KABANATA 26

1343 Words
"Parang pamilyar ka sa akin.." Animo nag-iisip na usal ni jermy habang matamang nakatingin kay Sarah. Gumapang ang kilabot sa balat ng dalaga lalo pa nang pakatitigan siya nito na tila ba kinikilala siyang mabuti. Kung hindi lamang pumagitna si Chris upang harangan siya ay hindi niya tiyak kung maalala ba nito kung sino siya. Maging si Mercy ng mga sandaling iyon ay nagtatakang nakamasid lang sa kanya, hindi din siya nito nakilala at hindi niya alam kung ipagpapasalamat ba niya iyon. Hindi siya handa sa biglaang paglitaw ng mga ito, lalo na ang pagdating ni Mercy. "What?!" Angil ni Jemery habang pilit siyang sinisipat. "Syota mo ba iyan? Para titingnan lang eh. Parang wala naman tayong pinagsamahan niyan eh." Nanunuksong tapik pa nito sa balikat ni Chris. "Get your hands off me." "Okay, chill. Ang sensitive mo naman." Taas ang kamay na ani Jeremy nang mahimigan ang pagbabanta sa boses ni Chris. Matalim ang tinging isinukli ni Chris bago nito hinarap si Sarah at hinila upang paalis. Hindi nagreklamo ang dalaga, nagpapasalamat pa nga siya dahil hindi niya tiyak kung makakatagal pa siya ng ilang minuto sa loob ng silid kasama mga bagong dating. Dinig na dinig pa nila ang halakhak ni Jeremy habang papalayo kaya mabibilis ang hakbang na inilayo siya doon ng binata. "Are you okay?" Buong pag-aalalang tanong ni Chris nang makalapit sila sa sasakyan. Sunud-sunod ang naging pag-iling niya, itinaas ang kamay at nagmamadaling tumalikod patungo sa likod ng sasakyan at doon tumalungko. Idinuwal niya ang anumang laman ng sikmura kahit wala namang umaahon doon maliban sa laway niya. Halu-halo ang kaba, takot at pagkataranta kaya tula hinahalukay ang tiyan niya sa nararamdaman. Ang banayad na hagod ng palad ni Chris ang unti-unting nag-aalis ng panlalamig niya. Hinintay siya nitong kumalma, kahit gaano katagal siyang nakatalungko ay hindi ito umalis sa likuran niya. Nang makatapos ay inabutan siya nito ng panyo at isang bote ng tubig. Inaalalayan siyang makasakay sa sasakyan. Ito na din ang nagkabit sa seatbelt niya. Walang salitang namagitan sa kanila ni Chris kahit na nang i-start nito ang sasakyan at makaalis sa parking lot ng ospital. Maging sa durasyon ng biyahe ay hindi nagtangka na mag-usisa si Chris, maliban na lamang sa panaka-naka nitong pagtingin sa gawi niya. Nang maihatid siya nito sa apartment, ang buong akala niya ay aalis na ito gaya nang nakagawian, subalit nagulat pa siya nang umibis ito sa sasakyan at alalayan pa siyang makababa. Sa gulat ay hindi siya naka-huma nang buksan nito ang pintuan sa gawi niya at kalasin ang seatbelt, at muli ay alalayan niyang makababa na tila ba matutumba siya kung hindi nito iyon ginawa. Nakamatang tinitingala niya ang binata habang nakaalalay ito sa kanyang katawan. "Chris, okay lang ako." Sa wakas ay nakuha niyang sabihin. Gulat pang napa-baba ng tingin sa kanya ang binata. "Oh, I thought you went into a state of shock." Anito, bagay na ikinatawa niya. Humiwalay siya sa pagkakadaiti sa katawan nito nang makalapit sila sa pintuan. Pinulot ang susi na nakatago sa siwang ng simento na natatakpan ng doormat. Nang mabuksan ang pintuan ay nilingon pa niya ang binata na nagtatakang nakamata lang sa kanya. "Pasok ka," Anyaya niya. Atubili man ay sumunod sa kanya ang binata. Bahagyang iginala ang paningin sa paligid bago naupo sa plastik na silya. Unang beses iyon na makatapak si Chris sa tinutuluyan niya. Pero kahit na noon pa man, kahit noong nasa Japan sila ay hindi ito nagpupunta sa inuupahan niya. Ito ang laging sumusundo, o hindi naman kaya ay nakikita lang sila sa isang lugar. Ngunit sa tuwina ay siya ang umi-istambay sa bahay nito. "Gusto mo ng kape?" "Yes, please." "Sige, magsasalang lang ako ng tubig." Paalam niya kahit na ba ilang hakbang lang ay kusina na. "Nakiki-pagkita ka ba kay Mercy?" Habang hinihintay na kumulo ang tubig ay lakas loob na tanong niya. Hindi man niya lingunin ang binata ay batid niyang nakatingin ito sa gawi niya. Ramdam din niya ang titig nito sa kanyang likuran. "No, hindi sa paraang iniisip mo." Sagot nito matapos ang ilang sandali. "Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?" Natatawa man ay lapat ang labing aniya. Hindi muna sumagot si Chris matapos na mag-ingay ang takure. Hinintay siya nitong makatapos sa pagtitimpla ng kape at nang mailapag niya iyon sa maliit na mesita ay walang kaabug-abog na dinampot nito ang tasa at uminom doon na para ba'ng hindi bagong kulo ang laman niyon. "She's the reason why I went back here." Anito matapos mailapag ang tasa. Tiningnan siya nito matapos niyon. Inaalam ang reaksyon niya. Subalit maliban sa bahagyang pagkabigla, ay wala na siyang iba pang nararamdaman. Siguro dahil alam niya na sa kabila nang lahat, batid niyang si Mercy pa din ang iniibig ni Chris. Kahit na pareho silang piniling iwanan sa bandang huli. "There are things that I wanted to know." Dagdag pa nito. "It's not because I still have the feelings for her. Hindi naman na mababago na minahal ko siya.. Or maybe, deep within I still love her. " He shrugs. "But that alone is not enough reason for me encourage such feelings. Masyado nang maraming nangyari para balikan pa." "What about you?" Makaraa'y tanong nito. "What about me?" Turo niya sa sarili. Nakangiting umayos nang pagkaka-upo si Chris. Bahagyang naningkit ang mga mata. "Hindi mo nabanggit sa akin na nagkita na pala kayo ni Erick. Hindi lang iisang beses. Anyway, I'm sorry if I left you at that time." Tuloy nito nang gabing makita sila ni Erick sa Midnight's. "Hindi ko din naman inaasahan. Nasundan na lang nang nasundan. Isa pa-" Alanganing aniya. "Hmn, I know. He wants you back. I can literally read that on his damn face." Ito na ang nagsabi sa bagay na hindi niya ma isatinig. But to her surprise, instead of seeing that scowl on his face whenever Erick's name was mention there's a glint of amusement and perhaps envy on his eyes. " And I can say that you are the same, Sarah." Maang siyang napatitig kay Erick. Dinukwang siya nito at kahit may lamesitang nakapagitan sa kanilang dalawa ay inabot nito ang kanyang ulo at hinaplos-haplos iyon. Kagat labi siyang nag-iwas ng tingin nang masilayan ang nakakaunawang tingin na ibinibigay nito sa kanya. He's trying to comfort her. He knows why she can't accept Erick's feelings even if she feels the same. "Why don't you give it a try? Hindi ba't mas magaan ang dalahin kung may karamay ka? And for the record, exception ako this time. We spent years together trying to convince our selves that we're okay as long as we're far away from the things that hunts us, but the truth is, distance didn't help at all. " "Ang weird mo yata ngayon, masyado ka'ng nagiging madaldal." Nakasimangot na aniya. "Am I?" Natatawang tugon nito, bago muling sumeryoso. "I'll be away, Sarah... And no, I'm not leaving to escape or go off anywhere..." "Aalis ka?" Nakaramdam siya ng pagkataranta sa sinabi nito. Dati naman nang umaalis si Chris, kahit na nga hindi pa ito nagsasabi sa kanya. Subalit iba ang dating ng sinabi nito ng mga sandaling iyon. "Hindi ka nakikinig. I said I'm not leaving to escape or go anywhere. May aayusin lang ako, at hindi kita masasamahan sa mga sandaling baka kailanganin mo ako." "Saan ka pupunta? Hindi pa din ba ayos ang mga inaasikaso mo?" "I can't tell you, yet. I promise I'll tell you when I came back." Kakaibang kalungkutan ang naging hatid niyon kay Sarah. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa dati kung saan ramdam niya ang pag-iisa ngayong namamaalam sa kanya si Chris. "You're no longer alone, Sarah. Infact, if you look closely... You are finally home." Hindi niya alam kung bakit doon tumulo ang luha niya. Chris's last words hit something that she can't ignore. Kaya kahit na nakaalis na ang binata ay nanatili sa isip niya ang huling sinabi nito. Was she finally home?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD