"Willing ang tauhan ko na samahan kang mag pa-blotter. We can use the CCTV footage as evidence."
"Hindi na."
Simpleng sagot ng dalaga. Muling napahugot ng malalim na hininga si Erick habang pinapayapa ang mabilis na pintig ng kanyang puso. Hindi niya maialis ang paningin sa babaeng pinaniniwalaan niyang si Sarah..
Pero napakalayo nito sa Sarah'ng kilala niya. Ang lahat sa babaeng nasa kanyang harapan ay kabaliktaran lahat sa babaeng kilala niya sa nakaraan. Pero bakit iisa lang ang epekto ng presensya nito sa kanya?
"T-then, kami na lang ang mag pa-file ng complaints."
"Ikaw ang bahala."
Matipid na sagot nito at saka binuksan ang dalang bag at inilabas doon ang cellphone.
"Are you leaving now? I.. I can drive you home-"
"No, thanks."
Mabilis na tanggi nito bago pa man niya matapos ang nais sabihin. There's that aching feeling inside of his chest. Something that makes him feel sad, frustrated and angry. Not because she kept on rejecting him, but because he can't do anything about it.
She's not interested with him or with anyone in particular.
"Kung pwede sana..huwag mo akong titigan ng ganyan?"
Mariing anito. Naroon ang inis.
Humarap ito sa kanya. Salubong ang kilay matapos tumipa sa cellphone.
"I just can't stop looking at you. You remind me of someone.."
"Really?"
Anito pero wala sa tono nito ang interes, sa halip ay pagkasuya ang naroon. Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone na hawak nito. Kaagad nito iyong sinagot habang hindi inaalis ang mga mata sa kanya. Hindi nagtagal ang tawag na iyon. Sa tingin niya ay wala pang isang minuto.
Inayos nito ang nagulong buhok at hinila ang laylayan ng suot na maiksing damit.
"Salamat ulit sa tulong. Ikaw na ang bahala sa mga costumers mong manyakis."
Pinanood niya itong maglakad palabas sa club at nang mawala sa kanyang paningin ay hindi nakatiis na sumunod. Naabutan niya ito sa gutter sa gilid ng kalsada. Sa harap ay isang motorsiklo. Umibis ang driver niyon at hinila ang babae. Napakislot siya sa kinatatayuan, bigla ay naging alerto. Ang akala niya ay sasaktan nito ang babae pero nagulat pa siya ng yakapin nito iyon. At higit na mas ikinagulat niya ay ang tila kamay na dumaklot sa loob ng kanyang dibdib.
Marahil ay napansin ng mga ito ang presensya niya kaya parehong lumingon sa direksyon niya. Hindi niya mabasa ang reaksyon ng lalaking kasama nito dahil una, naka-helmet iyon. Parang nagtatalo pa ang dalawa sa paraan ng pag-uusap ng mga ito habang panaka-nakang lumilingon sa direksyon niya. Nagtaka siya, pero ng maisip ang nangyari sa loob ng club ay baka iyon ang pinag-uusapan ng mga ito.
Pumara ang lalake ng taxi at saka pinasakay doon ang dalaga. Matapos niyon ay muli siyang nilingon at tumango sa kanya bago sinenyasan ang driver ng taxi na umabante na. Binuntutan nito iyon habang siya ay naiwan sa kinatatayuan na puno ng pag-iisip at alinlangan.
Habang papasok sa loob ay pilit niyang iniisip kung saan niya nakita ang dalaga. Hindi nito sinabi o nabanggit ang pangalan. Hindi din naman niya naitanong ang unang umalpas sa bibig niya ay ang pangalan ni Sarah. Subalit kahit anong kalkal niya sa isip ay hindi niya talaga matandaan kung nakita na ba niya ito.
Sa huli ay wala siyang nagawa kung hindi ang iisantabi ang bagay na iyon ay unahin ang trabaho.
Makalipas ang ilang araw ay mas tumagal si Erick sa Midnight's. Ang club na pag-aari nilang magkakaibigan. Bagaman kasa-kasama sina Gibson, Rony, at Joseph ay hindi naman nagtatagal ang mga ito doon. Pinaka-matagal na din naman na niya ang ala-una, madalas ay hindi siya nagpapaabot ng hating-gabi lalo na kapag naroon sa poder niya ang anak. As much as posible ay gusto niyang kasabay niya ito sa hapunan o bago ito matulog ay magkikita muna sila.
Ngunit ang mga nakaraang araw ay iba. Napadalas ang pananatili niya sa Midnight's hindi dahil sa trabaho lang..malaking bahagi niyon ang pag-asam niya na makikitang muli ang babaeng napagkamalan niyang si Sarah. Pero, hindi na ito bumalik pa.
***
"Monica.."
Tawag pansin ni Erick sa anak na abala sa pag-check ng mga dog collar.
"Daddy it's Monique kase."
Kahit nakatalikod ang anak ay batid niyang nakanguso ito.
"Kailan pa nabago ang pangalan mo?"
"It's a nickname."
" I like Monica better."
"But Monique is cuter."
"Saan mo naman narinig iyon? Who called you by that name?"
Naiiling na tanong niya.
"No one. I just like it. Just call me Monique okay, dad?"
Lingon nito sa kanya. Nakasimngot.
"Okay, fine. You and the dogs are going out?"
Aniya nang mapansin na hindi para sa mga alaga nilang aso ang inaayos nitong mga dog collar.
"Yes, pero si Milo lang ang isasama ko."
Tuloy nito sa alaga nilang Puli.
"We're going to the animal shelter."
Imporma nito. Milo is their old dog, pero kahit matanda na, surprisingly ay malakas pa din.
"I'll go with you."
"No, dad. Darating si uncle Joseph, and he's looking for you."
"How did you know?"
"He called me."
Walang nagawa si Erick kung hindi ang maiwan lalo pa at mukhang importante ang magiging sadya sa kanya ng kaibigan. Kampante lang siya na umalis mag-isa si Monica dahil pinagkakatiwalaan nila ang driver na kasama nito at ang animal shelter na patutunguhan ay ang shelter na matagal na din nilang tinutulungan. His daughter loves animals, even Pythons.
Just like Sarah..
***
"Galit ka pa ba?"
Tanong ni Sarah kay Chris habang abala ito sa paghiwa ng sibuyas. Nagtaas ito ng tingin sa kanya ngunit hindi kumibo. Sa halip, itinuon nitong muli ang atensyon sa ginagawa.
"Nag-sorry na nga ako 'di ba?"
Nalukot ang ilong niya nang marinig ang malakas nitong paghugot ng hininga na para bang doon pa lang ay naubos na kaagad ang pasensya nito.
"Stop it, Sarah."
"Eh,' di kausapin mo ako."
Nakasimangot na tugon niya.
"Ano pa ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Kung hindi pag-uusap ang tawag mo sa conversation natin, then I don't know what it is."
"Bakit ba kase galit na galit ka?"
Napapitlag siya ang mapadaskol na ilapag ni Erick ang hawak na kutsilyo. Itinukod nito ang mga kamay sa kitchen island at tiim bagang siyang minasdan.
"Tinatanong mo kung bakit? Ang bilin ko sa iyo ay huwag kang pupunta sa lugar na iyon! Pero ano? Sumige ka pa din. Look what happened. Bukod sa nabastos ka na, nakita mo pa ang lalaking iyon!"
"Hindi naman niya ako nakilala.."
Natitigilang sagot niya.
"Ang sabi mo ay binanggit niya ang pangalan mo."
Mariing bigkas nito.
"That means he recognized you."
"Hindi siya sigurado, Chris.."
"That's Erick James Sandoval, Sarah! Kahit kung anu-ano pang kulay ang ikulapol mo diyan sa buhok mo, kahit tadtarin mo ng hikaw ang katawan mo, kahit ibalot mo ang sarili mo sa sako huwag ka lamang niya makilala, sa lakas ng intuition niyon ay imposibleng hindi mo nakuha ang atensyon niya. And right now, I'm sure as hell that he's curious and edgy about you."
Hindi siya nakakibo dahil batid niyang kahit malayo na ang itsura niya ngayon sa nakaraan, sa paraan ng pagtitig sa kanya ni Erick sa club ng gabing iyon ay hindi maikakailang namukhaan nga siya nito. Patunay niyon ay ang pagbanggit nito sa pangalan niya. Mukha lang nagdadalawang isip ito sa nakikita dahil sa ayos niya..pero magkagayunman.. Nakita pa rin siya nito ng harapan.
"You told me that he's the last person that you wanted to see. That you'd rather live under a rock if it's posible just so your paths won't cross again.. Did you not?"
"Y-yes.."
Nakatungong aniya. She screwed up. Iyon ang nais ipabatid ni Chris. At alam niya iyon.
"Go back to Japan."
Seryosong ani Chris. Awang ang labing nagtaas siya ng mukha dito.
"Chris.."
"Seryoso ako, Sarah. Bumalik ka na sa Japan habang may pagkakataon ka pa. Dahil sa oras na malaman ni Erick na narito ka, mahihirapan ka nang makaalis ng bansa."
"Hindi mangyayari iyon.."
Naguguluhang aniya. Ano naman kung malaman ni Erick na siya ang Sarah sa nakaraan nito? Wala naman na silang koneksyon sa isa't isa. Matagal na iyong natuldukan.
"A-ayoko pang umalis.."
"Why?"
"Alam mo kung bakit.."
Halos pumiyok ang boses na aniya. Doon lamang lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Chris bagaman salubong pa rin ang mga kilay nito.
"Kailangan ko din na bumalik doon sa Midnight's."
Nagdadalawang isip man ay sinabi niya pa din iyon.
"Nahihibang ka na ba talaga?"
"Chris, please? Hindi dahil naroon si Erick..believe me or not, wala siya sa dahilan."
Determinadong aniya. Pero matigas ang pag-iling ng binata sa kanya.
"No."
"Pero-"
"I'll go instead."
"H-huh?"
Hindi makapaniwalang aniya. Sumusukong inihilamos nito ang mga palad sa mukha. Halatang hindi din gusto ang pagtungo sa club pero dahil nakukulitan na sa kanya, o para manahimik siya ay nagprisinta na ito.
"Alam ko'ng hindi ka mapapakali lalo na at nalaman mo'ng maaaring naroon din ang lalaking iyon sa club. But, promise me, Sarah. Stay away from Erick. No matter what..stay away from him."
Nagtataka man ay tumango siya. Pero higit sa pagtataka ay ang galak na nakahandang magpuyat si Chris para sa kanya. Sa ngayon ay masaya na siya doon.