KABANATA 22

1432 Words
"What are you doing in here?" Seryosong tanong ni Erick kay Sarah nang makalapit ang dalaga sa mesa. Kahit kailan talaga takaw atensyon sa mata si Sarah. "Hindi ikaw ang ipinunta ko dito. For your information, invited ako." Naka-ingos namang sagot ng dalaga, at saka matamis ang ngiting binalingan si Bianca na namimilog ang mga mata sa pagtitig sa kanya. . "Hi insan." Bati niya, sabay halik ng matunog sa pisngi nito. "You look..." Pansin ng isang ginang, bumaba- taas ang tingin sa kabuuan ng dalaga. "Pretty, just like Bianca,but bolder." Tumatawang anito na binuntutan ng alanganing tawa ng pinsan niya. . "Well this table is getting and getting more lively isn't it Mercedes?" Komento naman ng isang lalake na katabi ng ginang. Nakipag-beso-beso pa muna si Sarah kay Olivia na pinuri ang choices of clothes niya bago naupo sa silyang basta nalang niya inabot sa kabilang table at isiniksik sa pagitan ni Gibson at Ron na umani nang masamang tingin mula kay Erick. Ngunit sa halip na maapektuhan ang dalaga ay mas inusog niya pa ang silya. "Nasaan si Minda? Sabi ni Joseph invited din siya? " Tanong ni Bianca. "Ah, tungkol diyan, pabalik pa lang si Minda galing sa probinsya niya. Nasa barko pa daw siya kaya hindi siya makakarating." Paliwanag niya habang inaayos ang hemline ng suot na damit. " Nga pala, sabi ni Minda salamat daw at interesado ka na makilala siya. Interesado din daw siyang kilatisin ka. " Baling niya kay Joseph na ngumiti at umiling lang bilang tugon. " So, hija. Unang beses ko'ng makita. I didn't know na may kaanak pala di Bianca dito sa Manila. Oh, my bad. I'm Mercedes, Joseph's mum. And this fine gentleman beside me is..." "Florence, Erick's old man." Nakangiting anito. Bahagya siyang napipilan bago lumipat ang tingin kay Erick na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi maipinta ang pagkakalukot ng mukha. Nang marahil ay mapansin iyon ng Daddy nito ay tumatawa itong umayos ng pagkaka-upo. " Sarah, po." Aniya, akmang iaabot ang kamay pero dahil na pagitan nila at laki ng mesa ay muli lang niya iyong binawi. Mabuti na lamang at nagpaalam na pupuntang banyo si Joseph kaya bahagyang nabaling ang atensyon ng mga ito doon. Nagtaka siya nang magpalinga-linga si Gibson at Olivia na para bang may hinahanap, bago nagpaalam din na may pupuntahan. "I'll have to start the opening speech, if you'll excuse me..." Ani Mercedes bago maingat na tumayo at naglakad patungo sa makeshift stage. "I'll go with her," Ani Florence bago tatawa-tawang nilisan din ang mesa. "Ano?" Hindi pa man ay tanong niya kay Erick. Ramdam na ramdam niya ang tiim ng mga titig nito kahit yata nakatalikod siya. Nang hindi ito sumagot ay naiinip na nilingon niya ang binata. Tumayo ito at lumakad sa gawi niya. Walang pasubali na hinawakan siya sa braso, mahigpit, ngunit hindi sapat upang masaktan siya. "Come with me." "Ano? Ayoka nga." Aniya, sabay bawi sa braso niyang mahigpit na hawak nito. Ngunit sa pagkakataong iyon ay seryoso si Erick, kaya nang bahagya siyang hilahin patayo ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Naiwan si Rony na tulalang pinapanood si Mercedes sa speech nito. Hinila-hila siya ni Erick hanggang sa marating nila ang isa sa mga office room doon. Nagulantang siya nang harangan nito ang pintuan at ilock iyon. "For safety precaution." Kibit-balikat na anito. "Anong safety precaution pinagsasabi mo? Lalabas ako. Alis diyan." Turo niya sa pintuan, pero sa halip sa sundin siya ay sumandal pa ito doon habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng katawan niya. Wala sa loob na tinakpan niya ang dibdib nang magtagal doon ang mga mata nito. " What's the use of hiding it? You barely left nothing to my imagination." He smirks. "Ma-m******s!" Nagiinit ang pisnging singhal niya. Tumaas ang kilay ni Erick, sa paraang animo kinukuwestyon ang sinabi niya. Nang magsimula itong maglakad patungo sa kanya ay kaagad siyang naglakad pa-urong upang lakihan ang espasyo sa pagitan nila. Napangiwi siya, ganito ang eksena sa mga pelikula, telebisyon at romantic novels. Masyadong predictable, kaya pagtakbo niyang tinungo ang pintuan, subalit bago pa man niya maabot ang handle niyon ay nahila na siya pabalik ni Erick at basta na lang idineposito pa-upo sa isang office chair doon. Hindi pa man niya nababawi ang hangin sa baga upang humugot ng hininga ay naroon na kaagad sa kanyang harapan si Erick. Sa laki ng bulto nito ay nasakop nito ang buo niyang paningin habang nahaharangan ng mga braso nito ang kanyang katawan. "You can't scape me forever." He seethe. "Hindi ako umiiwas sa iyo." Matapang na balik niya. "You do! If not, why do keep on being hard to your self and avoid me. Why can't you be true to me?" Natigilan siya nang mahimigan ang hinanakit doon, lalo pa nang bahagyang mabasag ang boses nito sa huling salitang iyon. "Sinusundan mo ba si Chris kaya ka narito?" Mabilis siyang napatingala ng mukha kay Erick. Awang ang labi. Hindi nito nagawang itago ang pagbalatay ng sakit at pagkadismaya nang mabilis siyang nakapag-react sa pangalan pa lang na iyon ng binata. "So it's about him huh.." "Narito si Chris?" Kung gayon ay hindi siya namalikmata lamang. "So what?" "Anong so what? Syempre gusto ko siyang makita at makausap." "Ako ang narito sa harap mo, Sarah! Why can't you forget about him, even once kapag ako ang nasa paningin mo?!" "What the hell is wrong with you? Eh ano naman kung si Chris ang gusto kong makita?" Sinubukan niyang itulak si Erick palayo upang makatayo siya at magkaroon ng mas maluwang na espasyo sa pagitan nila. Pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hangin sa sobrang lapit ng mga mukha nila. Amoy na amoy niya hindi lamang ang pabango ng gamit nito, kahit yata batah soap nito ay naabot ng pang-amoy niya. Subalit higit pa roon ay ang lapit ng labi nito sa kanya. Nasisiguro niyang naka-inom na ito. "Everything is wrong with me! When it comes to you, everything seems so wrong with me! Goddamnit, I love you. Why can't you just understand that! Tulalang napatitig siya kay Erick. He's in the verge of crying...while desperately seeking for her response. Pero wala hindi niya kayang sabihin... "What are you so afraid of?" Lumutang ang tanong n ayon ni Rony sa kanyang isip. " You can't love me.. " Sa mahinang boses ay aniya. Hindi inaalis ang mga mata sa binata. Unti-unting nawawala ang gatla sa noo nito, maging ang pagkaka-salubong ng mga kilay. " Why? It's not like... It's that easy." "Hindi na ako... Katulad ng dati." "How would I know?" "Madaming nangyari, Erick.." Mabilis niyang itinikom ang bibig nang manginig ang boses, at mag-init ang lalamunan niya. Tapos na siyang umiyak, nanggaling na siya doon, at hindi na din niya natatandaan ang huling beses na naglandas ang luha sa kanyang pisngi. Subalit sa tuwing nasa presensya siya ni Erick ay nagagawa nitong tibagin ang depensa niya. Kapag nangyari iyon, masabi pa kaya nitong na mahal pa rin siya? "I'm here, I'm all ears. Kahit gaano karami, kahit gaano katagal, kahit umagahin tayo dito, I don't mind. I'll listen..." Nang sakupin ng mga palad nito ang pisngi niya ay otomatikong nangilid sa luha ang mga mata niya. Paano niya ba sasabihin? Paano niya uumpisahan? " A-ano, kase.. " Kagat labing umpisa niya. Pero inuunahan siya ng kaba, ng takot, ng insekyuridad. " It's okay." He reassures her with a soft smile on his lips while soothing her cheeks, tracing comforting lines with his thumb. "Erick! Son are you there?" Ang sunud-sunod na katok na iyon ang nagpagulantang kay Sarah. Nanlalaki ang mga matang napatingin sa pintuan, bago nalipat kay Erick na ayun na naman ang kunot sa noo. "Yeah! Dad, what's with the hurry?" "Somethings happening. Come on out!" Ganting sigaw nito sa kabilang bahagi ng pintuan. Pabuntong-hiningang umayos nang tayo si Erick. Inalalayan siya nitong makatayo, maging ang pag-aayos sa strap ng suot niyang dress ay ito na din ang nag-ayos. Mariin niyang naipikit ang mga mata nang muling gawaran nang palad nito ng banayad na hapalos ang kanyang pisngi. "We'll talk, promise me, we will.." Nang hindi siya sumagot ay bumaba ang kamay nito sa kanyang panga at bahagyang iniangat ang kanyang mukha upang mag tama ang mga mata nila. "Sarah, promise me..." "O-oo," "Good," Kontentong ngumiti ito bago siya inakay palabas. Doon lamang niya napansin ang mga nagkaka-ingay na tao sa paligid. Mabilis na naabot din ng kanyang paningin ang kaibigan ni Bianca na sentro ng atensyon sa mga sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD