KABANATA 13

1474 Words
"Hi, daddies! Good morning!" Ang matinis na boses na iyon ni Monica ang nagpalingon kay Florence at Erick mula sa masinsinang pag-uusap sa harap ng hapag-kainan.  "Daddies?" Naiiling, napapantastikuhang napatuwid ng upo si Florence habang pinapanood si Monica na makalapit. Nagkatinginan pa silang mag-ama nang mapansin na mas energetic ito sa araw na iyon. Katunayan ay patalon-talon ang dalagita hanggang sa makalapit sa sariling upuan matapos gawaran ng halik sa pisngi ang dalawa.  "Maganda yata ang gising mo?" Nangingiting ani Erick habang sinasalinan ng gatas ang baso ng anak. "Yep," Tugon nito matapos kumagat sa sausage.  "I've met a new friend yesterday."  "Sa shelter?"  "uh-huh. She really likes Milo. And, we have the same likes and dislikes. Plus, she's beautiful."  "Sigurado ka na *she* iyang bago mong kaibigan at hindi he?" Takang tanong ni Florence. Napailing at napangiti si Erick. Napansin din ng ama ang inaakto ni Monica.  "Daddy Florence, my friend is a she, I'm sure of it. And no, she's way too old to be my crush or something. And yes, I'm straight."  Matamang minasdan ni Florence ang dalagita bago humagalpak ng tawa kaya gayon nalang ang pagsimangot nito lalo pa ng sabayan iyon ni Erick.  " I'm sorry about that. But it's rare of you to be enthusiastic about other people. Complimenting others, well... You always find beauty in anyone or anything. But the way you talk about that friend? Seems like she's different."  "Hmm, she's indeed different.."  Animo nag-iisip na tugon ni Monica.  "Well, we'd be delighted to meet her."  Ani Erick. Kaagad na napalingon sa kanya ang anak. Nawala ang ngiti sa labi nito, napalitan iyon ng alinlangan.  "Something the matter?"  "Actually daddy... I think you know her."  Mabagal, nanantyang anito.  Nagkatinginan si Erick at Florence, bago muling nilingon ang dalagita. Bakas ang pagdadalawang isip sa mukha nito.  "Why do you say so? Isa ba siya sa mga kaibigan natin? Employee? Acquaintance?"  Umiling si Monica.  "Maybe. I might be wrong? But she has the same name."  Mahinang usal nito. Nabitiwan ni Erick ang hawak na kutsara. Inabot ang baso ng tubig at lumagok doon ng manuyo ang lalamunan.  "Just spill it, kid. Don't keep our imaginations working."  Nang-eenganyong ani Florence.  "She... Uh, she looked exactly like that girl in that old photograph of yours daddy."  "Photograph?"  Naguguluhang anas niya.  "You know.. That old photo under your bed sheet."  Pakiramdam ni Erick ay huminto nang ilang t***k ang puso niya, kasunod niyon ay ang paggapang ng kilabot sa kanyang balat, bago mabilis at sunud-sunod na kumabog ang puso niya sa kanyang dibdib. His heart is painfully beating from the mixture of emotions that rush through his entire system.  "Daddy, hindi ako hundred percent sure. But... She really looks like her even though she's a grown-up woman now. And their names are the same. "  "You mean, Sarah?"  Tulala niyang sambit. Nang tumango si Monica ay para siyang tinakasan ng lakas. Napalingon siya sa ama na noon ay hindi din makapaniwalang nakatingin sa kanya.  "How? How does she look? Is she alright? What's -". "I'll tell you, everything daddy. Let's have our breakfast first. "  Monica cut him out from firing questions.  *** "P-pink? Pink hair?"  "Mas matingkad sa pink.. Parang reddish na."  Kunot noo na ani Monica habang inaalala sa isip ang pisikal na itsura ni Sarah.  "It's pretty though. Parang cosplayer lang."  "May... May mga.. stud earrings ba siya? Like lip piercing.."  "Oh, right! How'd you know that?"  Napasandal sa pader si Erick habang nakatingin sa kawalan. Kung gayon ay tama ang hinala niya. Ang babae sa club, hindi lamang iyon basta-basta kamukha ni Sarah kun'di si Sarah mismo iyon..  "D-daddy?"  Nagtatakang agaw pansin ni Monica. Kinaway-kaway pa ng anak ang mga kamay sa harapan niya. Kunot-noo niyang hinuli ang mga iyon. Sa gulat nito ay bahagya pa napatalon.  "Alam mo ba kung saan siya nakatira? Did you get her number?"  "Y-yes.. Pero hindi ko nakuha ang number niya. Daddy!!" Gayun na lang ang tili ni Monica ng hilahin niya ito at yakapin nang mahigpit. Hindi pa nakuntento ay ini-angat niya ito sa pagkakatayo at iniiko-ikot habang tumatawa habang panay ang tili nito.  "You! I love you, baby."  Naka-ngising aniya matapos huminto. Mahilo-hilong sinamaan siya nito ng tingin bago inayos ang nagusot na buhok at damit.  "Samahan mo ako."  Hindi pa man ay kaagad na niyang hinila ang anak palabas ng bahay.  "What? Where?"  "Where else, pupuntahan natin siya."  Aniya. Ramdam niya ang tila umaapaw na kasiyahan na iyon sa dibdib. Buhay na buhay ang pagkasabik na makita ang dalaga.  "What?! No."  Tanggi ni Monica kasabay ng paghila nito sa kamay na hawak-hawak niya.  "Why not?"  "Dad.. I don't think it's a good idea."  Nakangiwing anito. Naguluhan siya dahil doon.  "Monic- I mean, Monique.. Why the hell not?"  "Because, I don't know..baka magulat siya kapag bigla na lang ay sumulpot ka sa harap ng pintuan niya? After all those years? What do you think she'll feel?"  Natahimik siya sa sinabi nito. Ang kasabikan at kasiyahan na pumupuno sa kanyang dibdib kani-kanina lang ay unti-unting humuhupa. Napapalitan ng pait at kalungkutan. Marahil ay napansin ng anak ang pagbabago ng emosyon niya. Inabot nito ang kanyang kamay at marahang pinisil-pisil. He saw how sorry she is, but thinking about it now. She actually have a point. His daughter is right.  "Knowing that she's right there.. I mean, I've been waiting for this moment to come Monica..but,"  "I know daddy. But you can't just barged on her place like as if, as if nothings happened."  Erick breath out the frustration that's been building on his chest. Not half an hour ago he's excited, happy.. Extremely happy but the happiness didn't last long..  " You have to take it easy, and I don't think she's no longer the girl that you've been telling me from those bed time stories. When I told you she's different, I didn't just mean about her physical impression..its something that I felt from her, she's something else. "  *** " Chris? " Gulat at pagkamangha na anang boses na iyon sa likuran ni Chris. Nang lingunin niya ang may-ari ng boses ay bahagya siyang napa-ayos nang pagkaka-upo.  " Joseph.. " Mahinang usal niya nang makilala ang lalaking nakatayo sa kanyang likuran. Nakangiting gumilid ito at na-upo sa katabi niyang bar stool.  "I didn't foreseen to see you here. Kailan ka pa dumating?"  Tanong nito matapos sumenyas sa bar tender para sa inumin.  "Not so long ago.. How are you?"  Tanong ni Chris. Pansin niyang pansumandali itong natigilan bago bago napakamot sa ulo.  "Good. Married.. "  "So, ikaw ang nauna sa mga kaibigan mo.."  May bahid ng panunukso na aniya.  "Biglaan eh. Anyway, may annual party na gaganapin sa kumpanya ni mommy sa weekend. You should come."  Paanyaya nito. Pasimple niyang inilibot ang mga mata sa paligid bago muling itinuon iyon kay Joseph.  If his recollection is right, the guy is Erick's bestfriend.  "I'll think about it."  "Alam ba ni Erick na narito ka?"  "I don't think so. I'm sure galit na galit pa din iyon sa akin."  Nangingiti niyang sambit.  "Man, it's been so long. Isa pa, alam naman na niyang hindi ikaw ang.."  Natigil sa pagsasalita si Joseph nang maagaw ng mga mata nito ang bagong dating. Maging siya ay doon na din natimo ang paningin. Kahit na nga ang mga party goers na abala sa pag-inom at pag-sayaw ay napalingon din doon.  Bukod kase sa may dalawa itong kasama na animo mga miyembro ng Men in Black ay bukod tanging ang lalaking nasa gitna ang nakaputing-puti na tux.  "Jeremy.."  "You know him?"  Aniya. Palihim na sinusundan ng tingin.  "Dating may-ari nitong Midnight's. Ibinenta o napilitang ibenta dahil sa gulong kinasangkutan years ago. I can't believe na nakalaya siya sa pagkaka-kulong."  "Ah, I think I remember him from the news. Isn't he associated to drug and prostitution."  Aniya bagaman alam na niya ang tungkol doon. He's hoping that he'll get more information from him.  "Yeah, he's the man. Ngayon lang nagpakita iyan dito."  Nguso ni Joseph sa noon ay naka-upo na sa luxury launge na grupo ni Jeremy.  "And honestly speaking, that guy spells trouble. Erick won't like the idea of him being here."  "Maybe he is eyeing this place?"  Sinilip niya ang relong pambisig. May isang oras pa bago maghating-gabi subalit noon pa lamang napupuno ng mga parokyano ang club. Well atleast, nagbunga ang pagtambay niya doon. Subalit kapalit naman noon ay ang kaalaman na hindi imposibleng hindi makarating kay Erick ang pagparoon niya.  "Where is your friend by the way?"  Tanong niya. Nilingon siya nito ng may nalilitong ekspresyon sa mukha.  "Who? Gibson, Ralph? Or Erick?"  "Erick."  Gustong mapairap sa kawalan ni Chris. Hindi naman niya kilala ang dalawang binanggit nito. Hindi niya alam kung nagkukunwari lang ba ito o may iba pang gustong makuhang reaksyon sa kanya lalo na at tungkol kay Erick.  "Probably tucking Monica to sleep."  Natatawang ani Joseph.  "Monica?"  "His daughter."  Tugon nito na para bang siya na ang pinaka-slow na taong nakausap nito.  "Wha-? Daughter? May anak na si Erick?"  "Man, did you hit your head or something? Nagka-amnesia ka ba?"  Naiiling na anito at saka tumungga sa hawak na baso.  "I-I'm confuse.."  "Hindi ba't iyon ang puno't dulo ng gulo ninyo? Ang bata sa sinapupunan ni Mercy?"  "Then, they're still together?"  Nagtataka, nalilito at tila mahihilo nang aniya. Mabilis niyang dinampot ang sariling baso at sinaid ang laman niyon. Pakiramdam niya ay natuyo bigla ang kanyang lalamunan.  "You're really clueless aren't you?" "I...dont know what happened after I left too."  Natitigilang aniya.  "Well, damn.."  Mahinang usal ni Joseph na tila ba namoroblemang bigla dahil sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD