CHAPTER 19: GIVEN _ Hindi niya sukat akalain na sa isang iglap mapapatigil siya na tila ba huminto ang pag-ikot ng mundo. Dahil sa mataas at matipunong lalaki na ngayon ay nasa kanyang harapan. Bahagya pa siyang nakatingala habang pinagmamasdan ito. Maaaring may taas ito na halos anim na talampakan, kung hindi siya nagkakamali? Bahagya itong nakakunot habang nakatingin sa kanya. Bahagya ring nakataas ang malago at maayos na kilay nito na bumagay sa lalaki nitong anyo. Hindi rin maikakaila na may lahi itong foreigner sa unang tingin pa lang... Dahil sa kulay at medyo kulot nitong buhok, ganu'n din sa magandang expression ng mga mata nito na kakaiba ang pagka-brown. Binagayan pa nang mahahabang pilik mata na nagbibigay ng expression dito ng malambing na anyo. Idagdag pa ang

