KABANATA 12

1417 Words
Nilaru-laro ni Sarah ang susi sa kamay. Duplicate key iyon sa apartment na inu-okupa ni Bianca para daw kahit kailan na maisipan niyang umuwi ay hindi na niya kailangan pa itong tawagan upang ipaalam ang pagdating niya. Isa pa ay doon naman na ito madalas na manatili sa bahay ng asawa. Nabibigla man sa bilis ng naging pangyayari sa takbo ng lovelife nito dahil kasal na pala ang pinsan, well.. Secret wedding ay ipinagkibit-balikat na lang niya. She have the man she loves, at sa napapansin niya nitong mga nakaraan ay mukhang hindi na lang ito ang nagmamahal. Ngunit sa kabila niyon, mas lumiit ang mundo niya dahil ang asawa nito ay kaibigan ang lalaking iniiwasan niya. Hindi niya alam kung sadyang nilalaro lang ba talaga siya ng tadhana, dahil ang mga bagay na ayaw niyang makita o mangyari ay ang siyang nagaganap. Sa ngayon ay kailangan muna niyang sundin ang bilin ni Chris. Kailangang hindi maglandas ang mga daan nila ni Erick. Kaya nga sa iisang lugar lang niya alam magpalipas ng oras kapag inaatake ng pagkabagot. Sa isang animal shelter.  Bitbit ang mga pinamiling supplies para sa mga hayop, mapa aso, pusa, daga o kung anu pa man ay sinubukan niyang punan. Hindi siya halos magkanda-dala sa mga iyon. Masyado siyang nalibang sa pamimili na halos hindi niya namalayan na naparami siya nang nailagay sa cart.  Nang mapigtas ang handle ng isa sa malaking paper bag na dala niya ay nakanganga niyang pinanood na sumambulat ang mga laman niyong mga treats. Naiiling sa sariling kapalpakan na ibinaba niya ang iba pang mga bitbit at isa-isang pinulot ang mga nagkalat sa kalsada. Ilang dipa na lang ang layo niya sa gate ng shelter. Hindi pa muna siya pinapasok bago iyon napigtas.  Abala siya sa ginagawa nang mapansin ang paparating na sasakyan. Halos masilaw siya sa sobrang kinis niyon. Lalo pa nang tuluyan iyong huminto, ilang metro ang layo mula sa harapan niya. Hindi niya maialis ang mga mata sa pagkakatingin sa logo niyon na animo nagmamalaki.  Nabawi lang ang atensyon niya nang umibis doon ang isang dalagita at ang driver niyon. Dumiretso ang mga ito sa kanya at walang kibo siyang tinulungan na pulutin ang mga nagkalat niyang dalahin.  "You o...kay?" "Huh?" Taka niyang anas nang tila matigilan ang dalagita nang mamasdan ang kanyang mukha. Hindi naman siguro nito iniisip na modus niya lang ang nangyari at may balak siyang ibudol-budol ang mga ito hindi ba? Hindi rin naman siguro siya mukhang mandarambong dahil natitiyak niyang presentable ang itsura niya kahit na pantalon at plain tee lang suot niya.  "Ako yata ang dapat na magtanong niyan. Okay ka lang ba?"  Balik tanong niya matapos na damputin ang natitirang piraso sa lapag. Tumikhim ang dalagita sa kanyang harapan bago ngumiti at tumango ng sunud-sunod. Nagtaka pa siya dahil tila ba lalong umaliwalas ang mukha nito.  " I'm Monica. But please call me Monique."  Lahad nito sa palad habang may kaaya-ayang ngiti sa labi.  Ipinahid niya ang kamay sa suot na pantalon upang masigurong wala iyong alikabok o dumi bago niya tinanggap ang naghihintay nitong kamay.  "Sarah.."  Pakilala niya. Namilog ang mga mata nito at lalo pang napatitig. Hindi na niya masiguro kung sapat ba siyang mangilag sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Hindi niya mahuli sa salita kung ano o bakit may hatid na alarma sa isip niya ang reaksyon nito. Parang kilala siya nito.. Para bang nagkita na sila, na imposible naman dahil saulado niya ang mga taong nakakasalumuha.  "M-may.. Problem ba sa mukha ko?"  Hindi na nakatiis ay tanong niya bago binawi ang kanyang kamay na hawak pa din nito.  "No, nothing. It's just that.. You look really beautiful."  Tumatango-tango pang sagot nito. Nag-init ang mukha niya dahil doon. Hindi dahil parang alibi lang nito iyon kundi dahil nakikita niyang sinsero ito sa sinabi.  "Sa shelter ka din pupunta, right?"  Anito at saka tumayo at inayos ang nagusot na bistida.  "A-ah..oo." "Madalas ako dito, but I haven't seen you here before. Tulungan na kita dito.."  Turo nito sa mga paper bag sa kanyang tabi. Mabilis siyang umiling.  "Naku huwag na. Mabibigat eh."  "Not a problem."  Kibit balikat na sagot nito bago nilingon ang kasamang driver.  "Kuya Pol padala na lang ng ibang gamit sa loob."  "Pwede naman kayong sumakay."  Nagtatakang tugon ng tinawag nitong Pol.  "I think mas relaxed si ate Sarah kapag sinabayan ko nalang siyang maglakad papasok sa loob." Anang dalagita. Nagtungo ito sa back seat at binuksan ang pinto. Namilog ang mga mata niya sa pagkatuwa nang mula doon ay tumalon pababa ang isang aso na may katamtaman sa laki pero ang balahibo nito ay animo dread locks, parang floor map na nabuhay. Isang super cute, at dark brown na floor mop.  "You like him?"  Nakangiting baling ni Monica.  "This is Milo. He's a Puli breed."  "Wow..ngayon lang ako nakakita ng ganyang breed ng aso. Sobrang cute."  Aniyang hindi mahiwalay ang tingin doon.  "I know right. So, I take it that you like animals, like me." Nakangiti siyang tumango. Mahilig siya sa aso at pusa..even pythons. Noong nasa Japan siya ay nagkaroon siya ng alagang albino Burmese pero dahil hindi na niya kayang suportahan ang maintenance nito sa pagkain at iba pang pangangailangan lalo pa at hindi naman kasing simple lang ng isang house cat ang pagaalaga dito ay ni-tern over niya iyon sa isang snake collector.  Naunang pumasok sa loob ng gated animal shelter si Pol o mang Pol. Sa tingin niya ay humigit kumulang singkwenta na ang edad nito. Habang papasok ay ikuwento ni Sarah na iilang beses pa lang siya nakakadalaw sa shelter at aksidente lang niya iyong nakita nang minsang maggala siya. Habang si Monica ay ikinuwento na ang pamilya nito ang major sponsor doon. Ayaw daw ng daddy nito na i-euthanized ang ibang hayop kung hindi din naman kailangan o kung walang sakit ang mga rescued o turn over animals dahil wala ng maipapakain o kailangan ng space para sa iba. Kaya ipina-renovate nito iyon at regular na nagdo-donate at nagka-campaign para sa adoption.  Habang nakikinig sa mga kwento ni Monica o Monique ayon na rin sa gusto nito ay hindi niya maiwasan ang hindi humanga. Sabi nga nila, you can tell a person's personality the way he or she treated an animal.  "Ang bait naman pala ng Daddy mo."  Aniya nang makapasok sila sa loob at salubungin ng ilang staffs upang kunin ang mga bitbit nila.  "He is."  Mabilis at mariin nitong sagot. Na para bang handa itong makipag-away kapag tinutulan iyon. Natawa siya. Over protective at mukhang daddy's girl ang dalagita.  Lumipas ang oras nila sa pagbo-volunteer sa pagpapaligo, at pagpapakain sa mga hayop doon. Doon niya nakita na kahit halatang lumaki sa luho at yaman ang dalagita ay wala itong arte sa katawan. Napalaki ito nang mabuti.  "Siguro ay proud sa iyo ang mommy mo 'no?"  Aniya habang nakaupo at nagpapalamig silang dalawa sa labas. Lumingon ito sa kanya bago umiling.  "I don't have a mom."  Kaswal na sagot nito.  "H-huh?"  Nabiglang aniya. Ilang minuto din siyang hindi nakahuma bago nahanap ang boses upang magsalita.  "O-oh.. Sorry."  Nakangiwi niyang hinging paumanhin. "You don't have to be. She's not dead."  Siya naman ang napalingon dito. Nakatuon ang mga mata sa paa na kukuya-kuyakoy.  So..hiwalay ang mga magulang nito kung gayon?  "She's gone..just gone. Hindi ko alam kung nasaan siya, sa pictures lang ako pamilyar sa itsura niya."  Anito na tila ba nabasa ang itinatakbo ng isipan niya. Sa mga sinasabi nito ay lalo lamang nadadagdagan ang tanong at kuryosidad sa kanyang isip. Pero hindi niya iyon magawang isatinig.  " How about you ate Sarah? " Baling ni Monica sa kanya.  Napa-iwas siya ng tingin. Tumingala sa kalangitan kahit kumpol-kumpol na ulap lang ang naroroon.  "Patay na ang nanay ko..matagal na."  "Oh.." Ang tangi lang namutawi sa labi ng katabing dalagita.  "What about your tatay?"  "Ganoon din."  "So, you're alone now? You must be lonely.."  Sukat sa sinabi nito ay mabilis siyang napalingon. Ang kuryosidad, pagtataka, at simpatya ay nagsasalimbayan sa mga mata nito na para bang nabasa at nakita nito ang kaloob-looban niya na hindi niya alam na naroon.  Hindi siya malungkot..  Matagal siyang namuhay ng mag-isa, may mga gabi at araw man na pakiramdam niya ay tumalikod ang mundo sa kanya hindi siya nalungkot.  O, baka naman dahil wala siyang pagkakataon na maging malungkot?  Na sa dami ng nangyari ay hindi na niya alam kung paano pa iyon unahin?  Habang minamasdan ang mukha ni Monica ay tila may kung anong kumukutkot sa utak niya. Pamilyar ang mukha ng dalagita.. Sa dulo ng kanyang dila ay may pangalang nais kumawala pero hindi niya mabigyan ng letra o salita kung sino.  "Kailangan ko nang umalis.."  Maya-maya ay aniya.  "We'll take you home then."  Nakangiti na muling anito.  "Huwag na. Baka magkasalungat ang direksyon natin."  Alanganin niyang tugon. Pero imbis na hayaan siya ay inabot pa nito ang kamay niya at iginiya siyang tumayo.  "That's fine. Somehow..our roads are connected anyway."  Tila makahulugang sambit nito. Natatawang nagpahila na lang siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD