KABANATA 45

1319 Words

Maingat na isinuksok ni Erick ang susi sa padlock ng gate na kahoy na para bang masisira nito iyon. Nang lingunin nito si Sarah at Monica na naroon lang sa kanyang likuran ay partikular na huminto ang mga mata niya sa dalaga. Nakatunghay ito sa entrada ng bahay, tila naghihintay kung may lalabas doon. Dati rati'y si Sarah ang kaagad na lumalabas sa doon upang salubungin siya, o hindi naman kaya ay ang ina nitong si Carmen habang hawak pa ang kahoy na sandok na ginagamit nito sa paghahalo ng arnibal. "Come on mummy Sarah." Untag ni Monica sa dalaga. Inabot nito ang kamay ni Sarah at marahang inakay papasok sa maliit na bakuran. Nagpatihuli ng ilang hakbang si Erick upang masdan ang dalawa habang magka-hawak kamay. Bahagya siyang napangiti nang maramdaman ang kakaibang lundag sa loob n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD