KABANATA 25

1334 Words
"E-Erick..." Sunud-sunod ang naging paglunok ni Sarah. Mabilis na itinago sa likod ang kamay nang makitang doon nakatingin ang binata. "Bakit ka ba kase pumasok!" Kanda-piyok na aniya, nilalaban ang kaba at takot sa pagkukunwaring bale-wala lamang sa kanya ang nakita nito kahit na ba halos maipit na ang braso niya sa kanyang likuran mula sa pagkakasandal sa sink. "Ilang ulit kitang tinawag. I thought something happened to you." Malumanay na tugon nito. "O-okay lang ako. Lumabas ka na, please?" Iwas niya. Ang sabi niya'y mag-uusap na sila, pero ngayon na batid niyang nakita ni Erick ang itinatago niya ay hindi na siya sigurado. Lalo pa at salat sa emosyon itong nakamasid lamang sa kanya. "Bilisan mo bago ka pa sipunin." Anito, pinasadahan pa siya ng tingin mula ulo, hanggang talampakan bago siya tinalikuran. Kung naiba-iba lang ang sitwasyon, malamang ay kung anu-ano na naman ang naipukol niya dito. But she's too consumed with the memories. Memories that brought fears that slowly eats her mind. Sinadya niyang magtagal sa banyo upang masiguro na sa paglabas niya ay tulog na si Erick, pero taliwas sa inaasahan niya'y hinihintay siya nito. Paulit-ulit nitong pini-pindot ang remote control ng TV, inaabala ang sarili, kaya nang makita siya ay ay kaagad nito nito iyong pinatay at basta na lang inihagis ang remote sa kaharap na sofa. "Bakit gising ka pa?" Ungkat niya. "Nakalimutan mo ba iyong sinabi mo sa parking?" Hindi siya nakakibo. Siya nga naman ang pumigil dito upang huwag umalis, siya ang nagsabing mag-uusap na sila, pero hayun siya at urong-sulong na naman. "Siguro naman ay sapat na ang oras na inilagi mo sa banyo para makapag-isip?" Bumaba ang tingin nito sa kaliwang kamay niya. Partikular sa pulso niyon na natatabunan ng mga bead bracelets. Sa halip na sumagot ay marahan siyang napa-iling. Yuko ang ulo at hindi masalubong ang mga titig nito. " I see, " Anito. Nag-angat lang siya ng ulo nang tumayo ito at abutin ang tux jacket na nakasampay sa back rest ng sofa. Naalarma siya, bahagyang napakilos nang akma na nitong isusuot iyon. Erick waited for her to say a word, but none came out of her mouth. His shoulders slumped, pinching the bridge of his nose; he still manages to smile when he looks at her. "Take some rest, Sarah." He said before finally turning his back on her and leave. Nang makalabas si Erick ay banayad niyang isinara ang pintuan hanggang sa ang mahinang tunog ng lock na lang niyon ang narinig niya. Pakiramdam niya ay tatakasan siya ng lakas kaya sumandig siya sa pader upang suportahan ang sarili at huwag mapa-salampak sa sahig. Sukal sa loob niya ang iwan si Sarah pero sa itsura nito, para bang kung hindi niya iyon ginawa ay bigla na lamang ito'ng mawawala sa oras na malingat siya. The scars that he saw on her wrist, are multiple cuts from a knife? Or a blade? May malalim at may mababaw na masinsin na naka-hilera sa balat nito. At kung tama ang obserbasyon niya ay paulit-ulit ang pagkakahiwa doon. He feels so frustrated, his head is full of swarming questions, and different scenarios. But, Sarah... She's so afraid to let him in and be involve in her past. Umikot siya paharap sa pintuan at itinukod doon ang mga kamay na hindi niya man lamang namalayan na mariing naka-ikom. Sobrang tahimik, wala siyang naririnig na kahit na ano sa kabilang bahagi ng pintuan kung kaya lalo siyang naging balisa. Kung gaano siya katagal na nanatili sa tapat ng hotel room na iyon ay hindi niya alam. Napilitan lang siyang umalis nang makatanggap ng tawag mula kay Gibson and after that everything happened so fast. *** "What's with that look?" Joseph asks with a hard stare. Kasalukuyan ito'ng naka-admit sa ospital. Puno ng galos at benda ang katawan. Maging si Bianca ay naroon din, may arm cast naman sa kaliwang kamay. "I just, I feel so useless." Iritadong tugon ni Erick habang nakatayo sa tabi ng hospital bed na inu-okupa ng kaibigan. Huli na kase siya nang makarating sa apartment ni Bianca. "Stop saying nonsense, Erick. No one's ready for what happened. Isa pa, hindi ko lalo mapapatawad ang sarili ko kung pati ikaw ay nadamay." Malamyang anito. Napa-buga na lang siya ng hangin sa sinabing iyon ng kaibigan. Kasalukuyan kasing nasa operating room si Gibson, ito ang mas napuruhan nang magkaroon ng aksidente habang hinahabol ng mga ito si Chelsea. Sabay-sabay pa silang napalingon sa biglaang pagbukas ng pintuan. Humahangos at ang naka-pantulog pa na si Sarah ang bumungad sa kanilang harapan. Mabibilis ang hakbang na nilapitan nito at pinsan. "Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo? Nasaan ang impaktang babaing iyon?" Tukoy nito kay Chelsea. "Okay lang ako. Nasa operating room si Chelsea." Tugon ni Bianca. Mangiyak-ngiyak at ingat na ingat na niyakap ni Sarah ang pinsan. "Tinakot mo ako, sobra." Ngiti lang ang naging tugon ni Bianca dahil ang paningin nito ay naroon sa bungad ng pintuan na nanatiling nakabukas. "Sino siya?" Sa halip ay turo nito sa lalaking nakamasid sa kanila. Saglit na natigilan si Sarah na para bang nalimutan nito na may kasama itong nagpunta doon. "S-si Chris nga pala." Pakilala niya sa binata, bago lihim na nilingon si Erick na sa fruit basket nakatingin. "Boyfriend mo?" Dagdag pa'ng tanong nito. "Huh?!" Kagyat na usal ni Sarah. "No, we're just friends." Si Chris na ang sumagot sa tanong na iyon ni Bianca. Natatawang tinapik-tapik ni Bianca sa kamay ang dalaga nang mapansin ang pamumula nito. "Uuwi na muna ako, I'll be back with dad and Monica later." Paalam ni Erick. Awang ang labing napalingon si Sarah kay Erick. "Monica?" Aniya sa isip. Pamilyar ang pangalan na iyon sa kanya. Ngunit nang maalalang isang dalagita ang kilala niyang gayun din ang pangalan ay gusto niyang batukan ang sarili. "Eh, ano naman kung may Monica siya." "Hindi mo ba hihintayin na matapos ang operasyon kay, Gibson?" Tanong ni Joseph, pero naroon kay Chris naka-tutok ang mga mata. "Tsk, okay lang. Umidlip ka na din. Mukha ka ng bampira sa putla." Lalong nagngitngit ang kalooban ni Sarah nang hindi magpapigil si Erick at tuluyan nang lumabas. Nagulat pa siya nang mahuli ang tila nanunumbat na titig ni Joseph sa kanya. "I didn't know that you knew each other." Makaraa'y ungkat ni Joseph. Kahit pa hindi naman iyon lingid sa kaalaman nito. "What a surprise huh, Chris?" "Hindi ko din alam na magkakilala pala kayo?" Balik ni Sarah. Nanatiling walang imik si Chris, pero hindi mabatid ng dalaga kung saan nanggagaling ang pagkaasiwang nararamdaman niya. May kung ano sa palitan ng tingin ni Chris at Joseph na hindi niya mahinuha kung ano. " Of course we knew each other." Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Joseph, bagay na ikina-kunot ng noo nilang pareho ni Bianca. "Huh? Ang alam ko kase ay si Erick lang ang-" "We happen, I mean I and my friends happened to know him because of this girl named Mercy... Kilala mo siya hindi ba?" Baling ni Joseph sa kanya. Wala sa loob na napatango siya. Syempre, kilalang-kilala niya si Mercy. Paano ba niyang hindi maaalala ang pangalan nito? " Oh, my... I heard my name. " Nanigas ang katawan ni Sarah sa boses na iyon. Nasisiguro niyang narinig na niya ang may-ari ng boses na iyon. Nang lingunin niya ang pintuan ay napakapit siya kay Bianca. Kung ano ang gulat na nakalarawan ngayon sa mukha niya ay mas doble pa yata doon ang kay Chris. Iyon ang unang beses na nakita niya ang ganoong reaksyon ng binata. He's been caught off-guard. There standing in front of the open door is not just Mercy herself, naroon din ang lalaking ilang gabi din niyang pinagpupuyatan na matyempuhan sa Midnight's. Si Jeremy. Nanlaki ang mga mata niya nang diretsong sa kanya tumuon ang tingin nito. Hindi katulad ng mga isinusuot niyang maiiksing damit ay naka-pajama lang siya sa mga sandaling iyon. Pero sa pagkakataon na iyon, hiling niyang huwag sana siya nitong ma-mukhaan o makilala man lang. Dahil sa mga sandaling iyon, tila na-paralisa ang buo niyang katawan, at nalunok niya ang sariling dila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD