CHAPTER 20: "MINE" _ "Ate Given, narito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap!" Sabay pa silang napalingon kay Migz kasunod nito si Carlos. Nanatili namang tahimik si Keiffer... "Carlos, Migz kayo pala at bakit n'yo naman ako hinahanap?" Tugon ni Given nang ibaling nito kay Migz at Carlos ang atensyon. "Bakit ka nagpaiwan dito naroon sila kumakain na sila Ate Kat at Kuya Peter. Halika kumain ka na rin muna, na-miss tuloy kita p'wede bang payakap?" Sabay bukas ng dalawa nitong kamay at lumapit sa kanya upang siya ay yakapin. Subalit... "Miguel!" Malakas na bulyaw ni Keiffer na ikinagulat pa ni Migz. "Huh?!" Maging si Given at Carlos ay nagulat rin sa biglang pagsigaw nito. Kaya bigla natigilan si Migz hindi lang dahil sa pagbanggit ni Keiffer ng pangalan nito. Kun'di dahil na

