"Hello, pogi."
Bungisngis ni Sarah nang makalapit sa lalakeng nakamotor.
Mula sa pagkaka-hawak nito sa manibela ay umayos ito ng upo at saka inalis ang suot na helmet. Napangiti siya ng masilayan ang mukha nito. Sa liwanag ng poste ng ilaw ay mas tumingkad ang natural na kulay tsokolateng buhok nito. Lalo siyang napangiti ng maluwang nang pagkunutan siya ng noo at pasadahan ng tingin ang kabuuan ng katawan niya.
Si Chris pa lang ang ikalawang lalake na pumukaw sa interes niya. Bukod sa ibang lebel ang angking pisikal na kaanyuan nito, hindi niya alam kung may hustisya pa ba ang salitang gwapo para dito. Although not romantically.
Siguro dahil secured ang pakiramdam niya sa binata, isa pa.. Malaki ang naitulong nito sa kanya upang muling makabangon.
"Hindi ka ba giniginaw sa suot mo? Saan ka ba namimili ng mga damit? Sa kids section?"
Anito habang nakatingin sa suot niyang tops. Cow neck iyon kaya syempre litaw ang puklo ng kanyang dibdib. Bukod sa umabot lang ang tela niyon sa kanyang sikmura ay hantad din ang kabuuan ng kanyang likuran na tanging ang manipis na tali lang sa damit ang nakakapit.
Kabaliktaran niya ay naka-metallic red na semi fit jacket ang binata. Hula niya ang v-neck shirt lang ang pinapatungan niyon. Mahilig kase ito sa plain shirts.
"Hindi ka pa din ba nasasanay sa choice of garments ko. Isa pa, sa club ang punta natin, alangan naman magbalot ako ng katawan?"
Nakapamewang na aniya. Naiiling na inabot na lang nito sa kanya ang spare na helmet. Akma na niyang isusuot iyon nang matigilan. Hinuhubad nito suot na jacket. Napanguso siya nang makitang long sleeve na may logo sa dibdib ng mamahaling brand ng clothing line ang suot nito.
" Wear that. Baka tangayin ng hangin iyang panyo mo."
Tukoy nito sa suot niya sabay hagis ng jacket.
"Anong panyo!?"
Nanlalaki ang matang protesta niya. Bubungangaan sana niya ito nang itukod nito ang paa sa lupa at hilahin siya palapit. Sa taas ng suot niyang takong ay milagrong hindi siya nawalan ng balanse. Kahit kailan talaga ay napaka-sweet nito sa kanya.
" Sakay na. Aabutin tayo ng umaga sa kakaputak mo."
Naiinip na anito sabay tapik sa likuran ng motorsiklo. Nakangusong isinuot na lang niya ang jacket nito, pabisaklat na umangkas sa likod at saka ikinawit ang mga braso sa katawan nito.
Kahit na may pagka-brusko ang binata at madalas ay sitahin siya nito, ito lang ang tanging nakakaintindi sa kanya. O, mas tamang sabihin na umiintindi sa kanya.
Ang buong akala ni Sarah ay sa club ang punta nila. Iyong club na madalas tambayan ng mga kabataan dahil hindi masyadong mahigpit, isa pa..ilang metro lang ang layo niyon sa isang *sikat* o kilala ding budget friendly na motel. Subalit hindi doon ang naging destinasyon nila. Sa halip, ay sa isang condominium building ito tumuloy. Dumiretso ito sa underground parking at nang patayin nito ang makina at i-stand nito iyon ay bahagya siya nitong nilingon.
"Mag-usap muna tayo. Sa susunod na lang tayo pumunta sa club."
Anito matapos alisin ang nakasuot na helmet.
"Pwede mo naman akong ihatid na lang doon."
"No."
"Pero, Chris.."
"Don't argue with me Sarah. Kadarating mo lang doon kaagad ang pupuntahan mo? We need to talk."
Pagtatapos nito sa usapan. Sa tono nito na animo tatay niya ay batid niyang ito ang masusunod at wala siyang magagawa.
Walang kibong inalis niya ang lock ng suot na helmet at nang mahubad iyon ay iniabot dito. Nauna siyang umibis at umayos ng tayo. Nang maka-alis din sa pagkaka-upo sa motorsiklo ang binata ay inabot nito ang kamay niya at saka siya inakay patungong elevator habang nakasabit sa isang braso nito ang dalawang helmet.
"Bagong tinutuluyan mo?"
Putol niya sa katahimikan habang sakay ng elevator.
"Yes. Saan ka nga pala tumuloy?"
Noon palang siya nito tiningnan.
"Sa pinsan ko. Iyong ikinuwento ko sa iyo dati."
Magsasalita pa sana ito nang tumunog naman ang sinasakyan nila, hudyat na naroon na sila sa destinasyong palapag. Hawak pa din ang kamay niya ay hinila-hila siya nito hanggang sa makarating sila sa dulong bahagi ng pasilyo. Digital ang lock ng pintuan sa unit nito, at hindi man lang tinakpan ang passcode ng pumindot doon.
"Remember that."
Anito sa kanya matapos tumunog ang pagkaka-unlock. Napangiti siya sa iginawing iyon ng binata bago napapakamot sa sintido habang nakabuntot dito nang pumasok na sa loob.
Inilibot niya ang paningin sa paligid. Minimal lang ang gamit at maluwang pa ang espasyo. Halatang bago pa lamang doon ang binata, o hindi naman kaya ay sinadya nitong huwag bumili ng mga gamit na hindi naman masyadong kailangan. Ang sala nito ay mayroon lamang ga-bewang na eatante, sa taas niyon ay naroon ang hindi kalakihang wall TV. Isang single seater na lazy couch, foot rest, at three seater sofa, sa gitna niyon ay isang maliit na coffee table. Walang kahit na ano ang naka-display o nakasabit man lang na dekorasyon maliban sa nag-iisang bonsai na nakapatong sa estante.
"Napaka-boring ng bahay mo."
Komento niya nang makita itong naglalagay ng kape sa perculator.
"Hindi naman ako naglalagi dito. Umuuwi lang ako kapag kailangan kong maligo o matulog."
"Eh, bakit binili mo pa? Paano na iyong condo mo doon sa Greenhills?"
"Matagal ko nang naibenta iyon."
Sagot nito.
Bitbit ang dalawang tasa ng kape ay lumapit ito sa kanya at iniabot iyon. Inginuso nito ang gawi ng sofa at saka nagpatiuna na doon.
"Now, tell me. Bakit ka pa umuwi?"
Seryosong tanong nito. Nag-iwas siya ng tingin nang mas tumimo ang mga mata nito sa kanya.
"You already had a life there Sarah.."
"Bumabalik sila Chris.."
Matapat na sagot niya.
"Kailan pa?"
Napahugot siya ng hangin at pinuno niyon ang kanyang baga hanggang sa mahirapan siya bago iyon pinawalan sa kanyang bibig. Pinalaya niya ang mga paa sa mataas na takong at saka iginalaw-galaw ang mga daliri sa paa.
"Hindi naman palagi.."
"Alam mong mas makakabuti kung naroon ka lang. What's the good of coming back Sarah?"
"H-hindi ko din a-alam... Siguro, dahil wala ka na din doon?"
Nag-angat siya ng mukha at sinalubong ang mga mata ng binata sa kanya. Naroon ang pag-aalala sa mukha nito. Kahit na itago iyon ng kaseryosohan at pagka-istrikto ay hindi nito nagawang itago ang pag-aalala sa kanya.
" Ang sabi ko ay babalik ako. May aasikasuhin lang ako dito, pagkatapos ay babalik din ako."
Napipilan siya sa tinuran nito. Sa mga nakaraang taon ay masyado niyang naisandal kay Chris ang sarili, to the point na parang karugtong na nito ang bituka niya. Siguro dahil kay Chris lang siya ulit natutong magtiwala.
Nakilala niya si Chris noong panahon na tila bibigay na ang katinuan niya. Ito ang nagmistulang liwanag niya sa dilim. Ito ang tinatawag na *knight in shining armour * sa buhay niya. Si Chris iyon..
"I won't disappear in your life Sarah."
Nagulat pa siya ng abutin nito ang mukha niya at punasan ng likod ng palad nito ang kanyang pisngi. Hindi man lang niya napansin na naluha na siya.
"So please, forget the past..hahalukayin mo lang ulit ang mga bagay na pilit mo nang naibaon, kung babalik ka sa club na iyon."
May bahid ng alinlangan na anito.
Gusto niyang sabihin na sa kabila ng maraming taon na lumipas ay hindi niya magawang lumimot. Gusto niyang sabihin na mali ito, dahil wala siyang naibaon sa limot. Subalit ayaw niyang pasanin din nito ang bigat ng kalooban niya. He didn't deserve that. Kaya pilit siyang ngumiti at tumango.
"Good, dumito ka nalang kaya? Kapag natapos ko na ang mga dapat kong gawin dito ay sabay tayong babalik sa Japan. How's that?"
Suhestyon nito. Sa mga sandaling iyon ay sinsero ang naging pagngiti niya maging ang pagtango bilang pagsang-ayon.
"Wanna sleep together?"
Nakangiti na din na tanong nito. Mabilis siyang tumango ulit bagay na ikinatawa nito.
She missed that laugh.
"I'll look something for you to wear. Dapat siguro ay may mga gamit ka na din dito."
"Doon naman ako kay Bianca makikituloy."
"You're okay with that? I thought, ayaw mong magkaroon ng malalim na koneksyon sa kanya o sa iba pa?"
"O-oo nga.."
Nanlumo siya dahil tama ang binata. Ayaw nga niyang magkaroon ng malalim na ugnayan sa kahit na kanino. Pero iba iyong naramdaman niyang saya nang makita si Bianca at mayakap ito. Pakiramdam niya ay kay tagal na niyang inasam ang ganoong uri ng pakiramdam..ang ganoong koneksyon.. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa dati.
"Then stay with her."
Ani Chris na ikinagulat niya.
"H-huh?"
"It must be some sort of blood connection. Something like a pull of happiness that you're craving of? Can't blame you though. You've been.."
He trailed of, afraid that he might touch a sensitive subject.
"Anyway.. I'll be morethan happy if you stay here."
Nagpaalam si Chris na kukuha ng damit na pwede niyang isuot at mamimili na lang daw sila kinabukasan. Nang maiwan siyang mag-isa sa sala ay napatitig siya sa kape. Hindi niya alam kung bakit nga ba siya bumalik gayong tama ang binata. Kung tutuosin ay may sarili na siyang buhay sa Japan.
Hindi niya din alam kung tama din ba na bumalik siya. May bahagi sa kanya ang masaya dahil matapos ang maraming taon nagawa niyang bumalik. Ngunit ang kasiyahang iyon ay maliit na bahagi lang.
Dahil kahit ano ang gawin niya..malabo nang maging kumpleto ang kasiyahan niya.