KABANATA 10

1490 Words
Atubili si Sarah sa pag-baba sa taxi, nang tumambad sa kanya ang Bar. Nabago man ang ilang disenyo at iilang anggulo niyon ay nanatili pa rin sa ala-ala niya iyon. Nagsisimulang manlamig ang mga talampakan at mga palad niya pero naroon na siya. Hindi niya gustong umuwi. *Don't go there alone.* Iyon ang habilin ni Chris sa kanya, noon hanggang sa kasalukuyan ay iyon ang bukambibig nito. Pero ilang araw nang hindi lumilitaw si Chris at hindi niya rin ito ma-contact. Hindi siya pwedeng mag-demand sa binata. May sarili itong buhay at gayun din siya. Hindi sa lahat ng panahon ay naka-depende siya dito. Nang mapansin niyang titig na titig sa kanya ang driver ng taxi mula sa salamin ay kaagad niyang tiningnan ang metro at naglabas ng pera sa dalang bag. Hindi na niya hinintay ang sukli, sa halip ay nagmamadaling binuksan ang pintuan at kaagad na umibis doon.  Huminga siya nang malalim matapos tingalain ang iba't ibang kulay ng ledlights sa taas ng signage. Sa sulok ng kanyang mga mata ay kita niya ang tatlong kalalakihan na nagtutulakan papalapit sa kanya. Animo mga teenager na nahihiyang magpakilala bagaman sa kabila niyon ay batid niya ang motibo ng mga ito. Bago pa man makalapit ng ilang dipa sa kanya ang mga ito ay naglakad na siya papasok.  May dalawang bouncer sa bungad ng main entrance na dati naman ay wala doon. Tumaas ang kilay niya nang pakatitigan siya ng mga ito at magtagal ang mga mata sa kanyang dibdib pababa sa kanyang balakang..  Aaminin niyang assets niya ang dibdib, ang mga hita, balakang..asset niya ang kabuuang hubog ng katawan. Pero dahil sa paraan ng pananamit niya, ng kilos niya..usually ay iyon lang ang nakikita ng madla sa kanya. Napagkakamalan pa nga siyang p**n star. Wala man epekto sa kanya ang pang-mamaliit at insulto ng iba..hindi pa rin naman siya immune. May mga oras pa rin na kumakapit sa balat niya ang animo putik sa dumi na tingin ng mga taong ang nais lang makita ay ang panlabas na anyo niya at husgahan iyon.  Nagtatakang nagpalinga-linga si Sarah sa loob ng pinasok na Bar. Sigurado siyang hindi siya nagkamali sa pinasok na building. Pero napakalaki ng ipinagbago niyon. Hindi na iyon isang pipitsuging bar sa paningin niya. Ang nagmamalaking bar counter na animo may live show..well, live show nga dahil kasalukuyang nagpapakitang gilas sa pag-mix at iba't-ibang tricks ang dalawang bar tender doon. Bukod sa hindi kalayuan sa kanya ay ang open dance floor na may mangilan-ngilan pa lang na sumasayaw dahil soft music pa ang kasalukyang tumutugtog. Nang lingunin niya ang DJ booth ay wala pa iyong tao.  Hinintay niyang matapos ang munting palabas at saka siya naupo sa isa sa mga bar stool. Kinambatan niya ang isang bar tender na mabilis binitawan ang pinupunasang mixing container at saka nakangiting lumapit.  "Good evening ma'am."  Natuwa siya dahil polite ito. Taliwas sa mga napasok na niyang night clubs at bars ay propesional ang approach nito. Bagaman halatang iniiwasan nitong mag-landing ang mga mata sa dibdib niya.  "G'evening, one Pink lady please."  Aniya. Sumilay ang ngiti sa labi niya nang matigilan ito at mapatingin sa buhok niya na nakukulayan ng hot pink.  "R-right away ma'am."  Kagyat na sagot nito nang matauhan. Pinanood niya ang eksperto nitong mga kamay sa pagtitimpla. Mabilis ang kilos nito pero swabe. Wala man lang tumalsik na likido sa stainless counter.  "Bago ka lang ba dito?"  Tanong niya nang isinasalin na nito ang drink niya sa baso.  "Hmn parang ganoon na nga po. Last week lang kase nag-open itong club."  "Talaga? Ang laki ng ipinagbago nitong lugar ah..dati kase, hindi naman ito ganito."  "Nag-pupunta ka dito dati?"  Bahagyang kumunot ang noo nito.  "A-ah.. Isang beses lang. Matagal na iyon."  Aniya matapos sumimsim sa inumin at paraanan ng dila ang nabasang labi.  "Iba na ang may-ari nito ngayon. Iyong dating owner nitong bar matagal ng naka-kulong. Kaya ibinenta ng pamilya ang buong building."  Inporma nito. Tumaas ang paningin niya dito. Napukaw niyon ang atensyon niya.  "Nakulong?"  "Oo, hindi mo ba nabalitaan? Laman ng balita sa TV iyon dati. Ni-raid ang lugar na ito mga.. Siguro, nine years ago na iyon. p**********n at drug related cases. Pero sa pagkaka-alam ko nakalaya na iyong may-ari. " "Ganoon ba?"  Mahinang aniya. Napa-angat lang ang mukha niya sa pakikipag-titigan sa inumin nang mabago ang tugtog. Naroon na ang DJ sa booth. Unti-unti na din dumarami ang sumasayaw sa dance floor.  "Wala dati iyong second floor.. Anong meron doon?"  Turo niya sa ikalawang palapag. Nahaharangan iyon ng glass panel mula sa bakal na railing pababa sa sahig, hanggang sa ceiling. Pero dahil salamin iyon ay abot pa din ng mga mata niya ang hindi masyadong masakit sa mata na ilaw doon. Cozy ang dating no'n. Higit sa lahat ay ang mga upuan na sa mga mamahaling hotel lang niya nakikita.  "Luxury launge iyon ma'am. Pili lang ang nakakaakyat sa taas. Maliban na lang syempre kung may passes sa may-ari."  "Sino na ang bagong may-ari?"  Curious na tanong niya. Pero bago pa man ito makasagot ay may nag-slide ng baso ng hard drink sa harapan niya na may diamond shape na yelo.  "Looks like you need a company."  Anang boses sa likuran niya. Ramdam niya ang kamay ng estranghero sa nakahantad niyang likuran. Gumapang iyon pababa hanggang sa kanyang balakang. Nang lumitaw ito sa kanyang tagiliran ay nakangisi ito pero hindi sa kanyang mukha nakatingin kun'di sa saan pa ba, sa dibdib niyang kulang na lang ay dakmain nito.  Hinawi niya ang baso palayo sa kanyang harapan. Iniikot ang stool at taas kilay na sinino ang istorbo sa kanyang pag-iisa. Pero dahil matagal na siyang absent sa lupang sinilangan ay iilan lang ang kilala niya, karamihan ay wala na siyang pakialam kung saan, o sino ang pinag-mulan.  "No, thanks."  Tipid niyang sagot bago muling pumihit paharap sa counter. Subalit ang lalake sa kanyang tabi at sadyang makapal ang mukha. Dumaragdag pa ang sipol at tuksuhan sa isang mesa hindi kalayuan sa kanila. Sa hinuha niya ay kasamahan nito ang mga iyon at siya ang trip sa gabing iyon.  "Oh, come on. It's not fun to be alone. Besides..sayang naman kung mag-iisa ka lang."  Kagat-labi at nanggigigil na pinisil nito ang balikat niya.  "I'm sure na magiging makulay ang magdamag natin, so..come with me."  Tinapik niya ang kamay nitong humaplos sa kanyang buhok. Batid niyang ang pinatutungkulan nito sa makulay ay ang buhok niya, ang suot niya, maging ang make up niya.  "Leave me alone. Kung gusto ng kasama ay wala ka sana ngayon sa harapan ko."  "Huwag ka ng pakipot. You know, I like my girls to be a little feral..not annoying. Sa itsura mo naman..tiyak na pang-isang gabi ka lang."  Naiiling na tumayo si Sarah sa kinauupuan. Inaasahan na niya ang ganoong insulto. Hindi naman na iyon bago.  "You know.. I like talking to a man who's smart. They look sexy and appeling without even trying. Not some dumb, cocky dickhead like you. In other words..piss off."  Nanliit ang mata nito sa kanya. At kahit sa mga neon lights na nagsasalimbayan sa paligid ay kita niya ang pamumula ng mukha nito sa pagkapahiya dahil nagtatawanan ang bawat nakarinig. Maging ang mga kasama nito na sinundutan pa ng kantyaw kaya tila sasabog ito sa galit.  Hinablot nito ang baso na sana ay pang-uto sa kanya at saka iyon isinaboy sa kanya. Gusto niyang matawa kung hindi lang sa pumasok ang yelo sa damit niya at na-stock sa kanyang tiyan,dahil sa pagkakaalam niya ay babae ang gumagawa ng ganoong cheap na moves.  "Para sa isang p****k na katulad mo ay mataas yata ang standard mo.."  Timatawang anito.  "Kung totoong diamond sana iyong yelo sa baso baka sakaling magka-interes ako sa iyo. Pero dahil kasing baho ng hininga mo ang lumalabas sa bibig mo kahit yata diyamante ay magmumukhang pwet lang ng baso! Kung hindi ka marunong umintindi ng leave me alone! Siguro naman hindi mahirap intindihin na ayaw ko sa iyo. Hindi kita type. Hindi kita bet kahit one night lang. Estupido! " Singhal niya dito at saka ito sinipa sa binti gamit ang tulis ng kanyang takong.  Nanlaki ang mga mata nito bago ngumiwi at nang marahil ay tuluyang maramdaman ang sakit ay sinapo nito ang nasaktang binti. Namumulaklak ang bawat murang lumalabas sa bibig. Doon na nagsilapitan ang mga kasama nito. Ang dalawa ang umalalay sa lalakeng namimilipit sa sakit. Habang ang isa ay sinambilat siya sa braso at umamba ng sapak sa kanyang mukha kaya napa-iwas at napapikit siya.  Subalit ang inaasahan niyang kamao sa kanyang mukha ay hindi nangyari. Sa halip ay naramdaman niya ang pagbangga ng kanyang katawan sa isa pa bago sumakop ang mga bisig nito sa kanyang balikat at iikot siya upang mapunta siya sa likuran nito.  "Are you alright?"  Tanong ng lalake na natigilan nang mabistahan ang kanyang mukha. Ang gulat sa mga mata nito ay siya ding gulat na nakalarawan sa kanya.  Kumibot-kibot ang labi nito na para bang may nais sabihin pero hindi malaman kung paano iyon isasatinig. Siya ang unang nakabawi sa kabiglaan. Kumawala siya sa bisig nito at hinamig ang sarili habang tila hindi naman makapaniwalang nakatitig sa kanya ang nasa harapan niya.  "S-salamat.."  Halos bumara ang salitang iyon sa lalamunan niya kaya tumikhim siya upang pagluwagin ang naninikip na daluyan ng hangin.  "S-Sarah..?" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD