"Ang sabi ni Daddy, gusto daw maging architect ng girlfriend niya dati." Pagku-kwento ni Monica nang makapasok sila sa bungad ng bahay. Architect? Iyon ang propesyon na gusto niya. Pakiramdam ni Sarah ay sanga-sanga na ang mga tanong sa isipan niya habang iginagala ang paningin. Sinusundan lang niya ang dalagita habang inililibot siya nito sa bawat parte ng bahay. Ang pwesto ng kusina, ang veranda, balcony, maging ang kung ilan ang banyo at ilan ang kwarto, lahat ng iyon, kahit na hindi sabihin ng dalagita ay alam niya. "Iyong second floor mayroong-" "Apat na kwarto.." Aniya. Lumingon sa kanya si Monica, ngumiti bago muling tiningala ang ikalawang palapag. "Let's see it?" Excited pang anito. Kumunot ang noo niya. Nagsisimula na siyang mairita. Kung nakikipaglaro ito sa kany

