KABANATA 14

1563 Words
Nasa naka-bukas na telebisyon man ang mga mata ni Chris ay wala naman doon ang kanyang atensyon. Ang isip ng binata ay naglalakbay sa nakaraan, sa mga panahon na ang tanging mahalaga lang ay ang kaligayahan, ang kalayaan at pagmamahal para sa isang babaing halos sambahin niya kahit ang lupang nilalakaran nito. He was blindly in love... Love that turns to hate and even more complicated and unforgivable situations. Ipinikit niya ang mga mata nang muli ay tila ba nadidinig pa niya sa isip ang boses ni Joseph. Wala sa poder ni Erick si Mercy, higit pa doon ay mayroon itong anak. Sa pagkakatanda niya ay ikinasal sa huwes si Erick at ang dalaga bago lumipad ang mga ito patungong Atlanta kung saan nakabase ang mga magulang ni Mercy. Where the hell are you.. Mariing tanong niya sa isip. Napaayos siya ng upo nang madinig ang pagka-bukas ng lock sa pintuan. Kasunod niyon ay ang mga yabag patungo sa kanyang kinalulugaran. Hindi na niya nilingon pa kung sino iyon, sa halip ay padausdos niyang inihilig ang katawan at hinayaang ipaubaya dito ang bigat niya nang maka-upo ito sa kanyang tabi. Napangiti siya nang umungol ito sa pagtutol dala ng kanyang bigat at ang mga kamay nitong pilit siyang inaalis sa pagkakasandig. "Ang touchy mo yata ngayon?" Puna ni Sarah. "Pagod lang." "Kumain ka na ba? Lalo ka yatang nagmu-mukhang putlain." "Cook for me?" Nakangiting aniya, bahagyang tiningala ang dalaga na nakaarko ang kilay at nakatunghay sa kanya. "Hinintay mo pa talaga ang pagdating ko para makakain ka nang matino?" Naninitang anito, bagaman kababakasan ng pagrereklamo ay tumayo naman ito upang pagbigyan siya. Pinanood niya iyong maglakad patungo sa kusina at maghagilap sa loob ng refrigator ng maaaring iluto. Habang minamasdan si Sarah na abalang naglalabas ng mga kakailanganin ay hindi niya maiwasanng isipin, paano kaya kung alukin niya ito ng isang relasyon na higit pa sa kung ano ang mayroon sila ngayon? Ilang taon na ba silang magkakilala at magkasama, kahit pa casual at platonic lang ang namamagitan sa kanila ay 'ni minsan ay hindi niya naisip na tawirin ang pagitan ng pagkaka-ibigan at pag-iibigan. He's not interested romantically, but that doesn't mean she's not able to awaken that side of him. He cared for her..a lot. Maybe if he'll try harder he might be able to feel the kind of affection that will eventually, gradually turns into love? She's not that complex, Infact she's predictable, and very simple. Contrary to her looks, and the way she act..lies a very sensitive and emotional  girl. He wants to protect that. "I saw Jeremy." Kaipala'y aniya. Lumikha ng ingay ang kutsilyo sa sangkalan nang mapadiin ang pagkakataga nito sa karne. Awang ang labi na nag-angat ito nang tingin sa kanya. "Tama ka, he will be there." Pansin niya ang tensyon na bigla ay tila bumalot sa katawan ni Sarah. Ang pagkagat nito nang mariin sa labi, maging ang pagkawala ng kulay sa mukha. "S-sa tingin mo.. Makikilala ba niya ako?" Bakas man ang kaba, at takot ay nagawa nitong lakapan ng diin at kaseryosohan ang sinabi. "Maybe, maybe not. It's been so long anyway." "Kaya nga ganoon pa din ang pananamit ko. Para kapag nagsalubong ang landas namin, sinasadya man o hindi, makikilala niya ako. Otomatiko niyang maalala dahil wala akong binago!" "Why, Sarah?" Mapait niyang tanong. Kahit paulit-ulit na nito iyong nasagot. "Kase.." Sa nanginginig nitong boses ay pilit na binubuo ang salitang nais kumawala sa lalamunan nito. Nag-iwas siya nang tingin, muling ibinaling sa telebisyon. Ofcourse, of course there's only one goal. She wants to know who tormented her... "Pupunta tayo sa Midnight's. Not this week, maybe next weekend. We, have to be careful though." Aniya at saka iniwan ang dalaga na walang kibo at nakatitig lang sa karne. Nang mahimasmasan ang dalaga sa sinabi ni Chris ay halos wala sa loob na itinuloy niya ang pagluluto. Nang makatapos ay inihanda niya ang hapag-kainan upang iprepara ang mga niluto. Kinatok niya ang binata sa silid at inanyayahang kumain. Iyon na yata ang pinaka-mahabang pag-upo ni Sarah sa hapag-kainan. Walang namagitan na kahit na anong salita sa pagitan nila ni Chris, at tanging ang ingay ng mga kubyertos at ang naiwang nakabukas na telebisyon lamang ang pumupuno sa katahimikan na iyon. Maging nang makatapos ang binata sa pagkain ay bumalik na ulit ito sa silid matapos na magpasalamat sa kanya. Iniligpit niya ang mga kasangkapan at nilinis ang kusina. Nang makatapos ay isinukbit niya ang bag sa kanyang balikat. Hindi na siya nag-abalang magpaalam kay Chris na aalis na. Apektado si Chris sa kaalamang nasa tabi-tabi lang si Jeremy, maging siya ay ganoon din. Marahil ay iyon ang rason kung bakit tila ang maaliwas