. Ibinukas nito iyon nang maluwang at pinauna siyang makapasok. Bahagya niyang iginala ang paningin sa paligid. Isang silid lang ang naroon. Pagkabungad sa pintuan ay ang kitchen kaagad ang naroon. Nakasabit sa kisame ang partition, kung saan may isang tv, ilang display figurines, at maliit na flower vase, at apple shape na scented candle. Dumiretso siya sa sala at naupo sa pan-dalawahang sofa. "Do you want to eat? I'll order food." Tanong ni Erick. Umiling-iling siya bilang tugon. Wala siyang gana, kahit na wala naman siyang nakain na kahit ano ng gabing iyon. "Magpapalit lang ako nito." Itinaas niya ang paper bag. Nang tumango ito ay patalon siyang tumayo mula sa pagkaka-upo bagay na ikina-simangot ng binata. Napangisi habang papalapit sa nag-iisang silid na naroon. "Grabe naman," Napsipol siya nang makita ang queen size bed sa gitna. Ang sahig ay nalalataran ng pink na carpet. Subalit, ang malawak na ngiti na nakaguhit sa labi niya ay kagyat na nabura nang pasukin niya ang banyo at tumambad ang sariling repleksyon sa salamin. Pinaraanan niya ng kamay ang bagong kulay na buhok. Kagat-labing hinubad niya ang damit, at isa-isang inalis ang bawat piraso ng suot na makukulay na beads sa kanyang kaliwang pulso. Itinaas niya iyon at minasdan ang bawat guhit na naka-ukit sa manipis niyang balat. Iyon ang nagsisilbing tagapag-paalala sa kanya kung gaano siya ka-miserable. Kung bakit kahit paulit-ulit na isa-tinig ni Erick ang pag-ibig nito sa kanya, isang tingin lamang doon ay nabubura na ang munting pag-asa na iyon sa dibdib niya. Paano ito sasaya sa isang kagaya niya? Paano nito matatanggap ang katulad niya, kung siya mismo ay hindi alam kung paano muling mahalin ang sarili. Mariin siyang napakapit sa bathroom counter top, subalit gayun na lamang ang panlalaki ng ulo niya nang makita si Erick buhat sa salamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD