"What's up with you?" Pa-biro na ani Erick matapos pisilin ang pisngi ni Sarah na noon ay nasa malalim na pag-iisip. Nakangiwing hinimas ng dalaga ang pisngi bago tiningala si Erick, na malawak ang pagkakangiti habang nakatunghay sa kanya. Kunot noo niya muna itong minasdan bago tinaasan ng isang kilay. Bukod sa nagtataka siya kung bakit walang nababanggit si Erick ukol sa isiniwalat ng ama nito sa kanya kahit na ilang araw na din matapos ang gabing isiwalat nito ang tungkol sa kasal na iyon ay na-nanatiling selyado ang bibig nito, o marahil ay hindi pa ito handang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. Bukod doon ay ayaw pa din siyang payagan nitong makabalik sa tinutuluyang apartment. Ipapaling na sana niya ang ulo sa ibang direksyon nang buong panggi-gigil na pisilin ni Erick an