na araw na iyon ay tila lumambong sa kanyang paningin. Maging ang katawan niya at tila ba papel na animo isinasayaw lang ng hangin. Sa kawalan ng ideya kung saan siya magpapalipas ng oras ay nanatili siyang nakatayo sa gilid ng kalsada. Ilang taxi na ang huminto sa kanyang harapan at ilang sipol mula sa mga lalaking dumaraan. Nang may huminto muling taxi sa kanyang harapan ay sumakay na siya sa likod niyon. Ang animal shelter lang ang tanging alam niya na makaka-libang at makakatulong na mawala ang bigat na nararamdaman niyang iyon sa kanyang dibdib. Iginala-gala ni Sarah ang paningin sa parking ng shelter nang makarating doon. Hinahanap ng mga mata ang pamilyar na sasakyan ni Monica. Somehow, she's hoping to see the girl. Subalit, wala doon ang sasakyan ng dalagita at hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng pagkadismaya. Ipinilig niya ang ulo at saka dumiretso sa entrada. Bubuksan na sana niya iyon nang bigla iyong bumukas kaya naiwan sa ere ang kanyang kamay. Animo sinuntok ang kanyang dibdib sa naging reaksyon ng kanyang puso nang iluwal ng pintuan ang nasa likod niyon. At sa mga sandaling iyon, ang nais niya ay tumalikod at tumakbo, malayo sa lugar na iyon. *** Ang sabi ng anak niya ay huwag na munang lalapitan si Sarah. Kailangan daw iyong pag-isipan, maging ang paraan kung paano niya muling kakausapin ang dalaga. Sinunod niya ang payo ng dalagita. Ilang araw niyang tiniis na huwag lapitan si Sarah bagaman natatanaw na niya ito mula sa distansyang sapat upang huwag itong maalarma o makaabot sa kaalaman nito ang presensya niya. Hindi ipinagkait ni Monica ang address ni Sarah kaya malaya niyang nakikita ang dalaga sa tuwing nanaisin niyang magtungo sa lugar nito at maghintay na animo isang stalker. God knows how much he abstain himself at those moments that she's just a few feet away from him. Ngayon na tila ba tadhana na ang gumawa ng paraan upang magtapo na ang mga landas nila, ngayon na harap-harapan at malapitang nakikita ni Erick ang dalaga na ilang dangkal na lang ang layo sa kanya.. Unti-unti ay naging malinaw ang imahe ni Sarah sa kanyang nakaraan. She may have change...alot, but he can clearly see the girl from his past.. No doubt.. she is his, Sarah. "S-Sarah.." Bigkas niya sa pangalan nito. Ilang ulit ba niyang sinambit-sambit ang pangalang iyon sa kanyang pag-iisa? Hindi na niya mabilang, nawalan na siya ng ideya kung ilan, subalit iba pa din pala kapag narito na ngayon sa kanyang harapan ang babaing nagmamay-ari ng pangalan na iyon. Kung hindi lamang dahil sa labis na tuwa at kaba, pagkasabik at pag-aalala, hindi niya bibigyan ng pansin ang reaksyon ng dalaga. Para itong nakakita ng multo sa katirikan ng araw. Halos magkulay papel ang mukha, maging ang pandidilat ng mga mata habang titig na titig sa kanya. She recognizes him.. That's good.. "Sarah.." Muling ulit niya, sa pagkakataon na iyon ay sinubukan niyang hawakan sa braso ang dalaga. Ngunit sa kanyang pagtataka at panghihinayang ay mabilis itong umiwas at humakbang palayo na para bang mayroon siyang kahawa-hawang sakit. "E-excuse me?" Anang dalaga nagpapanggap na hindi siya kilala o nakikilala. Baka marahil nga ay hindi siya nito nakikilala? Posible iyon dahil sa maraming taon na nagdaan. Dahil kung siya nga ay hindi halos namukhaan ang dalaga nang una niya itong makita. Sinikap niyang ngumiti, tumuwid nang tayo at huminga nang malalim upang kahit papaano ay magnormal ang mga pandama niyang gising na gising sa mga oras na iyon. "Hindi mo na ba ako naaalala? Ako ito, si Erick. Erick James Sandoval." Turo pa niya sa sarili. Ang buong akala niya, o ang inaasahan niya ay magliliwanag ang mukha nito kapag narinig ang pangalan niya. Hindi iyon nangyari. Sa halip, nabura ang pagkabigla sa mukha nito. Mataman siyang minasdan, sa paraan na hindi niya gusto. Na para bang, isa lang siya sa mga taong kailangan nitong maalala dahil sinabi niya hindi dahil nais nito. Nagdulot iyon nang hindi maipaliwag na pakiramdam mula sa kanyang sikmura paahon sa kanyang dibdib. Sa halip na sagutin siya ay tumango lang ang dalaga. Kahit papaano ay lumuwag-luwag ang paghinga niya. Hindi siya nito itinanggi. "How are you? Kamusta ka na?" Aniya, pero kagyat din siyang napangiwi. Umangat ang kilay nitong may silver piercing sa bandang dulo. "Nakakaintindi ako ng Ingles. *Baka*" Tikwas ang nguso sa pagkadismaya na anang dalaga. "Baka?" Awang ang labi na ulit niya. Gusto ba nitong kumain? Ang tinutukoy ba nito ay beef? Nahinto sa pagiisip ang utak niya nang mahagip ng kanyang paningin ang pagsilay nang ngiti sa sulok ng labi ng dalaga, o namalikta-mata lamang siya dahil tila isang kisap mata lang iyon na pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD