Sa pananatili ni Sarah sa poder ng pinsan na si Bianca kahit na ba minsan lang sa isang linggo iyon ay nasasaksihan niya ang kabaliwan ng pinsan, hindi lang sa lalaking gusto nito kundi maging sa best friend daw nito na iilang beses pa lang niya nakita.
Kahit na bara-barahin niya ang pinsan sa pantasya nito ay wala iyong epekto. Mapilit at hindi basta-basta tumatanggap ng hindi ang dalaga. What she feels matter, at kahit naririndi na siya kay Bianca sa huli ay wala naman siyang magagawa. Hindi niya iyon mapang-hihimasukan dahil alam niya ang ganoong pakiramdam.. Dahil minsan na din niya iyong naranasan.
She's just hoping that Bianca won't end up like her.
Abala si Sarah sa pagpindot sa remote ng TV. Naghahanap ng istasyon na may magandang panoorin pero dahil Linggo ay walang palabas na makapukaw ng atensyon niya. Sinubukan niyang tawagan si Chris pero hindi pa man siya nakakapagsalita ay inunahan na siya nito. Hindi daw ito pwede dahil may pupuntahan at gagabihin ng balik. Napapadalas ang pag-lalamyerda ng binata, samantalang siya ay nababagot na. Kung lilipat naman siya sa condo nito ay mas lalo niyang mararamdaman ang pagka-bagot.
Tinatamad na tumayo siya at nag-inat-inat. Inaatake siya ng antok pero, hapon na at alanganin na masyado para umidlip. Isa pa, hindi pa ganoon katagal ng magising siya sa pagsi-siesta. Mas madami na nga ang naitulog niya sa araw na iyon.
Nagtungo siya sa kusina at nagtimpla ng 3in1 na kape. Bitbit iyon ay napukaw ng cellphone ni Bianca na nagba-vibrate katabi ng TV ang atensyon niya. Bago pa iyon ma-hulog ay mabilis niya iyong dinampot. Gayun na lang ang pagtaas ng kilay niya nang makita ang nasa caller ID.
*Aking sinta. * Ang naroon sa screen. Kumibot-kibot ang sulok ng labi niya sa pagpipigil na mangiti o matawa man lang. Pero hindi niya iyon kinaya. Napahagalpak siya ng tawa habang pinapanood na magring iyon. Inilapag niya ang tasa ng kape at saka sinilip ang pinsan sa silid.
Nang muling mag-ring ang cellphone ay dali-dali siyang pumasok at ginising ang dalaga. Pero hinawi lang nito ang kamay niya at naiinis siyang pinapaalis. Naka-ngising sumampa siya sa higaan at kumubabaw dito at saka ito yinugyog bagay na ikinagalit nito.
"Gumising ka Bianca!"
"Ano ba Sarah! Araw ko ito utang na loob. Magbabad ka nalang sa mga kaibigan mo at hayaan mo akong matulog!"
Reklamo nito at saka nagkumawala at nagkakawag. Diniinan niya ang pagkaka-kubabaw sa dalaga at halos iduldol na ang cellphone sa mukha nito.
"Gaga! Araw mo talaga ngayon. Naghihimala ang langit. Tingnan mo ito dali!"
Masama ang tinging iminulat nito ang mata at akmang aangilan na naman siya kaya bago pa bumuka ulit ang bibig nito ay iniharap na niya ang screen sa pagmumukha ng pinsan.
Nanlaki ang mga mata nito nang mabistahan kung sino ang caller. Mabilis niyong inagaw sa kamay niya ang cellphone at tila nilipad ng hangin ang antok at pagkayamot na bumalikwas ito ng bangon. Sa gulat niya ay nawalan siya ng balanse. Hahawak sana siya sa frame ng kama pero dumulas ang kamay niya kaya dumausdos siya pababa. Sunud-sunod na mura ang kumawala sa bibig niya habang sapo ang nasaktang pang-upo.
Pinanood niya kung paano animo nanalo sa lotto na nagliwanag ang mukha nito habang kausap ang nasa kabilang linya. Pero gayun na lang ang disappointment niya nang malamang lasing lang pala iyon kaya naalala ang pinsan niya.
Pero dahil in love, hindi nito iyon pinansin bagkus ay nag-aalala pa. Nagmamadali itong nagbihis at nang matapos ay tila may pakpak na lumabas ng silid matapos magpaalam. Naiwan siyang nakatitig sa nakapinid na pintuan.
Napakamot siya sa ulo bago iginala ang tingin sa silid na kabisado na niya lahat ng anggulo kahit yata mga mantsa sa dingding at kisame. Nang maalala ang kapeng naiwan ay lumabas siya at kinuha iyon at dahil lumamig na..salamat sa magaling niyang pinsan ay nilagok na lang niya ang laman iyon.
Hanggang sa namalayan na lang niya kasal na pala si Bianca at ang lalaking gusto nito. Ang akala niyang happy ending ng pinsan ay hindi ganoon ka-simple.
Ang akala niya ay makikisimpatya na lang siya kay Bianca at sa problema nito sa lovelife.
Subalit ng minsang lumuwas ng Maynila si Ellie, ang kapatid ni Bianca at anyayahan silang dumalo sa event na kabibilangan nito.. Hindi niya akalaing sa puntong iyon mababago ang takbo ng buhay niya.
Dahil ang lalaking akala niya'y hinding-hindi na makikita pa ay mas malapit pa pala sa inaakala niya.
Tulala at halos hindi niya maapuhap ang sariling boses nang una niya itong makita. Bagaman si Bianca ang kausap nito at hindi pa siya napapansin ay nakatutok naman ang mga mata niya dito.
Hindi siya maaaring magkamali. Maraming taon man ang lumipas ang mukhang iyon na lumabo na sa kanyang memorya noon ay tila biglang luminaw. Nagka-edad man ito..naroon pa rin ang karisma, nadepina lang ng panahon ang bawat anggulo, ang bawat bahagi ng mukha at katawan ito..
*Erick.. *
***
"Modern prisoners, *
Sagot ng babae na katabi ni Bianca nang hindi makakibo ang dalaga ng tanungin niya kung anong painting ang naka-sali at naka-public view ng gabing iyon na likha ng kapatid nito.
Ngunit dahil natatabingan ito ng dalaga ay kailangan pa na pahabain ni Erick ang leeg upang masipat ang mukha nito. Ang taning naaabot lang ng mga mata niya ay ang mga binti nitong animo kumikinang sa kinis lalo at maliwanag doon. Maiksi ang suot nitong damit, pero nadadala nito iyon, hindi malaswang tingnan.
*Not my type though. *
Anang boses na iyon sa isip niya lalo pa at nakikita niya ang buhok nitong nakukulayan ng iba't ibang kulay. He also saw the silver stud on her eyebrow.
Pero may kung anong nagtutulak na kanya na masdan nang mabuti ang mukha nito. The urge is too strong that he almost lean on Bianca's side just to see that woman's face. Kung wala lang tumawag sa kanya ay baka hahakbang na talaga siya papasok sa row ng seat nito.
"Dad's calling me. I'll see you again Bianca."
Aniya.
"Sige. Sabihin mo kay Joseph, I already miss him."
Nakangiting anito. Natatawang tumango siya bago muling tiningnan ang katabi nito.
"Sure."
Sagot niya. Tumuwid siya ng tayo at alinlangang inihakbang ang mga paa palayo.
"That's weird.."
Aniya sa sarili.
Nang matapos ang event ay kaagad siyang dumiretso sa bahay habang naiwan ang Daddy niya upang makipag-usap pa sa mga pañero nito. He can't stand talking with the old folks, pakiramdam niya ay nahuhukot din ang likod niya.
Hindi na siya nagtaka nang makitang nasa sala si Monica ang anak niya, at naghihintay sa kanyang pag-uwi. Patalon itong bumaba sa sinasampahang sofa bed. Kaagad siyang yumuko upang maiwasan na maglambitin na naman ito sa leeg niya. Bagay na gustong-gusto nitong ginagawa. Although it's sweet and a cute gestures of her, medyo mabigat na ito para gawing swing ang kanyang leeg .
"You're home early Daddy."
Anang dalagita matapos humalik sa kanyang pisngi.
"Well, you know me.."
Kibit-balikat na aniya.
"Not catching fish tonight?"
"What?"
Napahinto siya sa paghubad ng coat sa tanong ng anak.
"Anong fish?"
"You know..girls."
Balewalang sagot nito. Napamaang siya sa anak. How on earth did she know that terms?
"Monica I don't like that words. Catching fish.."
Nakangiwing ulit niya.
"Well, bakit ang sabi ni uncle Joseph you're looking for a certain Clown fish in the sea of people when the event was done."
"What?"
Lalo siyang nabigla sa sinabi nito. Binutingting nito ang cellphone at nang iharap nito iyon sa kanya ay nabasa niya ang mensahe ng kaibigan kay Monica.
*Your daddy is looking for that Clown fish.*
Pakiramdam niya ay pumitik ang ugat sa sintido niya. Nabanggit nga niya kay Joseph ang tungkol sa babaing kasama ni Bianca, pero dahil hindi niya alam ang pangalan ay ang kulay ng buhok at damit lang ang deskripsiyon na nasabi niya. It's not like he's interested..he's just... Curious?
Nasapo niya ang noo. Joseph is really an asshole ano pa nga ba ang aasahan niya?
"Are you monitoring me with his help Monica?"
"Uhm, no?"
Nag-iisip pang sagot nito.
"But you know what dad?"
"What?"
Matabang na aniya.
"Kahit janitor fish pa ang i-date mo I won't mind. As long as ako muna ang unang kakaliskis."
Nakangising anito.
Gustuhin man niyang sermunan ang anak ay napangiti pa siya. His daughter is a smart girl. She matured on a very young age..imbis na siya ang mag-alala dahil sa bilis ng paglaki nito at pagiging observant sa paligid partikular sa kanya ay tila ba mas concern pa ito sa estado niya.
With or without a woman in his life as long as his daughter is there he'll get through..
"Have you eaten your dinner?"
Tanong niya na sinagot nito ng iling.
"That's why I waited for you dad."
"Then let's have some. Hindi pa din ako kumakain."
Aniya at saka iginiya ang anak patungong kusina.
On the back of his mind, he's still wondering who's that girl with Bianca. Or just like his daughter said.. The Clown fish.