"Salamat huh," Panimula ni Sarah nang hindi nililingon si Erick na panay naman ang pag paling ng ulo sa gawi niya. "Para saan?" Nagtataka pa na anito matapos siyang muling sukyapan bago itinuon ang daan sa kalsada. Nang makaalis ang mga kaibigan at anak nitong si Monica, ay inaya niya si Erick na magtungo sa sementeryo kung saan nakahimlay ang mga magulang niya. Ang bagay na iyon ay biglaang desisyon sa parte niya, sa kawalan ng masabi dito matapos silang mapag-isa. "Sa pagtubos mo sa bahay namin.." Kibit balikat na aniya. "Ang totoo, bago pa man ako bumalik dito mula sa Japan, inasahan ko na, na hindi ko na makikita pa ang bahay namin. Sagad na sagad na kase ang presyo niyon sa pagka-sangla." "I'm sorry..." Bigla ay matamlay na ani Erick, kaya nagtatakang nilingon niya ito.

